"Sabihin mo sa akin. Totoo ba ang nakasulat dito?" ulit nito.Tumatagos sa puso niya ang lakas ng sigaw nito. Unti-unting pumapatak ang luha sa kanyang mga mata.
"Huwag mo akong iyakan. Hindi iyan ang inaasahan kong sagot mula sayo. Hindi luha ang hinihintay kong manggaling sayo kundi mga salita mo!"
Sapat na ang bigat na nararamdaman niya para mapaupo siya sa sahig. Ginagap niya ang mga kamay ng kanyang bestfriend.
"Bitawan mo ako at sabihin mo sa akin ang totoo!" tila kulog ang boses nito habang mariing nakatitig sa kanya.
"Oo, totoo lahat ng mga nabasa mo," mahina niyang sagot.
Napamura si Inigo. Pabalik-balik ang lakad nito habang nakahawak ang isang kamay sa kanyang batok.
"Bakit mo nagawa yun lahat sa akin?? Ha?!"
Narinig niyang napamura ito. Parang balisong na bumaon sa kanyang katawan ang pagmumura nito.
"Sabihin mo! Sabihin mo sa akin!"
Siguro nga oras na para malamang nito ang totoo. Ang totoo na...
"Mahal kita. Mahal na mahal kita," naiiyak niyang sabi. Napabuga ito ng hangin.
"Mahal? Pero iyon ang mga ginawa mo sa akin? Asan ang pagmamahal mo dun!?" Napaigtad siya sa lakas ng sigaw nito.
"Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita..." iyon lang ang nasabi niya.
"Your love is so disgusting!"sigaw niya.
Para siyang nadaganan ng ilang toneladang semento sa kanyang narinig. Akma na sana itong aalis subalit niyakap niya ang kanang paa nito.
"Anong gusto mong gawin ko?" tanong niya.
"Cry me a river," sagot nito at saka malakas na tinanggal ang paa nito sa pagkakayakap niya.
***
Dear Diary,
Hiniwalayan na ni Inigo ang girlfriend niyang si Andrea. Kung alam mo lang siguro kung gaano ako kasaya nang malaman ko ito. Single na ulit ang lalaking pinakaminamahal ko. May chance na para mabaling ang atensyon niya sa akin.
Writing to you,
Dianne
Dear Diary,
Nag away sina Inigo at Elisa. Masaya ako kasi may time na naman siyang lumapit sa akin at yakapin ako nang mahigpit. Subalit iiyak na naman siya dahil sa pag aaway nila. At kahit hindi ko gusto, ay kailangan kong gumawa ng paraan para magkaayos sila.
Writing to you,
Dianne
****
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Inigo sa nabasa niya sa diary ni Dianne. He considered her as his very bestfriend. No. She was actually his only bestfriend. Very open siya sa kanya. Wala siyang tinatagong sekreto dito. Tapos ito pa ang igaganti nito sa kanya? Hindi niya alam ang dahilan subalit bigla na lang siyang umiyak. He lost a bestfriend. The only person he can rely. He can trust.
"Bakit ginawa mo sa akin to?"
***
Dianne's POVNakaupo pa rin ako sa sahig habang yakap-yakap ang diary ko. Hindi ko pa rin mapigilan ang iyak ko. Wala na. Wala na si Inigo. Iniwan na niya talaga ako nang tuluyan. Kung gusto niyang umiyak ako para makagawa ako ng ilog ay talagang gagawin ko. Huwag lang siyang mawala sa akin. Mahal ko siya. Mahala na mahal na kaya kong isantabi ang nararamdaman ko sa kanya para lang sa kasiyahan niya. Kasalanan ko din kung bakit nangyari sa amin ito. Kasalanan ko kung bakit nawala ako sa parte ng utak niya.
BINABASA MO ANG
Written Memories
Short StoryMerong girl bestfriend si guy. Siya ang puntahan nito tuwing nag aaway sila ng kanyang girlfriend. At siya din ang gumagawa ng paraan para magkaayos lang ang mga ito. Ang girl nato ay merong isang diary. Lahat sinusulat niya dito. Isang araw, nak...