CHAPTER SEVEN

412 20 0
                                    

NANG MAGISING si Yumika kinaumagahan ay nakapagluto na si Cade ng kanilang almusal. Niluto nito ang natirang spam, itlog na ginawa nitong scrambled egg, at hotdog. Ang mga pagkain lang ang nakita niya sa dining room at wala si Cade. Wala rin ito sa kusina nang sumilip siya roon. It was Sunday so they both didn't have to go to work. Imposibleng bumalik ito ng tulog dahil hindi ganoong tipo si Cade. He's really a morning person.

"Ah, maybe he just went out for a morning run," bulong niya sa sarili. Hindi na muna siya kakain hanggang wala pa ito. Maliligo na lang muna siya habang hinihintay ito. Tumalikod siya upang bumalik sa kwarto niya. Ngunit hindi niya inasahang bubukas ang pinto ng bathroom at lalabas mula roon si Cade—with nothing but a towel wrapped around his waist.

Humalukipkip si Yumika. "I-I thought you went out for a jog." Hindi man lang siya makatingin ng diretso rito. Damn it!

"I had my morning run earlier at five." Anito. Oo nga pala, it's already past seven in the morning. Yumika mentally kicked herself. "Kung gusto mo ng mag-almusal, kumain ka na. Nagluto na ako."

Tumango siya. "Yeah, napansin ko ang mga pagkain sa mesa." Pinilit niyang tumingin ulit rito. But damn, her eyes traveled from his wet torso up to his eyes. Of course, he caught her staring. His lips twitched as if he were fighting a grin. Pinamulahan siya ng pisngi at muling humalukipkip.

This wasn't the first time she saw him shirtless. Noong seventeen years old siya ay sumama siya sa bonding ng mga mag-pinsan sa isang beach. Steph had invited her. Isa pa, medyo naging close na rin niya ang ibang mga babaeng pinsan nila. He had a skinny body back then but now, he's got lean muscles from working out. And his bisceps, damn. Hindi iyong tipo na bulky kung tingnan. His muscles were just right actually. And those abs...What the heck, Yumika?! She mentally poked her eyes out.

"I hope you like what you see," he teased.

Pinilit niyang hindi mamula lalo ang pisngi. "I've seen better." Sagot niya. Hell will freeze first bago niya aaminin ang katotohanan.

Tumawa ito, aliw na aliw sa munting sagutan nila. "As much as I'm amused with our little exchange, sweetheart, I need to get dressed. Kailangan ko pang mag-grocery. Gusto mo bang sumama?"

Yumika didn't think she's ready to be seen with Cade in public yet. "P-Pass muna ako. Maglilinis na lang ako dito. Is it okay?"

Ngumiti ito. "Of course, it's okay." He winked. Iyon lang at pumasok na ito sa kwarto nito na adjacent lang din sa kwarto niya. Agad siyang napabuntong-hininga nang maisara nito ang pinto. Noon lang din niya na-realize na tinawag siya nitong 'sweetheart'. Damn it. Her heart shouldn't be skipping beats like that. Lord, ano ba itong pinasok ko? Am I digging my own grave once again?


MAG-IISANG LINGGO na simula nung nakatira na sila ni Cade sa iisang bahay. Ang dating bahay na regalo para sa kanila ay napagkasunduan nilang ibenta. May potential buyer na rin iyon matapos ilagay sa market. Nanghihinayang man ngunit tama si Cade. Masyadong marami iyong bad memories para sa kanya. Sabi nga ni Cade, he wanted to start anew with her. At iyon nga ang ginawa nito. Sa totoo lang ay naninibago pa siya sa presensiya nito. But he made sure she's comfortable. Hindi siya nito ginugulo, nirerespeto nito ang privacy niya. Naiintindihan rin nitong hindi pa siya handa na makita ng mga tao na kasama ito, kahit pa hindi niya sinabi iyon. He must have taken the hint when he asked her if she would want to come with him at the supermarket. Hindi kasi ito nagpumilit na ihatid at sunduin siya sa trabaho. Ipinagpasalamat naman niya iyon. Again, ayaw niyang pagpiyestahan ng mga tao.

Pero kanina ay hindi na rin niya ito napaghindian nang gusto rin nitong bumisita sa manor. Naisip kasi niyang bisitahin ang estate manor na ipinamana ng kanyang namayapang father-in-law. She'd been there before but still she wanted to take good look at it. Naisip kasi niya nab aka pwede niya iyon gawing isang inn. Napag-isip-isip niya na paano niya mababayaran ang utang sa mga Hernandez kung aasa lang siya sa kita ng Coffee n' Books? Oo, marami siyang branches ng kanyang negosyo pero hindi iyon sapat. At isa pa, ang kondisyon ng kanyang ina ay hindi parin nagbabago. She still needed medical attention. And Yumika better think fast, baka kasi gumawa na naman ng plano ang mga board members. Hindi niya iaasa kay Cade ang lahat. Sure, she's safe because she's living with Cade now but for how long?

What You Mean To Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon