My New Professor

20 4 0
                                    

RHEI's POV

"WOW! YES! Walang klase! Hahahaha" buti Walang klase! Ayoko kasi kay Mr. Muños actually sa subject nya ayaw ko. I hate math.

"Rhei! Ang aga aga ang ingay mo." Bawal sakin ni Iya. Kaharap nanaman nya ang aklat. Hayst. Lagi nalang? Hahaha

"Hay nako Iya kahit kelan ka talaga ang KJ mo!" Panay nya ako sinusuway. Hayst. Iinisin pa kita lalo.

"Kiss kita dyan eh!" Pang iinis ko pa  sa kanya at akmang ikikiss sya.

"Ano ba! Ang gulo mo ang daming tao" sabay hampas nya sakin at inayos ang salamin nya. Bigla akong nagutom. Ha! Kakain muna ako

"Hahaha. Osige na. Bibili muna ako. Bahala na kayo dyan." Paalam ko sa kanila.

"Oy Rhei bili mo ko ng chocolate sa cafeteria ha." Bilin ni Seven. Hay nako seven mag papahyper ka nanaman.

"Oh kayong dalawa? Di ba kayo papabili?" Tanong ko sa dalawa

"Nope" sagot ni Iya na laging busy sa aklat

"Hindi na. Kayo lang naman ni Seven ang matakaw dito."  Sagot ni Armarie nabusy sa ginagawang report

"Hay nako Armarie sabihin mo busy ka lang di ka makakain. Bleh!" Pang aasar ni Seven kay Armarie

"Ah bala kayo dyan. Bibili na ko ha."  Paalam ko at lumayas na ako.

"Basta don't forget my chocolate!" Pahabol na sigaw ni Seven hay katakaw.

Nag okay sign lang ako sa kanya at saka umalis. Pag dating ko sa cafeteria, sakto! Walang tao! Hmmm ano kaya pwedeng mabili? Ah alam ko na. Mag burger nalang at cola ang bibilin ko. Nag paluto na ako Kay ateng nag titinda ng burger.

"Ate isang regular burger nga po at Isa cola."

"Sige miss paintay nalang ng burger iluluto pa." Sagot ng ale.

Habang nag iintay ako. Parang may nakalimutan ako? Ay oo nga! Yung chocolate pa nga pala ni Seven.

"Ate, saglit lang po ah. Balikan ko nalang. May nakalimutan papo akong bilin eh." Paalam ko kay ateng nag luluto ng burger.

"Osige miss." Sagot naman nya.

Palapit na sana ako sa bilihan at pipila nalang ng may biglang sumingit at natabig nya ako. Muntik na akong matumba.

"Aray!" Aba Gago to ah. Sya pa may ganang mag umaray ako nga tong mutik na tumumba!

"Hoy ikaw! Titingnan mo nga yang dinadaanan mo." Aba talaga! Kapal ng muka di manlang nag sorry? Abat sya pa ang galit?!

"Hoy ka din! Ikaw na nga tong nang bunngo ikaw pa ang galit?!" Bwisit ka!

"Hey I don't care kung nabunggo kita. Nauna ako sa pila kaya mag tiis kana dyan." Maagas ka talaga ha.

"Hoy ikaw! Ikaw na impaktong lalaki ka. Hindi ka na nga marunong mag sorry mayabang ka pa!" Sagot ko sa kanya. Kala mo papatalo ako ha! No! And never!
"Mayabang!" Ulit ko pa sa muka nya.

"Wag mo kong sigawan! Wala kang karapatan!" Sigaw nya sakin. Oh tingnan mo to. Kayabang pikon naman pala.

"Nauna ka!" Bara ko sa kanya. Aba Gago talaga nag walk out ng wala manlang sorry!

Hmp! Bahala sya sana di ko na sya makita dito sa school. Binili ko na ng chocolate si Seven at saka Binalikan ko na yung burger ko at cola ko.

Pag balik ko sa tambayan namin. Sa dulo ng school sa likod ng lumang building. Di naman sya scary but wala laging tao dito kaya dito namin gusto.Alam nyo na. Privacy. Pinag bawalan lang talaga ang mga students na pumunta dito. Since Parents ni Seven ang may ari dito at ang families namin ay may mga malalaking shares. So walang pwedeng kumontra sa grupo namin. Kaya lang may tatlong hidden share holders na hindi namin kilala. We don't care.

"Oh Rhei anong nangyari sayo? Bakit naka busangot ka nanaman?" Puna ni Armarie sakin

"Eh panay naman naka busangot yan eh. So what's new?" Bara naman ni Seven.

"Oh! Ayan na nga chocolate mo. Nang dahil dyan napaaway pa ako." Hinagis ko sakanya Ang chocolate tyaka umupo.

"Napaaway ka?" Tanong agad ni Armarie.

"Don't worry I'm fine." Pakalma ko sa kanya.

"As if naman na nag woworry kami sayo" bara nanaman ni Seven.

"Ako Seven tantanan mo ko ha. Mainit ulo ko."

"Whatever" maldita.

Biglang dinampot ni Iya ang phone nya at Sabi. "Oh guys may Prof na daw tayo next kaya Tara na."

"Pero kakain palang ako?!" Kontra ko.

"Kainin mo ng mabilis habang nag lalakad tayo." Si Armarie talaga. Laging takot malate.

"Okay fine. Paka malas ko ata ngayon." Dabog ko

"Di yan malas. Nag kataon lang." Sagot ni Iya. Fine panalo na kayong tatlo.

Pag dating namin sa room wala namang Prof ah. Pinag luluko ata ako ng mga to eh. Sa sobrang kabusugan ko parang inaantok ata ako. Ah Alam ko na. Mabuti pa tulugan ko nalang sila tutal Wala namang prof. *Yawn wala naman sya. Tulugan time na

Iya's POV

Tagal naman! Sabi sa gc may sub Prof na. Asan?! Wala! Tulog na nga si Rhei. Hay Sana all nakatulog.

"Waaaaaaaaaah! Ang tagal naman! Bored na akooooo!" Sigaw ni Seven. Pinag titiginan naman sya ng mga kaklase namin. Wala naman syang pake. Subukan lang nilang kumibo ng malaman nila hinahanap nila.

"Wag ka nga maingay dyan!" -armarie oh away nanaman yan.

"Walang kwenta. Sana di na tayo bumalik dito." Dabog nya. Nag pout pa.

"Hoy mag intay ka nalang dyan." Sagot sa kanya ni Armarie.

"Kainis naman kasi! Sabi may Prof na?! Wala naman. Kala ko na pogi yun" nag pout ulit sya.

"Miss sinong pogi?" Aba sinong lokong-- ow my! Sya ba ang sub Prof?!

Nanlaki ang mata ni seven. "Ah w-wala po"

"Don't say Po I'm not yet older"

"Okay sir" sagot naming tatlo. Hayst nasabay tuloy kami. Charming kasi ih.

"Good! So let's start." Pumunta na sya dun sa harap at nag introduce ng sarili.

"Hi class I'm Grey Wile, I'm also a student but I'm the one who choose Mr Muños to teach you when he was gone. By the way I'm the president of new student government." Jusko ngiting ngiti naman yung mga classmate namin haliparot. Di mapakali ang pwet. Teka Hala?! May bagong Student government?! Nah! Kaya namin ulit kayong patalsikin kahit pa kumuha ang Papa ni Seven at ang mga magulang namin ng pinaka magagaling na students para sa SG. Wala kaming pake. Patatalsikin lang ulit namin ang mga yan.

" Okay class let's start"

"Ahm sir hanggang kelan po kayo mag tuturo?" Duh?! Kumana ka nanaman. Bwisit talaga tong Sarah Fernandez nato. Landi!

"I think almost 3 months lang."

"That's good! Ay sorry po sir." Hoy yung clevage mo! Nakaluwa na! Kadiri ka.

"Alright. So let's have our attendance." Simula ni sir.

"Ms. Castillianes?"

"Present sir!"

"Ms. Cortez?" Hindi sya sumasagot.

"Is Ms. Cortez here?" Hala! Tulog nga pala sya. siniko ko sya para magising pero wala tulog talaga ang lola mo. Tulog mantika.

"Ms CORTEZ!" Ay pusang gala! Andito na bigla si sir sa likod namin. Patay ka rhei.

"Yes sir!" Natawa kami sa reaksyon ni Rhei. Bigla sya taas ng kamay nya eh kagigising. Hahaha.

"Sir? Hala! Hindi ko makita si sir??" Mukang tanga si Rhei sa harap kasi nakatingin eh nasalikod nya.

"I'm here." Seryosong sagot ni sir. Yayks scary...

Pag harap ni Rhei...

"IKAW?!" Sabay pa silang nag salita at parehong mukang gulat.

What's happening?! I feel something is going on here...

Story For UsWhere stories live. Discover now