Chapter 24

4 1 0
                                    

Chapter 24





"At alam mo ang Mas nakakairita?! Hinding-hindi ka nawala sa usapan namin! Lagi ka niyang bukambibig! I hate you! You ruined everything! You ruined us! Kaibigan ka na nga lang, masyado ka pang paepal! "




Agad akong napabalikwas at doon ko Nakita ang puting pader. Inilibot ko ang aking paningin. Sa kulay at disenyo ng kuwadro, alam Kong nasa clinic ako ng school namin. Agad Kong sinuri ang aking katawan at suot ko pa din ang aking uniporme.




"Buti gising kana. " sabi ni Ave.



Kita ko din si Zed sa kaniyang tabi na nagkukusot ng mata marahil ay kakagising lamang nito.



"Yunique... " sambit nito.



"Anong nangyari? " takang tanong ko sa kanila.




"Aba! Ang ambisyosang froglet, inumpog ka sa pintuan ng CR dahil inaagaw mo kuno ang boylet niya! Hay, bakit kasi pumapatol si Nyx sa mga may mental illness? " medyo iritang sambit ni Ave. Napakunot ang noo ko don habang si Zed ay nagpipigil ng tawa habang sinusuklayan din kaniyang buhok gamit ang kaniyang kamay.




Inumpog sa CR?




Ah! Naalala ko na. Walang hiya talaga ang Trixie Na iyon!




"Ilang oras akong nakatulog? " tanong ko habang iniinda ang sakit ng ulo ko.





"Sampung buwan. " seryosong saad ni Zed. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. A-ano?!




Sampung buwan?! Seryoso ba Siya?!



"What?! " gulat Kong tanong.




"Pfft, joke lang! Ang seryoso mo naman. Ganyan ba kapag broken hearted? Bakit ako hindi- Aray! " saad ni Zed at nahulog sa kaniyang kinauupuan. Tinulak kasi ito ni Ave.




"Kainis ka Zamonte! Alam na ngang Ano 'yan e, jino-joke mo pa! Kaya ka niya hindi kina-crushback e! " saad ni Ave. Tumayo si Zed at hinarap si Ave.




"Hoy! Below the belt na 'yun ah! Bawiin mo 'yun! Ikaw nga na hindi gusto ni Zamora 1, nagreklamo ba ako?! " gatong naman ni Zed. Napailing na lamang ako sa kanila. Lalong sumasakit ang ulo ko.




"Aba! Atleast ako kahit ayaw sa akin may chance! Sa iyo wala kasi may ibang gusto! " singhal ni Ave.





"Hoy! May chance ka nga! Sure ka bang papatulan ka non? " saad ni Zed. Kita ko na halos umusok na ang ilong at tenga ni Ave sa kaniyang sinabi.




"Aba, suntukan Nalang oh! " matapang na hamon ni Ave. Napahawak ako sa aking ulo at hinarap Sila.




"Pwede bang itigil niyo 'yan?! Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa! Nasaan ba ang nurse? "




"Aba, Ewan. Natakot ata kay Zed dahil kinindatan niya Kanina. " patay-malisyang sagot sa akin ng Bestfriend ko. Sinipat ko si Zed na nakaiwas ng tingin at sumisipol pa.




"Arzaih! " inis ko itong sinigawan.



"Oh, chill! Ikaw pa din naman. " ngising saad niya.



"Hanapin mo ang nurse nang makalabas na ako dito! " utos ko sa kaniya.




"Yes boss! " sabi nito at tumayo.




"Ikaw din Ave! Samahan mo 'yan nang makapagpahinga ako! Sumasakit ang ulo ko sa inyo. " mataray Kong sambit. Ngumiwi sa akin ang aking Bestfriend at tumayo din sa kaniyang kinauupuan.




The Dreamer's Dream(Z Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon