DIAMOND 52: DINNER

455 12 1
                                    

LOVELYN POV.(POINT OF VIEW)

BUMABA na ako ng kwarto at dumeretso sa kusina. Nandoon narin si daddy at mommy. Umupo ako kumuha ng tubig.

"Princess. Ano ang balak mo ngayon? Papasok kaba bilang CEO ng companya sa daddy mo?" Tanong ni mommy. Nagisip naman ako. Gusto kong maging isang writer. Gustong gusto ko yun.

"Mom. Dad. I want to be a writer. Yun po ang gusto ko." Nagulat naman sila sa sinabi ko. Alam kong hindi nila gusto ang sinabi ko.

"Princess. Paano ka magiging writer kung wala ka namang isinulat na kwento?" Natahimik naman ako.

"Edi magsusulat ako sisimulan ko mamaya magsulat." Sabi ko at kumain.

"Okey. Susuportahan ka namin diyan. Tatawagan namin ang ibat ibang companya ng mga books at para maipublish agad ng companya ang story mo." Napangiti naman ako. Napakswerte ko dahil sila ang naging magulang ko.

"Thank you dad. Thank you mom. Napakaswerte ko sa inyo." Ngiti kong sabi.

"Your welcome our Princess." Sagot ni daddy. Tinapos ko na ang pagkain ko at dumeretso sa kwarto. Naligo ako at nagbihis.

"Saan ka pupunta anak?" Tanong ni mommy.

"Pupunta lang ako ng books store mom. Bibili ako ng mga kakailanganin ko para sa pagsusulat." Sagot ko at humalik sa pisngi.

"Okay. Take care okay." Tumango ako at umalis na.

Huminto naman ako sa mall na pagmamay ari ng mga montefalco. Dito nalang ako bibili ng kakailanganin ko. Dumeretso ka agad ako sa Books store at bumili ng notebooks at signpen. Dumeretso ako sa counter at binayaran ito. Umalis naman agad ako at bumalik sa bahay.

"Oh ang dali mo naman ata anak?"

"Ito lang naman po yung bibilhin ko" sagot ko at pumasok na. Napatingin naman ako sa lalaking nakatalikod.

"Gabriel?" Lumapit ako ng kaunti at siya nga. Napangiti ako.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko tumayo naman siya pero sinenyasan ko siyang umupo lang. Nilapag ko ang mga binili ko at tinignan siya.

"Binisita lang kita." Sagot nito.

"Salamat. Pero alam kong hindi lang iyan ang pinunta mo dito." Natatawa kong sabi. "Yaya please dalhan mo naman kami ng juice dito." Sabi ko sa yaya at tinignan si Gabriel.

"Ahm. Gusto ko lamg sanang yayain ka mag dinner mamaya?" Hmmmmmm

"Ahmmm may gagawin kasi ako eh." Kinamot ko pa ang ulo bigla naman nadismaya ang reaksiyon nito. Haysss

"Ganun ba. Ano bang gagawin mo? I can help." Suggest nito. Tumawa naman ako pero mahina lang.

"Naisipan ko kasing magsulat. I want to be a writer." Sagot ko.

"Really? That's nice. Tutulungan kita diyan pero pwedi bang mag dinner muna tayo mamaya?"

"Gabrie-"

"Please Lovelyn." Napabuntong hininga ako at tumango. Walang masama dahil kaibigan ko naman si Gabriel.

"Thank you. Susunduin nalang kita dito mamaya." Tumango ako at umalis na siya. Nawe werduhan ako kay Gabriel  dahil iba ang kinikilos nito. Haysss ano bayan. Naprapraning na ako. Dapat hindi mo yan iniisip lovelyn. Kaibigan mo siya kaya hindi mo dapat siya pag iisipan ng masama.

"Are you okay?" Napatingin naman ako kay mommy. Tumango ako. "Ano bang sinabi ni Gabriel?"

"Niyaya niya akong mag dinner mom." Sagot ko.

SEEING YOU ( MY HOTTEST BILLIONAIRE HUSBAND SEASON 2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon