Chapter: 6

39 2 0
                                    

Father's Downfall

Chapter: 6

"Please! Maawa kayo sa'kin!" Sigaw nang isang dalagita habang nakatali ang mga kamay niya sa uluhan ng kama.

Ngumiti lang si Aim, habang inaayos ang pang-turok para dito.

Halos manlaki ang mga mata ng babae dahil pansin niyang para sa kanya ang injection.

"Huwag! Huwag pakiusap!" Sigaw niya at pilit ang piglas, ngunit hindi na siya nakapalag dahil tuluyan na naiturok sa kanya ang droga.

"Tapos na ba yan Aim?!" Tanong ni Archie at naatat na sa bago nilang biktima.

Tiningnan nama ni Aim eto, at mukhang tumahimik na marahil gumana na ang drugs na tinurok nila.

"Ayos na! Tawagin na ninyo si Ely!"excited niyang sagot.

Lumabas na muna si Archie at naabutan niyang may session pa ang buong barkada.

"Psst! Tara na, droggy na si Ate girl!" 

Ngumiti lang si Ely, at sumandal pumikit siya saglit at ninanamnam pa ang sininghot na pangpa-high.

Pagka-dilat ay mabilis siyang tumayo at pinilig-pilig pa ang ulo.

"Ohh, yes! Game na!" Sigaw niya.

Binuksan nila ang speaker, at isang rock music ang pinatugtog habang pinapasa-pasahan nila ang babae na wala sa huwisyo, sari-sari ang ginawa nila dito. Halos nakahubad ito at hindi umimik, tila tulala dahil sa tinurol ni Aim.

At syempre si Ely ang kauna-unahan na gumalaw dito, dahil siya ang pinaka- lider ng kanilang Gang.

Sa tuwing gagalaw siya nang ibang kababaihan ay si Sam ang nasa isipan niya, mula talaga makilala ito ay hindi na nawala sa isipan niya. Pero hindi pa din siya makagawa mg hakbang para dito dahil bantay-sarado nila PJ at Mika. Pero ngayon alam na niya at hindi sila nagkakalayo nang building kung saan ito nagta-trabaho.

~

"PJ."

"Uhmm?" Napadilat ako dahil na din sa imik ni Mika, nakita ko siyang nakaupo at nakasandal lang headboard ng kama namin.

Napilitan tuloy akong bumangon.

"Bakit gising ka pa?" 

"Hindi ako makatulog, parang may kakaiba akong kutob sa lalaking nagbigay ng bulaklak kay Sam."

"Mika."

"Alam ko na tapos na yung issue mula noon, it was 9 years ago mula yung nangyari sa atin dati. Yung gawa ni Christian, pero hindi mo maiiwas sa akin lalu at sunod-sunod ang mga nangyayaring krimen ngayon" 

Huminga ako nang malalim, alam ko na hindi ko na matatanggal pa sa isipan ni Mika ang nakaraan, lalu at talagang napahamak kami. Pero naging lamat na yun sa isipan niya.

"Pasensya ka na, hindi lang kasi ako makakapayag na may ibang tao na pwedeng makagawa ng ganun sa anak natin. Hindi lahat ng oras andidito tayo."

"Alam ko, sige na magpahinga ka na. Babantayan ko naman lagi si Sam kahit kapag nasa office kami okay." 

Yumakap si Mika kay PJ at napapikit, natatakot lang talaga siya. Lumaking maganda si Sam na kahit sinong lalaki ay maaring mapukaw ng kagandahan nito, dagdagan pa ni Jove na sobrang ganda ding bata kaya natatakot lamang siya.

"Huwag ka na matakot, magpahinga na tayo."

Kumalas si Mika sa pagkakayakap at ngumiti.

"Nangako na ako na sa Father's day magba-bakasyon tayo." Sabay ngiti ko kay Mika.

Father's Downfall (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon