CHAPTER 2
MAAGANG gumising si Matt ng sumunod na araw. Balak sana niyang mag-jogging. Matagal tagal na din niyang hindi nagagawa iyon simula nang sunod sunod na dumating sa kaniya ang problema. Napabayaan na din niya ang kaniyang sarili. Naghilamos siya at nagpalit ng pang-jogging.
Isinuot niya ang kaniyang earphones sa kaniyang tenga at nagsimulang mag-jogging. Ilang metro na ang kaniyang natatakbo ng mapahinto siya sa tapat ng Butterfly Garden. Pumasok siya sa loob niyon nang makitang bukas ang gate niyon. Muli niyang sinundan ang pathway na patungo sa pinaka gitna ng lugar na iyon na nagsisilbing main attraction nito. Sa gitnang parte kasi niyon ay may isang fountain. Tumatagos ang mumunting liwanag ng araw mula sa mga punong nakapaligid doon. Sa totoo lang ay napakalaki ng garden na iyon. At tulad nga ng sabi niya para iyong kanlungan ng mga diwata. Punong puno din iyon ng iba't-ibang klaseng mga bulaklak.
Habang ginagala ang paningin ay napahinto ang kaniyang mga mata sa isang puting bagay. Hindi, hindi isang bagay iyon kundi isang tao--babaeng nakasuot ng puting bistida. Ano naman kaya ang ginagawa nito doon? Hindi kaya may masmang nangyari dito? Dali-daling tumakbo siya papalapit dito. At nagulat siya ng makita kung sino ito. Ito ang babaeng mataray kahapon!
Bahagyang niyugyog niya ito. "Miss? Miss?" Nang hindi pa rin ito tumitinag ay inilapit niya ang kaniyang bibig sa tainga nito. "Hannah..."
Mabilis na nagmulat ito ng mata at bumangon. Dahil sa ginawa nito ay naumpog siya sa noo nito na naging dahilan para mapaupo siya sa damuhan.
"Aray!.." Sapo niya ang kaniyang noo. Nabasag yata ang bungo niya.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?",tanong nitong tila balewala lamang ang nangyari. Tao ba ito? Bakal yata ang bungo ng isang 'to.
Dahan dahan siyang tumayo na sapo pa din ang nasaktang noo. "Hindi mo na ba ako natatandaan? Ako yung lalaking kausap mo kahapon."
Saglit na nangunot ang noo nito. Ilang saglit pa ay bumakas ang rekognisyon sa mukha nito.
"Ahh! Ikaw yung photographer!"
"Oo ako nga. Hindi ka ba nasaktan?"
"Ha? Bakit? May ginawa ka sakin?" Pinag-ekis nito ang dalawang braso sa harap ng dibdib nito.
"Ah! Hindi! Hindi, miss. Nagkakamali ka. Wala akong ginawang masama sa'yo. Nakita lang kitang nakahandusay dito sa damuhan. Akala ko kung anong nangyari sa'yo kaya nilapitan kita."
"Ganun ba? Nakaidlip kasi ako. Nakalimutan ko yatang isara yung gate. Nasabi mo na ba sakin yung pangalan mo? Pasensya na makakalimutin kasi ako."
"Ah hindi pa. Mathew Madriguez. Ikaw si Hannah hindi ba?"
"Pano mo nalaman ang pangalan ko? Stalker ka ba?" Muli nitong pinag-krus ang mgabraso sa tapat ng dibdib nito.
Natawa siya sa ginawa nito. "Hindi,narinig ko lang nung tawagin ka ng isang babae kahapon."
"Ahh, Si Leila. Kumain ka na ba?"
"Hindi pa. Nag-jogging kasi ako."
"Tara."
"Saan?"
"Basta! Sumama ka na lang sakin!"
Hinawakan siya nito sa kaniyang braso at hinila siya papalabas ng lugar na iyon. Saan na naman kaya siya dadalhin ng isang ito? Ngunit tulad ng nauna niyang ginawa,sumunod lamang siya dito. Sumakay sila ng isang shuttle.
"Manong, dun po tayo sa bayan."
"Okay po ma'am."
Lumabas ang shuttle sa resort at pumunta sa isang tila palengke. Isa iyong palengke na nasa gilid ng kalsada. Iba't ibang kakanin, prutas at gulay ang tinitinda doon. Bumili sila ng ilang pagkain. Mabuti na lamang at may dala siyang pera. Dahil sa halos lahat ng pagkaing mahawakan nito ay pinababayaran nito sa kaniya. Siya din ang nagbitbit lahat ng iyon.
BINABASA MO ANG
The Story of My Girl
Romantizm"Mahal na kita Hannah." Malakas na sampal ang isinagot nito sa kaniya. Naglahong parang bula ang ngiti sa kaniyang mga labi. Para bang nabingi siya hindi dahil sa lakas ng sampal nito, kundi dahil sa nagsusumigaw na pag-tanggi nito sa nararamdaman...