Father's Downfall
Chapter: 5
"Bakit parang nakasimangot ka?" Tanong Aizel isa sa mga gitarista ni Sam.
"Biglang sumama yung mood ko kaninang umaga." Naalala lang niya kasi ang lalaking naka-bangga kanina. Pakiramdam niya parang kakaiba ang titig nun sa kanya, lalu na nang makilala na siya ang vocalist ng bandang itinayo niya.
"Hoy?"
"Ahmm, bakit?" Bigla din siya napukaw sa pagtapik ni Aizel.
"Halika na magsisimula na ang program."
Tumango lang si Sam at pasimple na binitbit ang kanyang gitara.
Halos palakpakan ang mga tao sa paglabas nila mula sa likuran, nakangiti naman si Sam habang nakatingin sa karamihan ng kanilang guest sa Resto bar. Sadyang, naging sikat din ang kanilang banda at madalas na tumutugtog na din sa ibang lugar, pero syempre madalas talaga na dito lamang siya dahil sa pag aalala ng kanyang mga magulang.
"Magsisimula na pala?" Bulong ko habang nakatingin kay Sam,kumaway ako saglit at napansin naman ako nito.
"Daddy!" Medyo tili niya, sobra talaga masaya si Sam kapag nakikita ang ama lalu kapag tutugtog siya.
Nag flying kiss muna siya dito.
Agad ko naman sinalo yun at binulsa,
"Kayo talagang mag-ama, kaya pati si Jove nahahawa sa inyo."
Lumingon ako kay Mika, napangiti ako at inakbayan na siya.
"Maupo na nga tayo." Bulong ko sa asawa ko.
Naiiling naman si Mika na sumunod na kay PJ sa pwesto na naituro nito, at ang gusto talaga nito ay ang malapit sa kanilang anak.
"Hello Ladies and Gentlemen!" Pauna ni Sam at muling ngumiti sa mga manunuod nagpalakpakan naman ang mga ito.
"Gusto na ba ninyo magsimula kami!"
Dinig na dinig ang hiyawan ng mga tao at sagot na "YES"
"Alrigth!" Nagsimula nang lumingon si Sam at sumenyas sa mga ka- banda.
Sinimulan muna ang chord, medyo rock at nakaka-indak kaya ang lahat ay naiindak din sa mga upuan
Sam:
We had a lot of luck on Venus
We always had a ball on Mars
Meeting all the groovey people
We've rocked the Milky Way so far
We danced around with Borealice
We're space truckin' round the the stars
Come on let's go Space TruckinMaging si Pj at Mika ay napapaindak, lalu at mas humusay pa kumanta ang kanilang anak.
"Natalo na talaga ako ni Sam na mag gitara." Bulong ko kay Mika.
Sam:
Remember when we did the moonshot
And Pony Trekker led the way
We'd move to the Canaveral moonstop
And everynaut would dance and sway
We got music in our solar system
We're space truckin' round the stars
Come on let's go Space Truckin'The fireball that we rode was moving
But now we've got a new machine
Yeah Yeah Yeah Yeah the freaks said
Man those cats can really swing
They got music in their solar system
They've rocked around the Milky Way
They dance around the Borealice
They're Space Truckin' everyday
Come onNgumiti lang si Mika sa bulong ni Pj, nakikinig kasi siya sa kanta nang kanyang anak.
~
Nasa isang sulok naman ang grupo ni Ely, nanunuod sila sa pagtugtog ni Sam.
At mas lalu niyang tinututukan ito ng titig.
"Ely, baka tumulo laway mo naman kay Sam?"
Sabay tawanan ng mga ito.
Hindi siya umimik, matagal na alam ng mga kasama niya na si Sam ang pinaka-gusto niya, pero lagi kasi kasama nito ang ama at ina.
Kaya hindi siya maka-tyempo ng lapit dito.
"Ely, cellphone. Papa mo?"
"Hayaan mo lang siya, alam naman niya na kasama ko kayo." Sagot lang niya kay Aim
"Eh, baka magalit ang erpats mo alam mo naman si Judge?" Sagot ni Aim
Lumingon si Ely at kinuha ang cellphone sabay patat nito.
Halos hindi nakaimik ang mga barkada niya.
"Walang judge-judge sa'kin kapag si Sam ang pinapanuod ko." Sabay muling tingin sa stage kung saan nagsasalita si Sam.
"May nakuha na pala akong bagong target." Sabat naman ni Peter
"Talaga?" Si Archie
"Ssshh, mamaya niyo na pag- usapan yan." Saway ni Ely.
"Lakas talaga ng tama mo kay Sam, bakit di pa natin kidnapin ng matikman mo na." Segunda ni Aim
Ngumisi lang si Ely, at uminom ng kanyang beer.
~
"Daddy, mommy!" Masayang salubong niya nang bumaba na siya sa likod ng stage.
"Grabe, mas lalu lang dumami ang tao dito sa resto." Bulong ko sa kanya, syempre proud ako bilang ama niya.
"Teka, bakit hindi ninyo kasama si Jove?" Medyo nanghihinayang ang boses niya, dahil gustong-gusto ni Jove na nakikita siyang kumakanta.
"Anduon pa siya kela Papa."
"Ayaw pasamahin ni Lolo mo." Sabat ni Mika.
"Hay naku si Lolo talaga."
"Excuse me!"
Napalingon pa silang tatlo sa nagsalita, nakita nila ang isang lalaki na may hawak na bouqet.
Nakilala naman agad ito ni Sam, dahil kaninang umaga lamang ay sinira nito ang umaga niya, lalu ang pagakaka-titig nito sa kanya.
"I'm sorry ulit kaninang umaga, and pleas take this flowers. Para naman medyo mawala inis mo sa akin."
"Bakit anu ba nangyari?" Sabat ni Pj.
"Wala Dad, nagka banggaan lang po kami kanina."
"Are you okay iha?" Sabat naman ni Mika.
"Yes Mommy, hindi naman kotse." Sagot niya at ngiti sa mga magulang, sabay tingin sa lalaki. At tinanggap na ang flowers na bigay nito.
"Thank you, and okay na yun kasi hindi ko din naman nakita ikaw."
"It's a pleasure na makilala ko ang vocalist ng favorite ko na banda, i'm Ely Shun" pakilala niya sabay lahad ng palad.
"Sam." Tinangap na yun ni Sam
"I know." Sabay bahagyang pisil sa palad nito.
Mabilis na hinatak na ni Sam ang kamay niya,
Agad naman na tumabi si Mika sa anak.
"I will take my leave now. Thank you again." At tumalikod na si Ely.
Nasundan na lang ito ng tingin ni PJ lalu nang palabas na nang Resto.
Agad ako lumingon kay Sam
"Bakit hindi mo binaggit sa akin kanina sa office?"
"Dad, simpleng banggaan lang yun. Kaya lang naman uminit ulo ko kasi yung titig niya sa kin."
"Kahit na, dapat nagsasabi ka sa Daddy mo." Sabat ni Mika.
"Opo mommy, promise next time." Napatingin siya sa pintuan pero wala na ito kaya nakahinga na dinng maluwag si Sam.
#AuthorCombsmania

BINABASA MO ANG
Father's Downfall (COMPLETED STORY)
Narrativa generaleFather' s Downfall Prologue: Naging masaya at makulay ang buhay ni Pj lalu nang makasal at magka anak muli sila ni Mika. Ang kumpleto at masayang pamilya ay biglang mapapalitan na lungkot at sakit sa puso at damdamin niya. Paano nga ba niya malalag...