DIAMOND 49: THE TRUTH

490 11 0
                                    

Jennie Kim POV (POINT OF VIEW)

UMUWI na kami nila mommy sa bahay. Tahimik kami ng nakarating kami dito sa bahay. Alam kong papagalitan ako nito. Tumayo ako at papalabas na sana ng.

"Anong ginawa mo?" Napatingin naman ako kay daddy. Ano bang sinasabi niya?

"Dad what are you talking about?" Naguguluhan kong tanong.

"Anong ginawa mo at bakit mo yung nagawa Jennie kim? Alam mo ba ang ginagawa mong kahihiyan?!" Sigaw ni daddy sa akin. Umupo ako at tinignan sila ng seryoso.

"Sinasabi ko lang ang dapat kong sabihin dad."

"And It is True na buntis ka?! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo!!" Hindi ako makasagot at nakatingin lang sa kanila. "Pinapahiya mo ang pamilya natin! Bakit hindi ka gumaya sa ate mo jennie?!" Heto na naman tayo. Ate na naman. Palagi nilang pinagkukumpara si ate sa akin.!

"Iba ako iba siya dad. Kung paguusapan lang natin ito. I need to go." Sabi ko at tumayo na.

"Saan mo dinala si Alexander Jennie kim?" Nagulat naman ako sa tanong ni Mommy. Unti unti akong humarap sa kanila at tinignan sila.

"Ano po bang sinasabi niyo?!" Maang maangan kong tanong. Tumingin ng napakaseryoso si mommy sa akin na ito yung kitatakutan ko dahil alam kong may alam siya.

"Alam kong buhay si Alexander Jennie. Where is he?! Bakit mo pinalabas na patay siya?" May alam nga si mommy. Ngumiti ako ng peke.

"Mahal ko siya kaya iniligtas ko siya. I love him mom."

"Are you insane? Nahihibang kana ba Jennie kim? What are you doing to yourself? Alam mo ba ang pinapasok mo!?" Sigaw ni mommy sa akin. This time tumayo na siya at nakatingin sa akin ng masama. "Ginagawa mong miserable ang buhay mo!" Dugtong nito. Tumayo ako.

"Wala akong pakialam kong ikakamatay ko tong ginagawa ko mom. Ginagawa ko lang kong ano ang nakakabuti sa aming dalawa. Pasalamat pa nga sila dahil niligtas ko si alexa-"

"Yes! You saved him! Pero pinalabas mong patay na siya! The hell Jennie kim! Kamatayan ang ipaparusa ng mga hukom,dahil sa  ginawa mo!!" Hindi ako sumagot at umalis na. Wala akong pakialam kung paparusahan nila ako. Mahal ko siya. Kung ito lang ang paraan para makuha ko si Alexander. Gagawin ko.! Sumakay ka agad ako sa kotse ko at pumunta sa lugar ng wala nakakaalam. Pumasok ako at nandoon ang doctor na sinabi ko. Tinignan ko si Alexander at ang daming sugat sa mukha nito pati narin sa katawan.

"How is he?" Napatingin naman sa akin ang doctor.

"Under Observation pa siya Ms. Kim And he will be under on coma." Tumango ako at ngumiti nalang sa doctor. "I need to go Ms. Kim".

"Doc?"

"Yes?"

"Please wag mong sabihin kahit kanino na naging pasyente mo si Alexander Montefalco.." Hindi ito sumagot at parang nagtataka sa sinabi ko. "Please Doc." Tumango ito.

"Makakaasa ka Ms. Kim." Sagot nito at umalis na.tumingin ako kay alexander at ngumiti ng mapait.

"Kung ako nalang sana ang pinili mo Alexander. Hindi mangyayari sa iyo to. Bakit siya parin ang pinipili mo? Bakit hindi mo ako kayang mahalin? Hindi ba ako maganda?." Hinawakan ko ang buhok nito at sinuklay gamit ang kamay ko. "Bakit si lovelyn parin? Hindi ba ako sapat para sayo?." Biglang tumulo na ang mga luha ko. "Mahal na mahal kita Alexander. Pero bakit ganiyan ka sa akin!?" Pinahid ko ang mga luha ko. Humiga ako sa gilid nito at tinitigan siya. Totoong buntis ako. Pero hindi siya ang ama. Kung ito lang ang paraan para makuha ko si Alexander. Gagawin ko. Gagawin ko ang lahat wag lang siyang mawala sa akin. Gagawin ko. Wala akong pakialam kung sasabihin ng lahat na desperada ako. Dahil ginagawa ko lang to dahil mahal kita. Mahal na mahal kita. Biglang bumukas ang pintoan at pumasok si Gabriel. Oo kilala ko si Gabriel. At alam niya rin na buhay si Alexander. Kaibigan ko Gabriel. Nakilala niya si lovelyn sa South Korea dahil nagbakasyon siya doon.

"Kumusta siya?" Tanong nito. Umiling ako.

"Hindi siya okey. Bakit ka nandito? Bakit hindi mo inaatupag yung babaeng mahal mo?!" Inis kong sabi. Gusto niya si lovelyn. Pero hindi niya man lang maligawan tss.

"Gusto ko munang pahingain siya bago ko ligawan. Naawa din ako sa kanya. Dahil akala niya patay na si Alexander." Umupo ito.

"Then pagkakataon mo na yun! Nilayo ko na si Alexander sa kanya. Kaya ilayo mo na rin si lovelyn. Pilitin mo siyang umuwi sa Korea.!" Inis kong sabi.

"Halos hindi na nga siya gustong humiwalay sa pekeng Alexander. Kim. Naawa ako sa kanya."

"Naawa? Wag mong sasabihin na sasabihin mo sa kanya na buhay si Alexander?!" Sigaw ko. Hindi ito sumagot. "Gabriel pareho tayong ginagawa. Kung sasabihin mo sa kaniya. Damay ka rin! Hindi lang ako!"

"Alam ko yun. Wag mo na akong pagsabihan kim." Sagot nito. Tumayo ito at tinignan ako.

"Yung pinagusapan natin! Ilalayo mo din si Alexander." Sabi nito. Tumango ako.

"Gagawin ko." Sagot ko. Umalis na ito kaya bumalik ako sa pagkaupo ko.

*ring ring ring!*(tunog ng cellphone) napatingin ako sa cellphone ko ng may tumawag. Si mommy.

"Hello?"

"Where are you?" Matagal akong sumagot at tumingin kay Alexander.

"Somewhere."

"Where?"

"Mom."

"Answer me Jennie Kim!" Napabuntong hininga ako.

"At mall." Pagsisinungaling kom hindi nila pweding malaman na nandito si Alexander.

"Are you sure?"

"Ye-yes." Sagot ko.

"Open the door jennie." Bigla naman akong kinabahan at tinignan ang pintoan. Unti unti akong lumapit doon at binuksan ito. Pero laking gulat ko ng bigla akong sinampal nito. Nabitawan ko ang cellphone kk at napahawak sa pisngi ko. Naiiyak ako. Tinignan ko sila mommy at galit itong nakatingin sa akin at tinabig ako. Pumasok sila at gulat nilang tinignan si Alexander. Hindi ako umimik at tinignan lang sila .

"Oh my gosh." Sabi ni mommy at tinakpan ang bibig niya dahil sa gulat. Yumuko ako dahil hindi ko kayang tignan ang galit nila sa mga mata.

"Kumusta ang lagay niya?" Tanong ni daddy inangat ko ang ulo ko at nagsalita.

"Under coma dad." Sagot ko. Tumango lang ito at umupo. Hindi ko na kayang tumingin sa knila at lumabas na. Umupo ako at umiyak. Dahil kahit naman talaga ang gagawin ko Hindi parin nila ako pinipili. Dahil mas mahal nila si Ate kaysa sa akin.

SEEING YOU ( MY HOTTEST BILLIONAIRE HUSBAND SEASON 2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon