BASAHIN NIYO PO,VERY TOUCHING STORY,MAY TAO PA KAYANG GANITO SA NGAYON? SANA NGA MARAMI PA!!!
"ANG BALIKBAYAN"
Isang araw sa bansang Estados Unidos, abala si Lucas sa kaniyang mga dadalhing pasalubong sa pagbabalikbayan. Halos 25 taon na rin ang lumipas mula ng iwan niya ito sa edad na 16. Kasama niyang namumuhay sa Amerika ang kaniyang mga magulang at dalawang kapatid. Dito na sila nanirahan at isa na silang "American Citizen" sa ngayon. Nakapag-asawa na rin si Lucas sa Amerika. Isa ring
Pilipina na si Maria Cristina. Biniyayaan sila ng isang anak na babae na nasa 12 taong gulang na ngayon.
"bakit mo naman naisipan na magbalik bayan ha, Lucas?" usisa ng kanyang ina na si Mom Lailani
"gusto ko lang pong maglibang sa aking sariling bansa"
"iiwan mo kami rito e kaarawan mo sa araw ng Pasko alam mo ba yun?"
"inay, unang nagpapasko ang Pinas, kinabukasan pagkatapos ng Noche Buena sa Pinas, babalik ako dito, icecelebrate pa rin natin ang kaarawan ko, siguro mga alas 11 ng gabi ng Dec 25 o a bente sais dito sa tate ang balik ko kaya hintayin niyo ko, itry ko talaga, masyado na akong busy next year baka di na ko makapagbalikbayan"
"kelan ang alis mo rito?" "bukas , Dec 15, mga sampung araw ako roon, magsisimbang gabi ako, nay halos 25 taon akong di nakabalik ng bansa, kaya wag niyo na akong tutulan"
"sino naman ako na tututol, ang mahalaga, masaya ang anak ko, ang problema kay Cristina, papayag ba siya?"
"nag-usap na kami inay, pinayagan niya ako, gusto ngang sumama, kaso maraming trabaho at si Jasmin na anak namin walang magbabantay, alam niyo naman dito sa Tate, youth are wild kapag di nagabayan"
"where are they nga pala anak?" "there, at the park nag-eenjoy sa snow, medyo makapal ngayon sa NY, kaya nageenjoy sila riding in ski"
"di ka sumama?"
"prepare all things muna Ma, mahirap bukas mag-ayos"
"saan ka tutuloy sa bahay natin?" "yap tumawag na ako kay Cousin Jennifer, she prepares all things there for me, mag papa cater ako sa birthday ko doon, closing the street of Marigold he he he"
"me pupunta kaya e lahat me handa that time pasko e" tanong ng ina
"mag-papalaro ako at mamimigay ng gift" tugon ng huli
"ikaw ang may birthday tapos ikaw ang mamimigay?"
Ma, si Jesus ang may birthday, iyon ang mas mahalaga, kung me mag-greet sa akin magbibigay ako ng gift sa kaniya, sa unang babati lang ha"
"bakit di mo ba ipapaalam na birthday mo anak?"
"doon ako lumaki sa Marigold Ma, halos lahat ng neighbor natin alam na birthday ko kapag pasko, kaya lets see the results, na mimiss ko na rin mga long lost friend ko specially yung kababata kong si John Paul, saan na kaya siya ngayon"
"sino yun yung taga slum area?"
"yeah, siya yun pero mabait yun kahit mahirap lang he's one of my great friend, di ba siya nag Valedictorian noong primary ko, nakapag-aral kaya siya, kasi nong High School bigla siyang nawala at nawalan ako ng balita sa kaniya, lalo na ng dinemolish na ang slums"
"di mo na makikita yun baka lumipat ng bahay, maybe nakapag-abroad na matalino e, maybe he's now a great engineer or something, I know magaling sa Math yun, di mo kaya e kaya third honorable mention ka lang anak"
"ha ha ha! oo nga Ma reminiscin ka ha, magaling nga siya sa Math, I miss him sana ma meet ko, pero kahit sina Kabron at Tope, ma-meet ko lang ang mga kalog kong friends e masaya na ako"