PROLOGUE

27 14 0
                                    

..........................................................

DISCLAIMER:

This is a work of fiction and Imaginations. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons. living or dead, or actual events is purely coincidental.

PAGTATATUWA:

Ito ay gawa gawa lamang po at walang katutuhanan. Mga pangalan, mga Karakter, mga trabaho, mga pook, mga pangyayari at insidente ay kagagawan lamang ng imahinasyon ng manunulat o gawa gawa lamang na walang katutuhanan. Kung ano man ang pagkakatulad nito sa aktual na tao. Buhay man o patay o parehong pangyayari ay nagkataon lamang.

...........................................................

PROLOGUE:


Kasalukuyang nasa labas ng campus sa tabi ng pool ang lahat ng studyante dito sa campus.

Nandito rin ang pinaka-hearthrob ng buong school na si Adryan Yoshida kasama ang mga kabarkada nito.

Si Adryan ay Matangkad, Maputi, Mayamam, Matangos ang Ilong at kulay brown ang mga mata.

Siya rin ang nag-iisang ultimate crush ni Sebbhyana Sato o mas kilala sa kanyang palayaw na Seb. Kilala si Seb dahil siya lang ang nag iisang babaeng galing sa lower-class na nagkakagusto kay Adryan.

Marami nang babaeng nagkakagusto at umaamin ng nararamdaman para kay Adryan. Ngunit kakaiba si seb.

Si seb ay galing sa mahirap na pamilya, hiwalay ang mga magulang niya kaya mag isang pinapalaki ng kanyang ina si Seb at ang kanyang nakababatang  kapatid na lalaki.

Palakad sana si seb papuntang mga kaibigan niya nang harangan siya ng grupo ng mga lalaki.

'Para lang naman sa mayayaman ang school na ito' sabay turo ng lalaking nalasing sa kakainom ng champagne kay seb. 'paano kaba nakapasok dito babae!' sigaw pa nito kay seb.

Paantras ng paantras si Seb para iwasan ang mga lalaking bully sa harap niya pero sinusundan parin nila si seb.

'wag ka nang umasang maiinlove pa sayo ang crush mo babae ka!' sigaw pa ng isa sakanila habang papalapit kay seb.

Tuloy-tuloy parin sa pag atras patalikod si seb hanggang sa maabot na niya ang dulo ng pool.

Lahat nang tao ay nakatitig sakanila pero di nila tinutulungan si seb, sa halip pinasisigawan at pinagtatawanan pa ito.

Nang mas lalong napalapit ang mga bully ay umatras pa ng isang hakbang si seb at muntik nang mahulog sa pool.

Muntik nang mahulog sa pool.... Kung walang taong nakayang hawakan ang kanyang mga kamay upang mapigilan si seb sa malapit na pagkahulog niya sa pool.

Tiningnan ni seb kung sino ang taong nakahawak sakanya at ito pala ay si Adryan.

Hindi kayang bitawan ni Adryan si Seb dahil kahit Pasaway at makulit siya. May puso din siya minsan. Pero tuloy tuloy parin sa pagsigaw at pang-aapi ng mga tao kay seb.

Kaya naman tuloyan itong binitawan ni adryan na naging dahilan ng pagkakahulog niya sa pool. Nakatitig ang lahat ng mata sa campus kay seb, pari nadin ang mga mata ni adryan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Live, Love, Laugh [on Going]Where stories live. Discover now