Chapter Eleven [Legit?!]

5 1 0
                                    

Akeisha's POV

Panibagong araw. Panibagong klase ts! Kainis! Ayaw ko nang pumunta sa school. (Face palm)

Kumakain ako ngayon sa bahay ng breakfast.

"Hoy. Bilisan mo na jan! May klase ka pa diba?" Sabi ni kuya. Ts! Pati din naman siya eh! Mabagal.

"Sus! Okay lang yon" sabi ko habang kumakain pa din. Ang sarap ng ulam. Lubos lubusin ko na to.

"Okay lang din ba na pag iintayin mo yung tao sa labas?" Biglang sulpot ni mommy. Tao sa labas? May tao?

"M-may tao sa labas? Sino?" Sunod sunod kong tanong. "Kumain ka nalang kaya ng mabilis saka mo tingnan" sabi ni kuya.

Sinunod ko naman agad siya. Kumain ako ng mabilis at pagkatapos nun ay lumabas ng mabilis after mag byebye sakanila.

Paglabas ko..

Shet. Nandito siya.

I mean, silang dalawa. Gahd bakit sila nandito? "B-ba't kayo nandito?" Tanong ko sa dalawa.

"Gusto kitang ihatid kaso yung Long-time bestfriend mo nandito din pala" sabi ni Zed. "Gusto ko din siyang ihatid eh, may problema don?" Ewan ko lang pero bakit parang iniinis ni Lucas si Zed HAHAHA!

"Tama na nga yaaaan! Nag aaway nanaman kayo!" Sabi ko sakanilang dalawa. "Keish halika na nga." Sabi ni Zed at hinila ako palayo. Kaso naramdaman ko ding hinila ako ni Lucas.

Tae para akong laruan na pinag aagawan ng dalawang bata! Tsk!

"Ano bang problema mo?" Singhal ni Zed kay Luc. "Ihahatid ko din si Aki?" Inosenteng sabi ni Lucas.

"Kayong dalawa talaga!" Sabi ko at umiling iling. Ayaw parin nila akong bitawan.

"Hoy Zed! Wag kang maging selfish kay Aki! Palagi kayong mag-kasama lately!" Singhal din naman ni Lucas.

"Kasalanan ko bang hindi kayo nag kita?" Sabi ni Zed. Ampotchi! Ayaw ko na!

"HOY! ISTAP NA NGA YAN! GAHD NAKAKA STRESS KAYO! WAG NIYO AKONG IHATID OKAY?! Tss" sigaw ko.

Tae. Naka ilang sigaw na ako sa dalawang to ah? Hayst.

Naglakad akong palayo.

"Tingnan mo! Nagalit tuloy si Aki!" Narinig kong sigaw ni Lucas kay Zed. "Kasalanan mo din yon!" Narinig ko din naman na sigaw ni Zed.

Tiningnan ko sila ay inirapan. Ampotchi talaga tong mga to!

Naglakad na ako papuntang school, bahala yon sila. Mag isa na akong pupunta. Hay.

-Lunch time-

"Keish, san tayo maglulunch?" Tanong ni Reign sakin. "Ewan, sa ano nalang.. sa canteen." Sambit ko. At naglakad na.

"Hoy! Teka, di mo ba hihintayin si Zed?" Tanong niya nanaman. "Bahala yan siya." Sabi ko at naglakad naman palayo. Papuntang canteen.

Naramdaman kong may humawak sa braso ko.

"Keishhh! Yung Lucas naman kasi may kasalanan noooonnn!" Nakita kong reklamo ni Zed. Ampotchi ang kyot niya hihi.

Inirapan ko parin siya. Hehe kunwari tampo.

"Hoy, sorry na kasi. Hayts, sorry naaaa keish!" Sabi niya nanaman. "Okay" cold na sabi ko. Uwa ang galing kong umacting. Parang jowa ako ni Zed na sinusuyo niya hihi.

"May nangyari ba sainyo? Gahd." Sabi ni Reign. "Wala." Sabi ni Zed. Nagpatuloy akong naglakad papuntang canteen.

Ako na nag order.

Falling For My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon