The Divas

44 0 0
                                    

Tuloy tuloy ang maingay na tunog ng printer ng resibo habang naka-kalawit ang isang matipunong kamay sa beywang ni Samantha.

Shopping treat for a date, isa yan sa mga hilig ng maganda ngunit may pagka-bobang babae na ito. In fairness, mahirap lang siyang umintindi by the book pero magaling itong mamingwit ng kalalakihan.

“Thank you honey. It is so sweet of you!” Lambing ni Sam sa banyaga. Isang very eskandalosang halik naman sa leeg ang ginanti ng ombre habang kinikilig at malanding tawa ang binalik ng lola mo!

Flavor of the month: Isang German na doctor na nakilala niya sa lobby ng isang hotel sa Manila.

Nang ipakilala niya si Carlos, halos maglaway ang mga bakla habang nakatitig sa bagong bago niyang papa. Pero kasabay ng pagpunas ng mga bibig nila ay kanya kanyang harurot ng paalala ang mga fairy god mothers niya.

Iba na rin ang mautak- kung may puhanan ka na kagandahan at masarap na katawan eh bakit mo ipagkakait sa sarili mo ang maginhawang maidudulot nito?

“Both Macbeth and his wife let their ambitions rule their lives, to the point of becoming obsessions. When this happens, it is easy for people to let the ends justify the means. That is, one's goal in life is the ultimate thing of importance and how one achieves that goal does not matter,” Talak ni Jay with matching English accent sa harap ng kanyang mga estudyante. Napansin ng kanyang mga mata ang isang tulog na estudyante, dali daling umusok ang kanyang ilong.

Bakla man, kinakatakutan bilang isang terror professor ng English si Louie. Sa una’y akala mo madaling utuin pero isang malaking failing grade ang sasalubong sa’yo kung lalandiin mo lang siya.

Rason niya,

 “Ikaw lang naman ang lumalandi sa akin. I never entertained any of your advances. And you can bet- my- life- on- THAT!” Sabay duro sa mukha ng kung sino man.

Sigruo iniisip mo na rin na marami nang nag-sampa ng reklamo laban sa kanya.

Hindi.

Hindi ka nagkakamali.

Patong patong na reklamo na ang hinarap ni Louie sa Dean’s at Vice Dean’s office ngunit ni isa man sa kanila ay walang nagwagi na pabagsakin ang lola mo!

Siguro kung di siya naging kuntento sa pag-aaral ng education eh baka nagging abogado na ang bakla! Tested through the test of time na ang peg! Mahirap nang mabuwal, kahit anong bagyo- ihip na supot lang para sa kanya.

At dahil Friday, pila pila na naman ang mga Senior Citizen Momitas sa mga upuan. Hindi malaman ni Louie kung kaninong uban ang uunahin. Buti na lamang at kumpleto ang kanyang mga crew ngayon at kung hindi maglalamay na naman sila sa mga patay na kuko at mapuputing buhok maghapon.

“Hay nako Mama! Believe me, mas maganda ang dark blue highlights after natin i-retouch ang roots mo!” May pagkaeksaheradang tono sales talk ng Atcheng Louie mo sa isa sa mga mayayaman niyang customers.

“Well go ahead then, sige lang. Basta’t magugustuhan ni Gustavo ko. Mirna kumuha ka ng pera sa wallet ko at magmeryenda muna kayo ng driver. Mukhang matatagalan ako dito,” Hawi ni Mrs. Fernandez sa kanyang chimi-ah-ah, kulang na lang lumuwa ang mata ni Louie ng makita niyang isang libong piso ang pangmeryenda ng mga hitad! Ikaw na maging asawa ng isang Congressman at ina ng isang sikat na artista! Amm!

“But Ma- I want Barneeeyyyy!!!” Palahaw na iyak at pag ttantrums ni Jiggy sa ina niyang si Divine. Anak niya ang very spoiled na bata mula sa pagkadalaga.

“Jiggy! Stop it this instance!” Losyang na losyang na hitad, sa dad na 26 mukha na siyang 40. Maluwang na duster, magulong buhok na halos wala na sa pusod, very dull nails without polish at nawala na rin ang dating ningning sa kanyang mga mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The DivasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon