PAGE 3

1.3K 87 95
                                    

As you awaken, you will come to understand that the journey to love isn’t about finding “The one” the journey is about becoming “The one”. – Creig Crippen

 

"Malalaman mo na lang na siya ang The One para sa'yo kapag gusto mo na siyang anakan," sabi ni Dada, isang araw nang magtanong ako kung paano ba hanapin si Love.

"When you meet The One, you'll know. Your heart will beat more rapidly and you'll smile for no reason." Iba naman ang sinabi ni Gideon.

Sometimes in our life, we come to think if who's the right one for us. Kung nandiyan na ba siya o matagal pa bago dumating.

Laging sinasabi ni Dada sa akin kung gaano siya kaswerte at kasaya nang makilala niya si beautiful mommy. Ganoon din ang kaibigan kong si Gideon. Halos wala siyang bumambibig kundi si Annunciata sa t'wing magkakasama kami.

"Annunciata was a transfer student. I was scanning a book in the library when our eyes locked together from opposite bookshelf. I fell in love with her in just six seconds. Can you believe that? I was only searching a book but I found my soulmate!"

I could still remember how happy he was. Parang binibili ang ngiti ni Gideon pero nang araw na iyon, free niyang binigay ang masaya at matamis niyang ngiti sa amin.

He looked so in love and that moment — napaisip ako... masaya ba talaga kapag inlove? Dada said one time, love is a missing puzzle and when you found it, you will be completed.

I checked my body and found if there's something missing in my organs that when I found love, I'll be completed. Pero wala naman — hala, meron! Kulang ng tatlong hibla ng buhok ko! 110, 000 ang hair strands ko ngayon ay 109, 997 nalang! Waaaah! Kailangan ko nang mahanap si Love kaagad para makompleto na ang buhok ko!

"Hindi ako naniniwala diyan! Mas naniniwala pa ako sa alien kesa sa love na 'yan!" Rodeo El Persida spat. Sumipsip siya sa hawak na coke na nakalagay sa ice water bag at may straw bago tumingin sa akin. "H'wag kang maniwala diyan, Jack. Love is a lie — it's just a word used by desperate and heartsick people."

"H'wag ka ngang bitter, Rod-rod," sabat ni Pantaleon at tumingin sa akin. "I haven't experienced it yet but I know love is real. It's just there, somewhere. Lahat tayo may nakatadhana para sa isa't isa, we just have to wait for it" he smiled, a dreamy look on his face.

Napagtanto ko na iba-iba pala ang paniniwala ng mga tao sa love. Just like these two, masaklap ang tingin ni Rodeo sa pag-ibig dahil minsan na siyang na-inlove noong elementary kami. Sumama kasi sa ibang kalaro niya ang nagustuhan niyang babae kaya magmula noon, nanumpa siya sa harap ng flagpole namin na hindi na siya maiinlove. While Pantaleon, he has his own meaning of love too. He's a hopeless romantic guy who believes in sparks and butterflies in stomach.

Ako? Kanino kaya ako maniniwala? Inaamin ko na marami akong nakilalang babae — The Jackasses fans club is a proof of that — pero wala akong naramdaman na may gusto akong buntisin sakanila katulad ng sinabi ni Dada o ang sinasabi ni Gideon na mapapangiti ng walang rason. Oh, well, I smile after the orgasm but that doesn't include right?

"Bakit ka nga ba nagtatanong? Na-inlove ka na ba?" tanong ni Rodeo.

Pantaleon snorted. "Oh, come on, Rod-rod! Si Jackal Cross Crane ma-iinlove? Para mo na ring sinabi na hindi na virgin si Mary!" palatak niya.

Ngumuso ako at sinawsaw ang santol sa asin na may sili. Inakyat namin ang puno ng santol sa tabi ng Principal's office kaninang lunch break kaya meron kami nito. Ssshh lang kayo, ha! Hindi kasi alam ng prinsipal namin hehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JackalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon