tonsy and epoy going back abroad

583 33 5
                                    

makalipas ang isang linggo ng madilim na pangyayari sa buhay nila missy at yuan, kinakailangan ng bumalik ni epoy at anggie sa australia, at si tonsy naman sa new york..

sa bahay nila yuan at missy:
"yuan pare, sorry we have to leave agad....."-tonsy

"ok lang yun tonsy ganun talaga eh....pero at least di nadamayan niyo parin kami ni missy, sobrang laking tulong nun.....kaya thank you din...."-yuan

"nakakalungkot kasi maghihiwa-hiwalay nanaman tayo...."-epoy

"oo nga mga pare eh, sobrang mamimiss ko kayo, lalo ka na epoy, yung kalokohan mo!"-borj

"hayaan mo borj malay mo bago manganak si roni di ba bumalik kami ni manang anggie ko, tapos successful na ang laundry shop namin...."-epoy

"sana pagbalik mo may dala ka na ding baby epoy para maranasan mo na yung sarap ng pagiging tatay...."-borj sabay biglang natahimik at naalala niya si yuan

"sorry pare..."-borj

"ok lang borj...."-yuan at napakatahimik nito

"sayang wala si junjun dito noh...."-epoy

"naku si junjun pa eh napaka busy ng tao na yun, tignan mo nga si jelai parang isang beses lang sa isang linggo kung magkita sila...."-borj

sa kwarto nila missy:
"sis kung kailangan mo ng kausap nandito lang kami ni jelai ha..."-roni

"oo nga missy, halos one week ka na din hindi lumalabas dito sa kwarto, sabi pa ni yuan hindi ka daw kumakain ng maayos, paano ka lalakas niyan kung ganyan ka...?"-jelai

"missy diba sabi ng doctor magpalakas ka, kumain ka ng maayos, baka magka nervous breakdown ka na eh..."-pagaalala naman ni roni

"im ok, wag niyo ako masyado alalahanin, siguro talagang hirap lang ako makamove on, pero di ba in time i will be ok....and thank you na din for staying beside me...."-missy sabay pahid ng luha

"missy nandito kami ni roni for better or for worst, hindi ka namin iiwan, kaya sana bumalik na yung dating missy kasi nakakamiss din siya eh..."-jelai

"i know, just give me sometimes, and i will be ok. i just dont know how long will take, but i will be ok...thank you guys ha..."- missy

sa isang banda nahalata ni roni si jelai na para bang may problema ang best friend niya, kaya hindi niya naiwasang tanungin ito..
" jelai hope you dont mind, pero lately parang napapansin ko madalas wala si junjun? well ala ko naman na sikat na si junjun ngayon at panay na ang mga shows nia, pero may time pa ba si junjun sayo? sa relationship niyo..?"-roni

natahimik si jelai, at ilang saglit pa ay tumulo na ang luha nito..

"why jelai? what's wrong?" pag aalalang tanong ni missy

"sorry mga sis ah, sorry missy, i know this is not the right time to talk about it, pero medjo mabigat na din kasi sa dibdib yung tinatago ko lang eh..."
"napapansin ko din kay junjun yun, hindi na sya nagtetext or tumatawag sakin, kung hindi pa ako yung mag effort na tawagan siya or kamustahin hindi ko malalaman.. feeling ko junjun has another girl...!"-jelai

"ha..? paano mo naman nasabi yun jelai...? baka naman sobrang busy lang talaga ni junjun..."-roni

"yun din nilalagay ko sa isip ko roni eh, pero iba talaga ang kutob ko lately..."- jelai

"jelai wag mo muna pag isipan ng masama si junjun why not try to surprise him, alamin mo kung saan ang latest taping niya, tapos dalawin mo siya sa set...i am sure matutuwa si junjun kapag ginawa mo yun..."-advice naman ni missy

"i agreed with you missy....jelai do it, wala naman mawawala kung bibisitahin mo si junjun di ba..."-roni

"siguro nga mga sis, pero sana mali talaga ang hinala ko... dont worry bukas dadalawin ko si junjun, tutal alam ko naman kung saan location ng taping niya eh..."-jelai

" go girl..."-roni

habang nagkakainuman ang mga boys sa garden ng bahay nila yuan, bumaba na sila roni, jelai at missy mula sa kwarto at nakisama sa mga boys...

" i miss you roni...."-borj sabay yakap sa misis at himas sa tiyan nito at hinalikan pa...

"oa mo borj ah ilang oras pa lang tayo nagkahiwala miss mo na ako agad... wag mo nga ipahalata na masyado kang inlove sakin..."-roni sabay hawi ng buhok niya habang natatawa

"one hour seems like years roni..."-borj sabay halik sa labi ng misis niya...

"naku po, ang daming panggam dito sa pinas tama lang talaga na babalik na kami ni manang anggie ko sa australia..."-biro ni epoy

sabay tawanan ang magkakaibigan....

tumayo si tonsy...

"para sa barkadahang walang katulad, mula pagkabata, hanggang sa pagtanda, walang iwanan....! cheers!!!!"-tonsy

"sa hirap at ginhawa...!"-epoy at tumayo din ito

"mahal ko kayong lahat.....!"- sigaw naman ni borj
CHEERS!!!!!

bukas hiwa hiwalay nanaman ang magkakaibigan...

sabi ng nila back to reality!!!

to be continue....
feel free to comment, dont forget to give ⭐️...

reality ever after! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon