Lies Camera Action

209 8 5
                                    

A/N: Dedicate ko kay ate AnneBernadetteCastueras , kasi ang galing talaga nya . Pinakagusto kong story nya ay yung 

My facebook boyfriend...for real? (WHOLE CHAPTERS) , kasi naman ang ganda talaga , hindi ko kayang iwan kasi kaabang-abang , kaya kahit mahaba tinapos ko pa rin , alang-alang kay MOKONG 

Salamat nga po pala sa mga nagbabasa ng mga story ko .

I Love you po and Thank you sa lahat ng support nyo , na-a-apreciate ko lahat ng ginawa nyo . Alam kong meron pa akong on-going na story pero ginawa ko pa rin eto , sorry kasi ayaw ko naman mawala yung mga naiisip ko . Hehehehe pero Short Story lang naman po ito kaya , huwag na pong magalit.

Salamat Enjoy kayo sa pagbabasa

---

Long Prolouge

Matagal ko ng Mahal si Jake Stephen . Pero hindi ko kayang umamin dahil wala akong lakas na loob dahil kaibigan ko siya , He's my Bestfriend . Natatakot kasi akong masira ang pagkakaibigan namin.  

Naging friend ko s’ya nung first year high school kami. Nagmula kami sa iba’t ibang elementary schools. It was the first of school when we met. Sa lahat ng mga lalaking kaklase ko, he is the most approachable. And the most handsome. Coincidentally, naging seatmate ko s’ya. Dahil dun ay naging close kami at naging magkaibigan.

I know all of his secrets. Pati rin s’ya, alam din n’ya ang mga sikreto ko. Alam n’ya kung sino ang first crush ko, first kiss at kung anu-anong mga bagay tungkol sa personal kong buhay. S’ya ang hinihingan ng mga advice sa t’wing may problema ako. Alam ko rin ang mga sikreto n’ya. Mayroon s’yang 14 crushes mula Grade 5. Hindi nga ako makapaniwala. Pero nakita ko naman ang ebidensya sa kanya. He’s so handsome. Nagpadagdag pa sa kanyang kagwapuhan ang kanyang mga dimples. No girl can resist his charm, maliban na lang sa mga bulag at man-hater.  

Kahit alam na n’ya ang mga sikreto ko, Hindi ko pa rin sinabi sa kanya ang tungkol sa nararamdaman kong pag-ibig. Alam kong magkakaroon ng lamat ang aming relasyon bilang magkaibigan kung sasabihan ko s’ya, na mahal ko s’ya. During our high school years, alam kong napakaraming babae at bakla ang naiinggit sa akin. Pa’no ba naman, best friend ko ang crush ng campus. Isang araw nga, muntik na akong bugbugin ng mga nasa higher year level na mga babae nang dahil kay Jake Stephen. Oo, nang dahil sa kanya. Buti na lang at dumating kaagad s’ya. Si Bestfriend. Si Jake. Sinamahan n’ya ako papauwi nang araw na ‘yon.

Nang nasa second na ako, sinabihan ko na ang sarili ko na ‘wag nang mahalin si Jake, pero hindi ko kinaya. I woke up one day that i’m in love with him. Napamaang na lamang ako sa aking sarili. I know its wrong dahil baka ito ang maging dahilan na kami ay mag-away o mawala ang aming pagkakaibigan. But I can’t stop loving him. 

For the past three years of our high school life, naging masaya ako kasi palagi kaming magkasama ni Stephen. Tuwing weekends naman, nanonood kami ng rented CDs at DVDs. He loves to watch action and horror movies while ako naman, romantic comedies at love stories ang trip. He loves the Pirates of the Carribean trilogy. Dumaan ang birthday nya kaya naman niregaluhan ko siya ng isang mamahaling relo.  Naubos ang savings ko dahil sa regalo ko sa kanya. 

Nung 15th birthday ko, inaya ko s’yang manuod ng movie, A Cinderella Story. After watching that movie, I told him na sana katulad ng character ni Chad Michael Murray ang magiging boyfriend ko. “Ano ka ba Anne, nangangarap ka na naman. Sige ka baka AKO ang makakatuluyan mo”. Sabi n’ya sabay tawa. I told myself “Sana nga. Sana nga. Sana ikaw.” 

Palagi s’yang pumupunta sa bahay namin kahit malayo kami sa isa’t isa. Binibisita ko rin s’ya sa kanila. Kung wala kaming oras at pera, sa telepono na lang kami nag-uusap.

Lies Camera ActionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon