"Everyone you meet is either a blessing or a lesson "
PROLOGUE
I am chelle short for richelle Mendoza 26 na po ako at legally married yes po bata pa pero may asawa na dala ng kapusukan at conservative na Lola kaya nka pag asawa ng maaga. We been married for almost 5 years pero hindi biniyayaan ng anak. Smooth naman po relasyon namin parang mag best friend ika nga. May away may tampuhan pero naayos naman agad until the third party cames. Basta may third party kahit gaano pa kaliit na problemA hindi na talaga maaayos parang salamin pag nabasag na kahit anong pilit mong isaayos masisira at masisira talaga. engineer ang husband ko sa isang malaking kompanya sa Lugar namin, mabait naman sya kaya botong boto pamilya ko sa kanya pero biglang nagbago nung may bagong katrabaho ang gumulo sa buhay namin. Hindi naman ako selosang tao , sa isip ko bat ako magseselos eh ang ganda ko naman saka baliw yang asawa ko sakin kaya malabo maghanap ng iba yan. Totoo nga pala ang kasabihan ng matatanda"wag kang magsalita ng tapos".
Oo maganda ako char lang!heheh balingkinitan ang katawan at maputi, at matalino hindi na ngalang ako magaling magluto pero kaya naman mag prito at magsaing . Hindi rin ako mayaman , mahirap lang kami yung asawa ko lang at pamilya nya ang mapera pero kahit ganun tanggap naman nila ako kasi mabait din naman ako, pasaway nga lang minsan. 3 kaming magkakapatid ako panganay , papa ko isang magsasaka lamang at mama ko naman may maliit lang na sari sari store pero kahit ganito pamumuhay namin masaya naman kami at nkakaraos din.
Haba na ng lintanya ko opo uumpisahan ko na.. enjoy!☺