Nang umalis si Kyzier ay pumunta naman kami ng mga kuya ko sa tabing dagat, hindi naman ako naligo sa dagat nandito lang ako nakahiga sa beachchair habang suna kuya ayun naghahabulan sa dagat. Bawat madadaanan nilang mga babae ay napapanganga dahil sa mga matitiponong katawan nila kitang kita naman kasi dahil naka summer short lang sila at walang pang itaas na damit.
Habang nakahiga ako dito ay may biglang tumabi sa akin kaya nagulat ako.
"Niyaya ako dito tapos, manghaharot lang sa iba," nakabusangot na sabi ni Breat.
"Breat! Nandito ka rin? Bakit hindi ka nagsabi?" Gulat kong tanong
"Sumunod lang ako sa inyo dahil may pinuntahan pa ako kaninang umaga," sabi niya na nakatingin parin kay kuya Zen.
"Breat, umamin ka nga, kayo na ba ni kuya Zen?" Tanong ko na nakakunot ang noo.
"Ano ba yang pinagsasabi mo Max, kilabutan ka nga, alam mo naman kung ano ako diba?" Depensa niya sa sarili.
"Hindi kasi halata Breat, na wala kang gusto sa Kuya," natatawa kong sabi.
Tiningnan niya lang ako ng masama, kaya tinawanan ko lang siya.
Papalapit naman sina kuya kaya parang naging balisa si Breat.
"Oh Breat nandito kana pala," sabi ni kuya Kael.
"Kakarating ko lang," walang ganang sagot niya at hindi man lang tinapunan ng tingin si kuya Zen, na titig na titinig naman sa kanya.
"Tapos na kayo kuya? Tara na kain na tayo, gutom na ako eh," sabi ko ng walang may nagsalita.
Umakyat naman kami sa kwarto namin para magbihis, dinaanan naman muna namin ang gamit ni Breat dahil iniwan niya muna ito sa reception area dahil na kita niya kami sa tabing dagat. Hindi ko na siya pinakuha ng isang room, dahil gusto ko siyang makasama sa kwarto para maaminin.
Nakabihis na kami ni Breat, simpleng sun dress lang ang suot ko habang si Breat ay naka short at naka tshirt. Bumababa na kami at dumeretso sa restaurant ng hotel. Nandoon narin sina mommy at kuya. Hindi ko na hinanap pa si Kyzier dahil mamayang gabi naman kami magkikita.
Habang kumakain kami ay napapansin ko si Breat at kuya Zen na hindi nagpapansinan. May problema talaga ang dalawang to. Dapat ko na talagang kausapin si Breat.
Pagkatapos namin kumain ay hinatak ko siya sa mga tindahan ng mga souvenirs dito sa Boracay, habang tumitingin tingin ako ay nahagip ng mata ko si Kyzier na may kasamang babae, lumalakad sila papunta sa kabilang resort, bigla naman akong naiinis dahil sa nakita ko, mamaya ko na siya tatanongin kung sino ang kasama niyang babae, nakasunod lang ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.
Iwinaksi ko muna sa isip ko ang nakita ko dahil kailangan ko pang kausapin si Breat. Hindi ko napansin na nauna na pala si Breat sa akin kaya sumunod na ako sa kanya, nakatayo siya sa isang tindahan na maraming souvenir.
"Inday, gusto niyo po ba bumili ng mga souvenir ko?" Tanong ng tindera.
Nginitian ko naman ang tindera at naghanap ng pwede kong bilhin hanggang sa makakita ako ng couple keychain na may nakasulat na.
"My baby boy". "My baby girl"
Kinuha ko agad ito dahil tamang tama sa endearment namin ni Kyzier. Binayaran ko na kay aling tindera ang napili ko.
Binalingan naman ng tindera si Breat na walang imik natumitingin-tingin sa paninda niya."Ito bagay to sayo," sabi ng tindera sabay abot ng isang bracelet na itim.
"Kakaiba 'yan sa lahat dahil dalawa lang ang ginawa na tulad niya, pagsinuot mo ito ay kahit anong layo ng kapareha niyang bracelet ay magtatagpo talaga kayo. Isa na lang yan dahil may kumuha na ng isa, ang kumuha ng isa ay hindi naniniwala dyan sa bracelet na 'yan pero kinuha niya parin," mahabang paliwanag ni aling tindera.
BINABASA MO ANG
I WAS A BOY ( COMPLETED )
Ficción GeneralBata palang si Maxielle ay kilos lalaki na ito kahit manamit ay ibang iba ito sa mga kaedad niyang babae. Kahit magulang niya ay hindi siya mapapasuot ng bestida . Dahil bunso siyang kapatid at nag-iisang prinsesa ng pamilya ay hinahayaan lang ng mg...