Aaah ! Aaahmm .. Dahan dahan lang.

374 8 2
                                    

Nakauwi na ko sa apartment ko.

Nilapag ko na yung bag ko sa upuan.

Eh bat di sinabi sakin ni Teri na walang pasok ?

Bakit di nya ko iniform ?

Bakit hinayaan nya kong pumasok ng school ?

Bakit ..

Teka nga !

Bakit parang lumilindol ?

HALA !

Tumakbo agad ako papuntang ilalim ng mesa at nagtakip ng ulo gamit yung dalawa kong mga kamay.

Sabi kasi, ganto daw ang gawin pag lumilindol kung nasa loob ka ng bahay.

Hala gumagalaw pa din !


Eh ?

Nakakpagtaka lang .

Kasi bat feeling ko di naman umaalog yung kinalalagyan ko ?


Bat parang yung kwarto ang ni Teri yung gumagalaw ?

Pwede ba yun ?

Na maliit na space lang yung may lindol ?

Napatigil ako ng may narinig akong boses.

"Enebe ! Meseket ! Dahan dahan lang."- boses ni Teri yun uhh ?

"Masasanay ka din sa sakit." - boses ng lalaki yun.

"Sabi ng hinay hinay lang eh. Anlaki kaya ! " - sabi ulit ni Teri

May narinig akong parang lagabag.

"Aaah aaaahmmm .. wag kang masyadong wild Teri, o aking sinta." - ungol nung lalaki

Isa pang lagabag. Parang may nagaganap na talaga sa loob na kakaiba.

"Ikaw nemen kese eh. Ang harot mo kasi. Hihihi " - sabi ni Teri na kala mo kinikiliti sa ano.

Biglang lumindol ulit.

Di na ko nakapagpigil ! Binuksan ko ng pabalibag ang pinto ng kwarto nya.

*BLAAAAAAAAAAAAAAG*


"Mga baboy kayo ! Pinagtaksilan niyo ko !

At dito pa sa pamamahay ko ? Mga walang breeding !" - sabi ko sa kanilang dalawa.

"Minahal kita. Inalagaan. Binigay ko lahat sayo !

Lahat lahat !

Miski pangkain ko na lang binigay ko pa sayo mapunan ko lang ang pagkukulang ng baon mo !

Pero anong ginanti mo ?

Matalik ko pang kaibigan ? Mga hayop kayo !

NICOLE ! ANSAKIT !  Tinuring ka naming pamilya !

At ikaw ADRIAN ? O sige magsasalita ka pa ? Subukan mo lang at dadanak ng dugo dito sa kinalulugaran nyo ! " - tuloy tuloy ko pa ding sabi sa kanila.

Nakatulala pa din yung dalawa sakin. Nagwawalling na ko dahil sa sakit, inis at hinanakit sa nasaksihan ko.

"Oo, nilandi ka ni Nicole. Wala namang masama kung nilandi ka nya eh.

Alam mo kung anong masama ? Alam mo ha ? Nilandi ka nya, dapat pinigilan mo sya. Dapat sinabi mong mali ang ginagawa nya.

Pero hindi eh ! Ang masakit nakicooperate ka pa ! Ano to group work ? Project ? Activity ?   Di ka na nakontento sa isa. Gusto mo talaga dalawa kami ! Para kang stick na tumuhog ng fishball na dalawang piraso kasi piso, dalawa . " -may paiyak- iyak kong sabi sa kanila

"Monica, there was never an US ! " - sabi nung lalaki sakin

"At ngayon itinatanggi mo ko ? Anong gusto mong palabasin ngayon ? Na -------" - di ko natapos yung sasabihin ko nung may tumama saking tsinelas.

Tae ! Sapul pa ko sa mukha.

"Tantanan mo ko sa kadadrama mo tikling ha ? Wala tayo sa TV para maggaganyan ka. At pwede ba Munte ? Wag kang magfeeling, dahil kahit kailan di mo magiging kamukha si Angel Locsin. Che ! " - sabi sakin ni Teri sabay irap

Aba loka lokang to !

"At bakit ba bigla bigla ka na lang pumasok sa kwarto ko ha ? " - tanong sakin ni Teri

Tinignan ko sila ng biglang nanlaki yung mata ko at nag-init yung mukha ko.

Pinepedicure nung lalaki yung paa ni Teri.

Tapos may nakita akong malaking ingrone sa tabi.

Yuck ! Kaderder !

Mukhang gubat ang paa nya, sa dami ng troso.

"Akala ko kasi .. ano eh .. " - di ko matuloy tuloy yung sinasabi ko


"Kala mo kasi ano ? Na may milagro kaming ginagawa ? Hoy Munte ! ang dumi ng isip mo ! " - sabi sakin ni Teri


"Eh kasi may narinig akong ' Enebe ! Meseket ! Dahan dahan lang' " - ginaya ko pa yung pagsasalita nya

"Ay shongames ! Masakit kaya yung ingrone pag tinatanggal, ANLAKI kasi." - inemphasize nya pa yung word na yun

Shet nakakahiya.

"Eh ano yung parang lumilindol ? " - tanong ko ulit

"Binabalibag nya kasi ako tuwing namamali ako ng tanggal. Kaya may kulakalabog." - paliwanag nung lalaki sakin.

"Ah-eh hehe. Ah sige una na ko. M-may lakad pa pala ako. Babooosh ! " - sabay takbo ko ng mabilis papuntang labas.

Juice Ko !

To the highest pahiya ang beauty ko mga teh !

Akala ko may nagaganap na kababalaghan sa kwarto nya.

Eh ikaw ba naman kasi makarinig ng mga ganong bagay.

AAAARRRGGGHHHH !

Linchak ! Makapaggala na nga lang.

Kaasar !

Huminga akong malalim.

"Ayos lang yan Belle ! Maganda ka pa din ! Whoa ! "

      -      -      -     

Napkin Lang Pala Katapat Mo Eh !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon