Break na tayo. [One-Shot]

460 25 2
                                    

Break na tayo.

Ako si Megan Cortez. 28 years old. Mayroon akong boyfriend, si Ron Velasco. Nine years na kaming mag-on. Hindi niya pa rin ako inaayang magpakasal. Tinatanong na nga ako ng mga kaibigan ko kung kailan pa ako magpapakasal, e. Palibhasa sila, ikinasal na!

Nandito ako sa mall ngayon, nagpasama ako sa mga kaibigan ko sa mall kasi mas may alam sila sa pamimili ng damit. Damit para sa anniversary namin ni Ron. Dapat magpaganda ako no! Pang 10th anniversary na kasi namin. Inggit kayo no? Sa 9 years naming mag-on, he never fails na pakiligin ako at iparamdam sa 'kin kung gaano niya ako kamahal. Dapat rin bumili ako ng ireregalo ko sa kanya. Inuna muna namin yung pamimili ng damit ko.

"Tara! Dun tayo! May maraming uso na pwede niyang suotin dun!" Sabi ni Victoria. Habang turo-turo yung isang store.

"Gaga! Hindi na yan 16 para sa mga revealing na damit! Dun tayo oh! May mga bonggang dress!" Sabi naman ni Joanne. Marami ngang mga magaganda don. Nag-agree na lang kami ni Victoria dahil siya naman ang pinakamatino sa aming tatlo. Pumunta na kami don at nagsimula ng pumili.

"Uy Meg, itry mo to." Sabi ni Victoria at iniabot sa akin yung isang dress. Above the knee ito, pa X yung likod at color blue. Maganda rin ito, nakakasexy sa akin. Pumunta na ako sa fitting room at sinukat ito. Pagkatapos ko itong sukatin, lumabas na ako at ipinakita sa kanila sabay ikot.

"Aba! Maganda nga, pero hindi naman party ang pupuntahan mo! Diba magcecelebrate kayo ng anniversary? Baka mapaaway pa si fafa Ron dahil jan sa suot mo, e!" Sabi ni Joanne. May binigay siya sa akin na isang dress at ipinasukat sa akin. Pumasok ulit ako ng fitting room at sinukat iyon. Pagkatapos kong sukatin ay lumabas na ako.

"Para ka namang namatayan jan sa suot mo, e! Black na black tapos ang haba pa!" Sabi ni Victoria ng natatawa. May binigay naman siyang isang dress sa akin. Sinukat ko ulit iyon. Paglabas ko..

"Hindi bagay sa iyo Meg! Ang panget namang pumili nitong si Victoria!" Sabi ni Joanne ng natatawa. Pagod na ako, ha! Nagreklamo na ako dahil sa pagod.

"Hoy pagod na ko, ha! Ako na nga lang ang pipili! Baka bumagay pa sa akin!" Sabi ko. Natawa naman yung dalawa sa inasta ko. Naghanap ako ng simpleng damit don. May napukaw naman ng atensyon ko. Isa iyong dress na 1 inch above the knee. Kulay white at may belt na maliit sa gitna. Kinuha ko agad iyon at sinukat. Paglabas ko..

"PERFECT! Mukha kang anghel!" Sabay nilang sabi. Napangiti na lang ako at pumasok sa fitting room para magpalit. Binayaran ko na iyon at bibili pa ako ng ireregalo sa kanya.

"Hmm, ano bang magandang iregalo sa kanya?" Sabi ko. Hinila naman nila ako dun sa mga pang lalaking store. Marami ring magaganda doon. Nagsimula na silang magsuggest.

"Relo?" Sabi ni Joanne. Umiling ako.

"Damit?" Sabi ni Victoria. Umiling lang ulit ako.

"Brief?" Sabay nilang sabi at tumakbo. Hinabol ko sila at pinaghahampas. Nakakahiya naman kung iyon ang ireregalo ko no! Mga baliw talaga!

"Ano ba kayo! Ang gusto ko sanang iregalo sa kanya ay yung unique." Sabi ko. Nagkatinginan naman silang dalawa at hinila ako dun sa may mga alahas.

"Ayan! Regaluhan mo ng kwintas!" Sabi ni Victoria. Tumango lang si Joanne. May naisip naman kaagad ako.

"Ahm, ate, pwede po ba tong ipa costumize?" Sabi ko. Tumango naman yung nagtitinda don. "Uhm, medyo mabilis po kasi e. Kukunin ko kaagad ng maaga bukas dahil may pagbibigyan ako niyan. Siguro mga 9am po kukunin ko. Makakaya po ba?" Sabi ko ulit dun sa tindera. "Opo. Kayang-kaya po. Ano po bang ipapalagay niyo?" Sabi niya. "Megan po." Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at pinapili ako ng kwintas. Pinili ko yung simple lang pero maganda tignan. Nang matapos kami. Niyaya ko silang kumain. Pumunta kami sa isang fastfood chain at umorder don.

Break na tayo. [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon