Chapter 39

1K 41 3
                                    

"Ma'am, sige lang po, pumasok lang po kayo," anyaya sa amin ni Heloise.

Dala-dala niya ang ilang gamit namin habang nasa akin ang maleta ko at nasa isang kamay ko si Noah. Sinabihan ko siya na dalhin kami sa lugar na malayo doon sa amin at nakakapagtakang dito niya kami dinala. Ganun pa man, hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng bahay na pinasukan namin ngayon. Sakto lang ang laki nito pero ang ganda ng buong lugar.

"Kaninong bahay ito?" usisa ko kay Heloise.

"Sa amin pong dalawa ng fiancé ko ang bahay na 'to," nakangiti niyang sagot.

"Fiance?"

"Yes, ma'am. For sure, matutuwa po iyon mamayang pagdating niya kapag naabutan po niya kayo dito."

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka sa sinabi nito. Ang buong akala ko ay wala na itong matitirhan. Ngunit waring hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy sa pagdala sa amin sa isang kwarto.

"Dito po, ma'am. Pwede na po ba ang kwarto na ito sa inyo?" pinakita sa amin ni Heloise ang isang guest room na may kalakihan rin.

Una kong napansin ang balcony nito sa dulo. Punong-puno ang kwarto ng mga antigong muwebles. Nakaka-bilib ang kakaibang tema ng kwarto.

"Salamat," tugon ko na lang nang makabawi ako sa pagkamangha.

"Sige po, ma'am. Maiwan ko na po muna kayo para makapagpahinga na po kayo," pamamaalam sa amin ni Heloise nang mailapag na niya sa isang tabi ang mga gamit namin ni Noah.

Pagkalabas ni Heloise ay tinignan ko ang anak kong pansin kong kanina pa tahimik.

"May problema ba? Ba't ang tahimik mo?" usisa ko kay Noah.

Umiling ito ngunit hindi man lang ako tiningala para sagutin. Bumitaw ito sa pagkakahawak ko sa kamay niya at dumeretso sa kama para mahiga.

'Baka pagod lang'

Sumunod ako sa kaniya sa kama para palitan ang suot niyang uniform.

Papikit-pikit na ang mata nito habang pinapanuod ako na binibihisan siya. Tipid akong ngumiti sa kaniya nang matapos ako at sumunod na rin pahiga sa tabi niya. Mabilis siyang umakap sa akin kaya hinaplos-haplos ko ang buhok niya.

"I miss papa."

Nang silipin ko si Noah ay mahimbing na itong natutulog. Niyakap ko siya nang mahigpit at mariing hinalikan ang ulo.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mainit na luha mula sa mga mata ko. Sa pagpikit ko ay muling bumalik sa alaala ko ang nangyari. Muling sumikip ang dibdib ko. Muling lumabas ang lahat ng sakit na tinatakpan ng galit ko.

Pinaglaruan ako nang dalawang taong hindi ko inaasahan na gagawa ng bagay na iyon. Dalawang taong sobra kong minahal ng lubos.

Humigpit ang pagkakayakap ko sa anak ko.

Si Noah ang dapat kong pagtuunan ngayon ng buong atensyon ko at hindi kung anumang nararamdaman ko ngayon. Ang anak ko na lang ang meron ako kaya siya lang dapat kong isipin, hindi si Leigh o si Lyle. Isang malaking pagkakamali na labis kong pinagsisisihan ngayon na nagtaksil ako nang hindi iniisip ang magiging epekto ng ginawa ko kay Noah sa huli.

****

"What are you doing here?"

"Darling, nandito ka na pala. Tamang-tama at nagluluto ako ngayon nang paborito mo. Alam kong na-miss mo ang luto ko."

"Why are you here?"

Bahagya akong napabangon nang makarinig ako ng mga boses sa labas. Ang isa ay pagmamay-ari ni Heloise, samantalang ang isa ay hindi ako sigurado kung sino pero pamilyar sa akin ang boses. Baka iyon na ang tinutukoy niyang fiancé niya.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon