Nakapalumbaba ako sa mesa habang nakikinig sa lectures ng prof. One week na ang nakalipas mula nung huli kong nakita si Davian. Hindi naman sa hinahanap ko siya pero kahit hindi ko siya nakikita ay iniinis niya pa rin ako. Akala ko nga doon na yun magtatapos but he kept on texting me. Nakakainis na.
Davian Da Annoying Jerk:
hey, can we meet?
Davian Da Annoying Jerk:
honeyyy, please!
Davian Da Annoying Jerk:
Alannis Casimiro!
Me:
Nasa klase ako ngayon! Pwede ba huwag mo akong tawaging love o honey.Davian Da Annoying Jerk:
But it suits you well, love ;)
Napa-face palm ako at itinuon ko nalang ang atensyon ko sa klase. I was eating alone sa canteen dahil Gia has a date while Riley went back to the condo para matulog.
"Hi love, musta na?" I massaged the bridge of my nose.
"What are you doing here, Davian?"
"Sinasamahan ka. You're all alone."
"I don't care, can you please leave me in peace?"
"Ikaw na nga sinasamahan e." I made a disgusted face when he winked. Inubos ko na ang kinakain ko at dumeristo muna sa library para makapag-advance study. Mapayapa lang akong nagbabasa ng maramdamaman ko na may umupo sa harapan ko, napasapo ako sa ulo ko at napamasahe sa sentido ko, bago huminga ng malalim.
"Ano bang ginawa ko at minalas ako ng ganito?" bulong ko.
"You're overreacting, and it's not malas it's kismet."
"Kismet your butt." wika ko habang nakasandal at humalukipkip.
"You know what kismet means?" Napataas siya ng kilay.
"Yeah, it means fate." Do I look dumb to him? I know my vocabulary. Mula nursery hanggang nag-high school ako ay kasali sa English subject namin ang vocabulary.
"I like smart girls." I glared at him.
Hindi ako nakapagaral ng maayos dahil kinukulit niya ako. He's an engineering student pala. He kept on telling me stories about why he chose his course. He doesn't really look like one. Inasar ko pa siya na hindi siya mukhang engineering student. Akala niya icocompliment ko siya pero nagkakamali siya.
Nagpaalam na ako sa'kanya, I don't want to be rude. Sinuot ko na ang airpods ko at nagpatugtug nalang ng kanta habang naglalakad pauwi sa condo. Naramdaman ko na parang may taong nakasunod sa akin. Parang may mga pares na mga mata na nakamasid sa akin. Hindi lang isa, parang madami sila.
Mas binlisan ko ang paglalakad ko at pa-simpleng sumulyap sa likuran ko. May tatlong lalaki na naka-hood na parang kanina pa ako sinusundan. Hindi ako nagpahalata na alam ko na sinusundan nila ako. Pa-simple kong tinawagan si Davian, sana hindi pa siya nakakalayo. Sana lang ay sagutin niya ang tawag ko.
"Davian, c-can you hear me?" Kinakabahan ako! They're getting closer, lumiko ako sa isang street. Malapit na ako sa condo kaso hindi matao dito sa may condo namin.
"Na-miss mo ako agad-"
Hala! Bakit dumami sila? Ang bilang ko nasa mga sampu sila at pinapalibutan nila ako. Nasa bulsa ko ang phone ko at suot ko naman ang earpiece ko kaya I doubt mahahalata nila na humihingi ako ng tulong.
"Help me."
"What? Where are you?"
"Davian-"
"Alannis, I'm coming!" I felt someone tried to grab me from behind kaya agad ko etong sinuntok. Ang hindi ko inaasahan ay may isa pa palang lalaki sa likuran ko at sinakal naman ako gamit ang braso niya. Sinubukan ko pumiglas pero masyadong malakas ang lalaki and then I felt something painful sa may likuran ko.
"Alannis!" Nakahinga muli ako ng maayos ng mapakawalan ako ng lalaki. My body collapsed, hindi pa ako makatayo ng maayos dahil nakakaramdam ako ng pagkahilo. Hindi ko na masyadong nasundan ang mga susunod na nangyari. Nakahiga lang ako sa kalsada at hinahabol ang hininga ko.
