Jan Kemuel

56 4 0
                                    


Chapter Two

Jan Kemuel Dela Cruz Point of View

"Bilisan mo nga diyan Kuya. Isang notebook lang naman mabibili ng pera mo"

"Maghintay ka Kean. Pumipili ako ng magandang klase ng notebook"

First day of school bukas.

Second year college na ako. Computer Science ang course ko. Bakit ComSci? Wala lang. Hindi ko naman talaga alam kung ano gusto ko mangyari sa buhay ko eh. Ayoko talaga pumasok kasi alam ko naman hirap si nanay at si tatay sa pera. Si nanay na-extra ng labada sa mga kumara niya at si tatay naman ay factory worker sa isang kumpanya. Sinabi ko nga kay tatay na magtatrabaho nalang ako para makatulong rin ako kahit sa pagpapaaral sa nakababata kong kapatid. Hindi ko nga nakakalimutan yung sinabi ng tatay ko na wala daw akong ibang pwedeng maipagmalaki kundi ang edukasyong matatapos ko kaya kailangan makapagtapos daw ako ng kolehiyo.

Ako nga pala si Jan Kemuel. 18 years old. May kapatid akong nasa ikalimang baiting na ngayong darating na pasukan. Si Jary Kean. Pinagkasya namin ng kapatid ko ang 500 na binigay samin kanina ni tatay. Dapat nga sa palengke nalang kami bibili pero itong kapatid ko sabik na sabik makatungtong ng Sm. Nakakakunsensya naman kung hindi ko man lang ipapaamoy sa kanya ang amoy ng aircon ng Sm at ipaparinig ang theme song ng Sm. Feel na feel nga ng kapatid ko eh.

"Kuya bumili ka naman ng pabango mo. Lagi mo nalang ginagamit yung cologne ko"

Hindi naman talaga ako mahilig magwisik wisik ng kung ano anong pabango eh. Okay na sakin yung amoy ng safeguard. Hindi rin ako nagpopolbo at axe deodorant lang ang gamit ko. Kumbaga natural na pagkapogi lang ang meron ako. Hindi ko na kailangan ng mga mamahaling pangrekutitos sa katawan. Pampatagal pa sa pagkilos ko yan eh.

"Kaya ka hindi nagkakajowa eh" narinig kong bulong ng kapatid ko.

Nagkajowa naman ako nung high school ako pero mas pokus pa yata ako sa barkada kaysa sa lablapy na yan. Wala naman kasi akong pera pang-date eh. Baon ko nga ngayong college 50 pesos lang. Sakto sa pangkain at pamasahe. Kapag minamalas malas ay hindi pa ako kumakain dahil sa mga pinapaxerox ng mga professor namin.

Matapos kong bayaran ang mga pinamili naming notebooks ng kapatid ko ay niyakag ko na siyang umuwe. Wala na rin naman kaming ibang gagawin pa dito sa Sm. Naglakad lang kami ng kapatid ko hanggang sa sakayan ng tricycle para makatipid ng 20 sa pamasahe. Sayang din yun. Pangload ko rin yun mamaya para makapaglaro ako ng mobile legends. Sigurado kasing mataas na rank nila Mico. Kakantyawan nanaman ako ng mga yun.

"Halina kayo at kumain na muna tayo ng hapunan" yakag ni nanay habang inaayos ang hapag-kainan. Sinigang na tuyo at pritong talong ang nilutong ulam ni nanay. Mabilis na kaming naupo ng kapatid ko at kasunod na namin si tatay. Nagdasal muna si tatay bago kami tuluyang nagsimulang kumain. Isa rin sa bilin ni tatay na dapat pasalamatan ang lahat ng biyayang pinagkakaloob satin. Huwag na huwag daw makakalimot. Iyan ang paulit ulit na sinasabi palagi saming dalawa ng kapatid ko.

Matapos kumain ay lumabas muna ako ng bahay. May malapit na basketball court sa bahay namin at dun ako madalas tumambay kapag ganitong oras. Wala naman masyadong natambay doon kapag walang liga ng basketball. Nakita ko na si Rj. Isa sa mga tropa ko at madalas na nakakasama ko sa pagtambay dito sa court.

Magkaiba kami ng eskwelahang pinapasukan. Seaman kasi ang kinukuha niya. Marine Transportation yata ang tawag sa kurso niya. Magkaklase kami nung fourt year high school at parehong pasang awa ang grades namin. 78 nga ang average ko eh. Mataas ng isa ang average ko kaysa sa kanya.

"Oyy pre birthday ko na sa isang linggo" singit niya sa kwentuhan namin. Isa lang naman ang gusto niyang iparating sakin eh. Inuman. Parte ng buhay kabataan yun, ang mag-inom. Alam naman ni nanay at tatay na nag-iinom na ako pero palagi rin nilang sinasabi na ilagay lang sa ayos ang sarili kapag nakakatikim ng alak. Kumbaga drink responsively. Naks! English yan. Nabasa ko sa commercial habang nanunuod ako ng Onepiece (BigMom Saga). Astig yun! Lalo na yung laban ni Luffy at Katakuri. Nauubos nga ang data ko dahil sa pagkaadik ko sa anime na iyon eh.

My No Ordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon