Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms
Barefoot on the grass, we're listenin' to our favorite song
I have faith in what I see
Now I know I have met an angel in person
And she looks perfect
No, I don't deserve this
You look perfect tonightSobrang ganda mo sa kulay puting belo na iyong suot. 'Di ko na napigilan ang kanina pang luha na nagbabadyang pumatak. Nanginginig, kinakabahan, at wari ba'y parang may gustong kumawala sa aking dibdib mula sa kinatatayuan ko.
Inilibot ko ang aking paningin. Sobrang ganda ng mga ngiti nila sayo habang naglalakad ka. 'Di nakaligtas sa paningin ko ang luhang pumatak mula sayo. Umiiyak ka rin? Tears of joy siguro, kasi kasalukuyan ka ring nakangiti eh.
Naaalala ko pa nung mga bata pa tayo. Nung una tayong magkita. Magkaibigan kasi ang mga magulang natin.
Una nagkakahiyaan pa tayo, pero nung tumagal na nakipaglaro ka na rin sakin. Nagalit ka kasi sa'kin 'non nung tinamaan kita ng bola. Hinabol mo ako. 'Di mo naman ako mahabol kasi ang bilis ko tumakbo.
Mga ilang linggo bumalik ka ulit sa amin. Tapos inaya mo ulit ako maglaro. May dala ka pa ngang mga manika. Sabi ko ayoko maglaro ng ga'non. Tapos pinagalitan ako ni Mama kasi pinaiyak daw kita.
Bilang masunuring anak, nakipaglaro na lang ako sa'yo. Pero nagalit ka sa akin nung hinubadan ko manika mo. Sabi mo bad 'yon, pero sabi ko liliguan ko lang naman siya. Natatawa pa rin ako hanggang ngayon 'pag naaalala ko 'yon.
Lumipas ang mga panahon at naging close na tayo ng sobra. Minsan isang tanghali habang kumakain ang magulang mo at sila mama. Narinig kong pinagkwekwentuhan nila tayo. Nasa pinto lang ako ng kusina 'non kaya 'di nila alam na naririnig ko ang usapan nila.
Gusto raw nila na tayo raw ang magkatuluyan balang araw. Bumilis ang tibok ng puso ko nung mga oras na iyon. 16 years old na ako 'non samantalang ikaw ay 14 years old naman nang mangyari ang usapan nilang iyon.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Matutuwa ako para sa sarili ko, kasi gusto kita. Pero kabaliktaran naman sa'yo, dahil sinabi mo sa akin nung nakaraang araw lang na may crush ka sa classroom niyo.
Isang hapon habang inaantay kita sa labas ng school. Nagulat ako sa itsura mo sa kadahilanang mugto ang mga mata mo. Tinanong kita kung anong nangyari, pero tanging iling lang ang sinagot mo. 'Di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko, pero bigla kitang niyakap.
Hinayaan kitang basain ng mga luha mo ang aking polo. Inalo kita hanggang sa tumahan ka. 'Di na muli kita tinanong kung anong dahilan ng pag-iyak mo. Siguro mababa ang score mo sa quiz, 'yon ang tumakbo sa isip ko. Pero mali ako.
Biglang nag-init ang pakiramdam ko nang maipahayag mo na ang dahilan ng pag-iyak mo. 'Di mo ako nagawang awatin, dahil sa sobrang galit ko. Anong karapatan ng lalakeng 'yon paiyakin ka?
Tinahak ko ang daan papunta sa likod ng campus. Alam kong doon sila tumatambay ng mga tropa niya. Naabutan ko silang nagtatawanan. Agad kong sinapak sa mukha ang lalakeng dahilan ng pag-iyak mo. Nagulat silang lahat sa ginawa ko. Lima silang magbabarkada na napatingin sa akin.
Walang anu-ano'y muli akong umitsa ng suntok sa gag*ong lalake ngunit, mabilis akong naawat ng mga kaibigan niya. "Ano bang problema mo?" tanong niya sa akin habang pinupunasan ang dugong tumulo sa ilalim ng labi niya.
"Bakit mo pinaiyak si Jane?" nanggagalaiti kong tanong. Hawak-hawak ako ng dalawa niyang kaibigan sa magkabilang kamay kaya 'di ako makasugod sa kanya.
"Tama na yan! Zach please!" lumuluhang awat sa akin ni Jane.
"Eh ginusto niya naman 'yon di 'ba?" maangas na sambit sa akin ng mokong.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories Collection (Song title)
Short StoryIba't-ibang genre ng kanta, iba't-ibang uri ng kwento. May happy ending, may tragic, may cliff hanging, may cliche, at syempre may mapupulot ka rin na aral.