"Secret"ILME#07

178 10 1
                                    

Wala naman talaga akong Idea sa problema niya.

Nakatayo lang akong nakatingin Sakanya. Nagulat nalang ako ng bigla siyang lumapit sa akin sabay upo niya na nakadikit ang kanyang likod sa pader, nakaupo siya na nakabukaka habang ang kanyang magkabilaang braso ay nakapatong sa kanyang magkabilaang tuod.

Badboy na badboy talaga ang pagkaupo niya.

Nakatayo ako na nakatingin lang sakanya habang siya nakaupo na nakasimangot. Nagulat nalang ako ng may bigla siyang dinukot sa kanyang bulsa.

"Gusto mo?... " pahangyaya niya sa akin, sabay abot niya nang isang candy na dinukot niya sa kanyang bulsa. Isang uri ng candy kung saan pabilog ito at may stick sa baba, "Lollipop" na ang kulay ay pink.

Hindi ako kumibo sa inaabot niya, Bahala siya mangalay dyan. tumitig lang ako sa candy na kanyang hawak.

"Oo nga noh? ayaw mo pala ng pink kasi masyadong pangbabae?" mahinahong sabi niya.

Hindi uli ako kumibo sa sinabi niya, nanahimik lang ako habang nakatayo na nakatingin sa hawak niya.

Napakuno't noo ako dahil may dinukot uli't siya sa kanyang bulsa.

Isa na namang "Lollipop" kaso iba naman ang kulay, kulay asul o kung baga sa English ay Blue.

"O! Baka ayaw mo pa? " panibagong pag abot niya sa akin.

Sabay tingin uli't ako sa hawak niya. hindi ko parin kinuha ang Lollipop kasi nga naiinis pa rin ako sa kanya. Hanggang sa nangawit na ang kanyang kamay at napikon na.

"Oh! Ano? Ayaw mo? EeeeEdi wag! "napikon na V.

Bago pa niya ibalik sa bulsa niya 'yung Lollipop ay agad ko 'tong kinuha sa kanyang kamay na napakabilis. Sabay upo sa tabi niya at binuksan ang Lollipop at agad lagay sa bunganga ko, sabay tingin sa kanya.

"O! Ano? Masaya ka na? " matapang na sabi ko sakanya.

Nagulat siya at napakalaki ang kanyang dalawang mata dahil sa ginawa ko.

"GOOD! kungyari ayaw mo pa? Kukunin mo rin pala. tsk!" nangaasar na V

"Hoy! Lalaki ngayon lang to. " pagalit na sabi ko sakanya.

"O! sige ngayon lang kita magiging kaibigan, hindi ibig sabihin nito ay *Close* na tayo!" pabala niya sa akin, dahil doon napatingin ako sakanya.

"Wala lang talaga ako mapagsabihan ng problema ko, mas ayoko sabihin sa mga tropa ko, sa tingin ko wala naman silang pake. Pero ikaw---" Napatigil sabi ni V  sabay tingin niya sa aking mga mata.

"May pake! Kasi tanong ka ng tanong kung anong problema ko at saka sumama ka pa talaga sa akin. Tsk... " deredechong sabi ni V sabay dura sa sahig.

Hindi ako nakahimik sa sinabi niya at napaisip ako sa pinaggagagawa ko.    "Talaga bang may pake ako? Bakit kasi masyado akong concern sa kanya? Bakit ba kailangan ko alamin ang lahat sa kanya? Tsk!"

Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil naguguluan ako habang siya naman ay binuksan ang pink na lollipop.

"Sigurado ako nagtataka ka ngayon no? Alam ko pumapasok sa isipan mo kung bakit mahilig parin ako sa Lollipop sa tanda kong ito! "

Oo nga no? Ngayon lang pumasok sa isipan ko na mahilig pala siya sa Lollipop. Pagpasensiyahan niyo na kung pink na Lollipop ang nasa kanya. Dahil 'yung Blue ay nasa akin na e.

"Wala akong pake kung mahilig ka sa Lollipop!" Wala naman talaga akong pake, Napaisip lang naman.

"Tsk... " Nakanoot noo niya sagot sabay dura sa sahig.

"I LOVE MY ENEMY" [BTS & Redvelvet]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon