'Nung bata ako, ayoko talaga sa ulan. Sabi kasi nung kapit-bahay naming kasing edad ko nung bata ako, kaya daw umuulan dahil umiiyak si Jesus Christ, dahil sukdulan na daw ang kasamaan ng mga tao. Pag umuulan daw, dun nilalabas ni Jesus Christ lahat ng sama ng loob nya. Kaya daw bumabagyo nang malakas dahil pinaparusahan daw ni Jesus Christ ang mga tao. Ang weird no? Akalain mong naisip nya pa yon? Kaya nung lumaki kami, yung kapit-bahay ko na yon, mas nauna pa syang humithit ng sigarilyo kesa sa akin. At narealize ko namang ang engot ko dahil naniwala ako don.
Nung lumaki laki ako, ayoko pa rin sa ulan. Ang lungkot kasi ng atmosphere. Yun kasi yung napapanood ko sa palabas, nagsesenti yung mga bida habang umuulan. Para sa akin, nakakadepress pakinggan yung bawat patak nito. At kasabay ng biglang pagbugso ng lungkot mo, ang malamig na hanging humahagod sa balat mo.
Pero nagbago ang perspective ko sa ulan, ng makilala kita.
Sabi sa akin ni mama, ang buhay, parang classroom. Sa classroom mo makikita ang iba't ibang uri ng tao, ugali, at pag-iisip. Nasa sa iyo yun kung paano makikisabay, kung paano mo ilulugar ang sarili mo sa kanila.
Kaya nung nalaman kong titigil ako sa home-schooling at papasok ako sa legit na school, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, magiging masaya ba dahil dream ko na talagang pumasok sa school simula nung bata ako, o matatakot dahil hindi ko alam kung ano magiging tingin ng mga kaklase ko sa akin. Nung first day ko, hindi ko alam kung paano makikipag-usap sa mga kaklase ko, well hindi rin naman nila ako kinakaibigan. Nilalapitan lang nila ako for subject matters. Pag tapos na ang klase, parang di na nila ako kilala.
Then you came.
Tanda ko pa ang lahat. Umuulan non. Pauwi na sana ako non dahil hinahanap na ako ni Mommy. Kaso nakita kita sa waiting shed. Ang cute mong mainis. Dun ko napansing wala kang payong. At dahil pasugod ka nang ulan, inoffer ko sayo ang payong ko. At hindi ko naman akalaing magpapapayong ka mula school hanggang inyo. Pinapasok mo pa ako ng bahay niyo. Hindi ko nga alam kung anong mararamdaman ko non, nagugulat ako sa bilis ng pangyayari. First time na may kumaibigan sa akin.
Sobrang comfortable ako sa yakap mo, sa pag-akbay mo sa akin at sa paggulo mo sa buhok ko. Pakiramdam ko, lagi akong at peace. Especially nung umiyak ako sa field, sobrang bigat nang problema ko nun. Pangalawang beses na nagkaron ng babae si papa. Andun ka para icomfort ako. Kahit bago palang tayong magkakilala, sobrang komportable ako sayo.
Sa mga araw na dumaan, unti unti kong nakikita kung gaano ka kaganda. Kung gaano ka kasarap titigan lalo na pag ngumingiti ka. Kung gaano ka kasarap kasama.
Unti unti na pala kitang nagugustuhan.
Nung Musical Play, dun ko narealize na may nararamdaman ako sayo, pero hindi ako sigurado. Dahil first time ko lang naman tong maramdaman. Pinapatibok mo ng mabilis ang puso ko kada kakanta ka, sa mga titig mong halos lunurin ako. At isa sa pinakamalaking kaengotan ko, yung hinalikan kita. Sa sobrang ganda mo, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
Ang bilis ng tibok ng puso ko nung umamin ka sa akin, para akong hihikain kaya naman mabilis akong lumabas ng room na yon para magpahangin. At dun ko napagdesisyunan na iwasan ka muna ng panandalian para kunsultahin ang sarili ko kung talagang gusto ba kita. Sa bawat araw na nagdaan, namiss ko ang mga kwento mo. Magaganda mong ngiti, ang paggulo sa buhok ko, ang pag-akbay sa akin, ang pagyakap mo sa akin.
Dati ayoko sa ulan, dahil nakakapagparamdam ito sa akin ng lungkot. Ngayon, gusto ko na ito dahil pinapaalala nito kung paano tayo nagkakilala.
Ikaw ang rainbow sa buhay kong maulan.
I like you, Sab.
Love, Neo.
Halos hindi na magkasya ang ngiti sa mga mukha ko dahil sa letter ni Neo. Sobrang sweet. Sobrang nakakatouch. Hindi ko akalain na kaya nyang gumawa ng ganito. At hindi ko akalaing aabot kami sa ganito..
BINABASA MO ANG
Someday, We Will Be: 1
RomanceDalawa lang yan: Someday, we will be happy, we're together, and we're living our lives to the fullest. O di kaya, Someday, we will be happy for the both of us because we're both already with someone else, and we're living our lives to the fullest.