Simula na ng pasukan ngayong araw, kung ang ibang bata ay masaya dahil may bago silang kwarderno at bag.
Ako naman ay namomoblema sa gamit pang eskwela, marahil ang mga napaglumaan kung mga gamit noong nakaraang pasukan ang aking gagamitin.
Tinanggal ko ang yarn sa gilid ng mga kwaderno at hiniwalay ang maaari pang gamitin na papel.
At ang lapis ko na walang tasa ay ginamitan ko ng kutsilyo upang magkaroon ng sulat,
Habang nag hahanda ako para sa pagpasok ko mamayang hapon ay narinig ko ang tawag ng aking tiya
"Leslie! Hoy leslie!!" Nagmadali akong bumaba
"Pumunta ka kila ma'am santos mamaya at doon ka na rin kumain" Ani ni tiya ayoko sanang pumunta dahil nakakahiya ngunit wala akong magawa. Ako ang magugutom
"O sya aalis na ko ikaw na ang bahala dito siguraduhin mo na naka lock ang pinto" sabay kuha ng bag nya na puno ng cutics
Ng maka alis si tiya ay nagmadali akong maligo, Dahan dahan kong sinuot ang blusa at ang aking palda. Aking paparemdyuhan nalang ito.
Handa na rin ang aking gamit sa eskwela, sinunod ko ang bilin ni tiya na naka lock ang pinto.
Ilang lote lang ang aking madadaanan ay narating ko na ang bahay nila Ma'am Santos. Nakita ko pa syang naglilinis ng bakuran nila.
"Oh leslie napa aga ang dating mo mamaya pa ang ating klase" agad din namang binuksan ni Ma'am santos ang kanilang gate.
"Kumain ka na ba?" Agad akong napailing
"Oh sya pasok sa loob kumain muna tayo bago ituloy ang lesson natin kahapon" tumango naman ako kay Ma'am santos
Si Ma'am santos ay napaka bait na guro sya ay nagtuturo sa mga batang kagaya ko, at kaya nya rin mag turo sa mga batang may espesyal na pangangailangan katulad ko.