"Alannis!" Naramdaman ko na ihiniga ako ni Davian sa kanyang hita, my vision is kind of blurry too.
"Davian, may dugo...Kunin ko lang yung sasakyan!"
"F*ck! Alannis, huwag ka muna matulog." I gave him a nod. Naramdaman ko na binuhat ako ni Davian at pagmulat ko ng mata ko ay nakita ko na nasa sasakyan na kami.
"Wala pa bang ibibilis yan?"
"Manahimik ka nga muna diyan! Ikaw na nga tinutulungan, e. You know I don't do this kind of things."
"Shut up and just drive, Seven! Ililibing kita ng buhay kapag may masamang mangyare dito kay Alannis."
"Pucha! Edi ikaw dito." Naramdaman ko na huminto ang sasakyan kaya sa palagay ko ay nagpalit nga sila ng pwesto.
"Concerned na concerned ka naman ata, sino ba yan?"
"None of your business." My eyelids are getting heavier as the minute passes. Ipinikit ko nalang muna ang mata ko.
"Hey, are you still alive?" I felt the other guy poking my cheeks.
"Gago, pre! Patay na ata, hindi na humihinga!" Gusto ko sana matawa kaso ramdam ko yung sakit sa may likuran ko.
"Ano ba, Seven! Manahimik ka nga diyan, Napapraning ako! Hindi ako nakikipagbiruan. Malapit na tayo."
"Akala ko lang naman e! Parang hindi na kasi siya humihinga!"
"Hindi ka ba diyan titigil, Sev? Kung hindi lang ako nagmamaneho, kanina pa kita nasakal."
"Hey, Alannis, right? Can you stay conscious? Malapit na tayo sa ospital." Hindi ako nakasagot man lang kahit tango dahil bumibigat na ang pakiramdam ng katawan ko. I can still here the both of them talk pero unting-unti na akong tinatamaan ng antok.
I woke up in a white room, my eyes roamed around at may nakita akong lalaking natutulog sa sofa, nakatakip ng tuwalya ag mukha niya, meron din isang pang lalaki na nakapatong ang braso sa kama ko at natutulog. Si Davian. I tried to stand up pero nabigo ako dahil kumirot yung sa may likuran ko. Hindi ko nalang ulit pinilit at nanatili nalang nakahiga. I stared at the food near the table kaya kinuha ko eto pero hindi ko naman maabot.
"You're awake." Napalingon naman ako doon sa lalaking nasa may sofa na ngayon nakatayo na at unting-unti ako nilapitan.
"Ay, Seven Bartolome nga pala, kaibigan ni Davian." Malawak siyang ngumiti bago ako inalok makipagkamay at tinaggap ko naman eto at sinuklian ng ngiti.
"Nagugutom ka na?" Tumango naman ako, tinulungan niya ako maupo para makakain ng maayos, naglagay pa siya ng unan sa likuran ko.
"Uhm, thank you nga pala kanina..."
"Wala yun, anyways I have to go, Mamaya baka masapak pa ako pagbalik ko sa office. Paki-sabi nalang kay Davian."
"Sige, go ahead. Salamat, Seven!" Tumango naman siya bago kumaway paalis. Kumain naman na ako, napangiwi ako dahil wala naman ka-lasa lasa yung pagkain dito. Natapos na ako kumain, babalik ko na sana yung pinagkainan ko doon sa lamesa kaso napagsak ko dahil hindi ko naabot. Napakagat ako sa labi ko at napatingin kay Davian. Nagising tuloy siya. He was scratching his eye at bahagyang nagiinat.
"Ano nangyare?"
"Nalaglag ko yung pinagkainan ko..." He nodded at pinulot nalang eto. Nagpaalam siya muna para tumawag daw muna ng doctor kaya yun nalang ang ginawa ko. Ang sabi naman nila ay pwede na daw ako ma-discharge dahil hindi naman daw major injury ang natamo mo, ayoko din naman mag-stay sa ospital.
"Davian..."
"Hmm?"
"Thank you."
BINABASA MO ANG
Don't Call Me Love
RomanceSa tingin mo sa libo-libong tao sa mundo, nahanap mo na kaya ang soulmate mo? Sa tingin mo saan kayo magkikita ng the one mo? Two strangers never expected to find love in the most strangest place. How will their love prosper when fate is very mis...