Sapo ko ang dibdib ko, habang hinahabol ang hininga ko.
Gustuhin ko mang tumigil pero di ko maaaring gawin.
Ayokong maabutan nya ko.
AYOKO
Sa pagkataranta ko di ko napansing may malaking bato pala akong madadaanan, huli na dahil nakita ko na ang sarili kong napadapa sa batong iyon.
Dali dali akong tumayo at hindi ininda ang natamo kong sugat mula sa pagkakadapa at--
"MIRANDA!"
Napatingin ako sa lalaking nakamaskara na nasa likod ko na pala. Batid kong nanlilisik ang mata nya sakin kahit may takip ang mukha nito.
Dahan dahan akong gumapang palayo sa kanya nang marining ko ang pagkasa nya ng baril.
Alanganin ko syang tinignan ngunit nagpatuloy parin ako sa paggapang palayo sa kanya.
"Wala ka nang takas Miranda! Mamamatay ka! Hahahaha"
Napapikit ako at inihanda ang sarili ko sa maaga kong kamatayan ng itutok nya ng baril sa sintido ko.
ISA SYANG HALIMAW...