ZIEAH'S POV
"Pst. Bessy!" sitsit sakin ni Sham habang nagtuturo ang Prof. namen sa harap.
For sure makiki-chismis nanaman 'yan."Ano ba 'yun?" sagot ko naman dito ng hindi nililingon.
Nasa likuran ko kase sya nakaupo.
Tas ako naman ay nasa unahan nya at nasa first row rin. Kaya hirap makadaldal."Kwento mo na sakin 'yung napag usapan nyo ni Tita" saad nya uli
"Baliw ka ba? Nagklaklase tayo, mamaya na" bulong kong saad sa knya.
Mr. Quezon pa naman Prof. namin ngayon. Ayaw sa maingay. Masyado matalas pandinig, ultimo utut maririnig.
"Eh, sige na bessy ngayon na. Mamaya iba naman na kwekwen—"
Naputol ang sasabihin ni Sham kaya naman nilingon ko sya.
Pagka lingon ko ay andun pala sa tabi nya si Mr. Quezon. At kung makikita nyo lang itsura ni Sham, muka syang matatae sa nerbyos."Can you share Ms. Penaflor your story?" tanong ni Mr. Quezon kay Sham na hindi na maipinta ang mukha sa kaba.
"Ah, eh, s-sorry Sir. W-Wala ho 'yon"
utal nyang sagot"Siguraduhin mo lang. Kung ayaw mo mapalabas ngayon sa klase ko." pagtatapos ni Mr. Quezon at saka pumunta uli sa harapan at nagpatuloy sa pag discuss.
Bahagya ko naman nilingon si Sham at ayun, punas na sya nang punas ng pawis nya. Nerbyosa talaga.
Natawa na lang ako ng irapan nya ako.
"Kamusta po ang kwentuhan natin kanina with Mr. Queso este Quezon" pang aasar ko dito kay Sham.
'Gang ngayon kase nakalukot pa rin ang mukha ng gaga. Kasalanan nya naman 'yon, paka daldal nya ayan tuloy.
"Tse! Ikaw may kasalanan diyan eh!"
sisi nya sakin"Wow. Ako pa ah. Hahahah. Sino kaya 'yung 'di mapakali sa upuan nya at nagiintay ng chismis" pang aasar ko uli sa kanya habang tumatawa
We're here at the Gymnasium. P.E dapat namin ngayon ang kaso ay wala ang Prof. namin kaya tumambay na lang muna kami rito.
"Tss. Mag kwento kana nga lang. Dali! Baka sakaling gumanda pa mood ko" saad nya sakin at saka umupo sa bleachers. Tinabihan ko naman sya.
"Mama said na mamaya raw ay pupunta si Tita Lucy sa bahay. For a thankful matter."
"Wow. Sya talaga punta sa inyo?"
"Oo, saka para makilala rin daw
ako."
"Do you think, matutulungan ko 'yung lalaki na 'yun?""Hmm.. Siguro? That's why tita choose you, kasi alam nyang kaya mo."
Sana nga. Sana kaya ko.
Vince Jacques, that his name.
A strict, moody, and serious Man.
'Di naman ako sanay sa ganyan eh, ibang iba sya sa boyfriend ko.----
"Thank you kuya" saad ko kay Kuya Raul saka bumaba sa sasakyan.Nagpasundo kase ako sa kanya sa school dahil maulan ngayon, nakalimutan ko rin payong ko. Buti na lang at nasa bahay lang sya kaya nasundo nya ako agad.
"Ma'am Zi, may bisita po kayo" saad ni Ate Betty habang nagwawalis.
Nagtaka naman ako kung sino ang sinasabi nyang bisita, eh hindi naman nagsabi si Jake na pupunta sya. Surprise kaya uli? Hilig sa surprise naman nun.
"Ah, Si Jake ba 'yan ate?" tanong ko rito
"Hindi po Ma'am, Babae po sya,siguro po kasing edad lang ng Mommy nyo" tugon naman nya na ipinagtaka ko.
Hindi kaya si Tita Lucy? But, masyado pa maaga.Nginitian ko na lang sya at saka pumasok sa loob para masiguro ko kung sino bisita namin.
Pagkapasok ko nakita ko si Mama na nakaupo sa sofa at tila may kinakausap. Kaya mas lumapit pa ako para makita kung sino ang kausap nya.
Isang babae na tama nga ang sinabi ni Yaya Betty kanina, ka edaran lang ni Mama. Halatang mayaman dahil sa tikas nya at sa itsura nya.
"Oh anak, andiyan kana pala. Sit here." pag aya sakin ni Mama
Agad naman ako umupo sa tabi nya kaharap ang babae na sa tingin ko ay si Tita Lucy nga. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ako sigurado kung sino ang babae na ito. Ngayon ko lang kase sya nakita. Madalang lang sya kung ikwento sakin ni Mama hindi gaya ng iba nyang kumare.
"Anak Zi, this is your Tita Lucy, ang mommy ni Vince" pagpapakilala ni Mama sakin at saka ko tinapunan ng tingin si Tita Lucy.
Grabe, parang hindi sya angkop na tawaging tita dahil sa itsura nya. Mas bata pa tignan sakin eto.
"Are you Zieah iha? The one that will help my son?" tanong nya sakin na nagpabalik sa ulirat ko. Nakaka starstruck ang ganda nya. Huhuhness.
"Ah, Yes po tita. I'm Zieah, nice to meet you po" I replied as i lend my hand para makipag shake hands. Na tinanggap nya naman agad.
Lambot ng kamay. Parang bagong panganak na sanggol. 'Yung totoo? Kakapanganak lang ba dito at biglang laki.
"So, I'll just get some meryenda Mare para maka kain na kayo ok?" pagsasalita ni Mama
Sinuklian naman sya ng ngiti ni Tita.
"Zieah, ikaw muna bahala kay Tita mo ha? Chikahin mo ng chikahin hanggang sa mapagod" bulong sakin ni Mama
"Baliw ka talaga Ma, sige na ako na bahal dito" balik kong bulong sa kanya, at saka sya pumunta sa kusina.
"You know what, I'm so very thankful na pumayag ka sa inoffer sayo ng Mommy mo Zieah" Tita Lucy's glad said
Makikita mo sa mukha nya na masaya nga sya sa naging desisyon ko.
"You're welcome Tita, ok lang po sakin 'yun. Pwede ko po ba malaman kung bakit?" saad ki dito
"Vince is my one and only son, he had a car accident 5 years ago." panimula nya
Ramdam ko agad ang pagbabago ng mukha nya.
"After that accident he lost his confidence, He always blaming his self about what happen. Vince is a Racer. He likes to race all the time back then." she continue
"Uhm, bakit po ba sya naaksidente?"
tanong ko"Naging pambato sya for a Race Car Event in Canada, sya ang napili para ipanlaban ang bansa natin. He's so happy that time, pangarap nya kasi 'yon. After that news, tomorrow that day we booked a flight to Canada immediately. He packed up all his things. Nung nandun na kami, he got so nervous. He's always praying, he always checked his car that he will used at the event."
Ramdam ko ang lungkot ng boses nya habang nag kwekwento sakin.
"We arrived at the event at 4:00 in the morning, kailangan kasi na ang mga representatives ng bawat country ay nandun na bago mag 6:00. He was so nervous and excited that time. He keep telling to us na sya ang mananalo. We waited for 2hrs bago mag start ang event. Everyone was cheering their country. Halos kaming pamilya lang ang nandun para suportahan ang Pilipinas also my son. May mga ilan ilan rin namang pinoy na nadoon kaso may pambato rin na ibang bansa. Narinig ko pa na bakit raw nila susuportahan ang pambato ng Pilipinas kung hindi naman nila kilala. But, I just ignore it. I trust my son na sya ang mananalo."
"Lahat ay excited, kinakabahan nang magsimula ang karera. Pero ang kaba ko ang kakaiba sa lahat kahit nung nag rerace sya dito sa Pinas. Hindi ko mapaliwanag kung bakit ganun na lang kabilis ang tibok ng puso ko, I've thought na dahil lang ganun kasi nga mismong anak ko na ang mapapanuod ko at pambato pa ng country nya. They're about to reach the first lap, my son is on third position that time. While their cars are approaching, I've notice my son's car at the TV, it looks like he can't control his car. Nag sway sway sa daan ang kotse nya at saka biglang sumalpok sa grills."
Napansin ko na may tumulong luha sa mata nya. Nanatili naman akong tahimik at nakinig sa kwento nya.
(A/N: Putulin muna nten guys heheheh, sorry for the long time update✌️😊
: Sorry for the wrong grammars and typo errors ✌)
YOU ARE READING
12:51 (On Going)
Fiksi RemajaLove is a Feeling? Or a Choice? Isusuko nga ba ni Zieah ang 3 years nyang relasyon dahil lang sa kanya? Mag give way kaya si Jake para sa nararamdaman ni Zieah?