Tanga ba ako dahil patuloy parin akong umaasa?
Tanga ba ako dahil nag-offer pa ako na tulungan sya sa love problems nya?
Tanga ba ako dahil hindi parin ako nakaka move on?
Tanga ba ako dahil hanggang ngayon mahal ko pa rin sya?
Siguro nga tanga ako! At patuloy parin akong nagpapakatanga ng dahil sa kanya. Ganito lang siguro talaga ang magmahal. Yung kahit ang sakit sakit na, patuloy ka pa ring umaasa at nagpapakatanga. Hindi ko magawang pigilan ang puso ko na ibigin sya. Hindi ko magawang pigilan ang isip ko na isipin sya. Sya lang lagi ang laman ng puso't isip ko, kaya patuloy parin akong nasasaktan hanggang ngayon.
Pinilit ko na alisin na sya sa puso't isip ko. Pero hindi ko magawa gawa. Mahal ko talaga sya eh. Sa kanya ko naiisip yung buhay ko 5 yrs. from now. Sya yung taong pinapangarap kong makasama sa buhay na pinapangarap ko. Sa kanya ko lang naiisip yung moment na sasabihin kong “I Do”, sa kanya ko nais sabihin ang “'Til Death do us part”, sa kanya ko lang naiisip na makasama habang nabubuhay ako. At sa kanya ko naiisip ang “Happy Ending” ng buhay ko.
Sa bawat araw na lumilipas, bumabalik sa isip ko ang araw na yun. Ang araw na sinabi nya sa akin na may mahal na syang iba. Ang araw na sana'y di nalang dumating sa buhay ko. Ang araw na ikinaguho ng mga pangarap ko na kasama sya.
Masakit isipin na nagmahal na sya ng iba. Masakit isipin na hindi na ako yung dahilan ng bawat saya nya. Masakit isipin na sa iba na nya ibabahagi ang mga pangarap nya. Masakit isipin na hindi na ako, kundi iba na ang mahal nya.
Sa bawat sandaling nababalik sa isipan ko ang mga nangyari. Lagi ko na lang naitatanong sa sarili ko: May nagawa ba akong mali? Nagkulang ba ako? Kung hindi ka tumigil, ano na kaya tayo? Ano nga ba ang tunay mong dahilan at bakit ka nagmahal ng iba? Sa bawat sandali na maiisip ko ang mga nangyari noon, napakaraming katanungan ang namumutawi sa isipan ko.
Hindi ko lubos akalain na matatapos ng ganun na lang ang lahat. Hindi ko lubos maisip na hanggang doon na lang tayo. Hindi ko lubos maisip na panandalian lamang ang lahat. Alam ko na magtatapos din ito, pero hindi ko naisip na ganun kabilis. Kung kailan nag-uumpisa pa lang ang love story natin, tsaka naman agad itong nagwakas.
Masakit para sa akin na hindi mo na ako mahal. Masakit para sa akin na kaibigan mo na lang ako. Masakit para sa akin na natapos na agad ang sa atin. Masakit para sa akin na wala na akong puwang sa puso mo. Gayong ikaw, Ikaw parin ang nagmamay-ari ng puso ko. Ikaw parin ang hinahanap ng puso ko. At, Ikaw parin ang syang laman ng isip ko.
Kailan kaya matatanggap ng puso't isip ko na hindi na dapat kita isipin, na hindi na dapat kita mahalin. Kailan ko kaya matatanggap na magkaibigan na lang talaga tayo. Kailan ko kaya matatanggap ang katotohanan na iba na ang iyong mahal.
Ako na siguro ang pinaka martir na babae. Ang tanga ko para patuloy ka paring mahalin. Tanga ako dahil patuloy parin akong umaasa na maaari pang maibalik ang sa atin. Tanga ako dahil matapos ng nangyari nandito parin ako para sayo. Kahit na ang sakit sakit sakit na sobra.
Sana dumating na yung time na maka move on ako. Yung time na masaya na ako kahit wala ka na sa akin. Yung time na tanggap ko nang tapos na ang lahat sa atin. Yung time na hindi na ako nasasaktan ng dahil sayo.
For the last time, I want to say . . .
.
.
.
.
.
.
.
I LOVE YOU..
.
.
.
.
.
.
.
Good Bye.