HINDI niya gustong masaktan si Erika ng dahil sa kanya. Mas lalong hindi niya gustong magkagalit si Erika at Manolo. Pero nagkagulo ang mga ito ng dahil sa kanya.
Hindi pa rin siya pinapansin ni Gabin. Nasasaktan siya pero tinitiis niya. Siguro tama na rin na ngayon pa lang lumayo na ang loob ni Gabin sa kanya. Idinistansiya niya na rin ang sarili sa mga kaibigan. Hindi na siya tumatabi sa mga ito kapag breaktime, Hindi na rin siya sumasabay sa mga ito pag-uwi. Miski si Manolo ay iniwasan niya na rin.
Naging mag-isa na lang siya. Dumagdag pa na tumitindi ang morning sickness niya. Kagaya ngayon. Pakiramdam niya'y umiikot ang paligid niya kaya nakasubsob lang siya sa desk niya. Lumayo na rin siya ng upuan kina Gabin. Nakipagpalit siya sa classmate niya na nasa kabilang side ng room. Mas okay na 'yon kaysa mapansin nila Gabin ang sitwasyon niya.
Sa ngayon wala pa siyang solidong plano. Pero buo na ang desisyon niya. Hindi niya hahayaang masira ang kinabukasan ni Gabin. Mas maganda ang future na naghihintay dito kaysa sa future na mayroon sila. Mas okay na siya na lang ang lumubog paibaba kaysa idamay pa ito.
Napaungol siya nang marinig na magpapa-long test ang teacher nila. Tamad na umayos siya ng tayo para lang magulat nang makitang nakatayo si Gabin sa harap niya at may hawak na mga test paper. Ito siguro ang naatasang mamigay niyon.
Hindi niya magawang salubungin ang mga mata nito kaya nakayukong inabot niya ang test paper na iniaabot nito. Nanghihilahin niya na ang papel ay hindi naman nito binibitawan. Tiningala niya ito. Nakita niyang titig na titig ito sa kanya. Agad siyang nag-iwas ng tingin at yumuko ng maramdamang namamasa ang gilid ng mga mata niya. Naikuyom niya rin ang kanyang kamao, gusto niya itong yakapin. Ngayon niya nararamdaman kung gaano niya ito nami-miss sa ilang araw na hindi sila nagpapansinan.
"Namumutla ka," narinig niyang anito.
"W-Wala kasi akong m-make up ngayon," sagot niya na lang dito, kahit na ang totoo hindi naman siya mahilig mag-make up.
Binitawan na nito ang test paper saka may dinukot sa bulsa. Isang homemade cookies. Inilapag nito iyon sa desk niya. "Pumunta ka sa clinic kung masama ang pakiradam mo," ani pa nito saka humakbang palayo at ipinagpatuloy ang pamimigay ng mga test paper.
Nanatili naman siyang nakatulala sa cookies na ibinigay nito. Napakagat-labi siyang nilingon ito. Tumatawa ito sa kung anumang sinasabi dito ni Sonia. Napangiti siya ng mapait. Sasaya si Gabin kahit wala siya. Hindi katulad niya. Hindi sasaya na wala ito, pero... mas mabuti nang siya ang mahirapan at masaktan kaysa sa lalaking mahal niya. Napahawak sIya sa tiyan niya.
KATULAD NG mga nakalipas na araw hinintay niya munang makalabas na ang lahat bago siya umalis ng room. Sinisiguro niyang nakaalis na sila Gabin para hindi niya makasabay ang mga ito pauwi. Pagkalipas ng twenty minutes saka siya lumabas ng room.
Napahawak siya sa dibdib niya dahil sa gulat nang makitang nakasandal si Gabin sa labas ng pintuan. Mabilis itong umayos ng tayo pagakakita sa kanya.
"Akala ko dyan ka matutulog," anito na nakangiti sa kanya.
"B-Bakit nandito ka pa?"
"Inaantay kita. Hindi na kasi tayo nagkakasabay. Kung hindi ka nauuna, minsan naman nagpapahuli ka," anito saka humakbang papalapit sa kanya.
Iniiwas niya ang bag ng akmang aabutin nito iyon. "Sana hindi mo na ako hinintay. May dadaanan pa kasi ako," aniya dito saka mabilis na nag-iwas ng tingin dito. Naglakad na siya at sinabayan naman ni Gabin ang paglalakad niya. Humigpit ang hawak niya sa backpack niya.
"Saan ka ba pupunta?" tanong nito ng pababa na sila ng hagdan. Malungkot ang boses nito.
Para namang kinukurot ang puso niya. Alam niyang nasasaktan niya ito dahil iniiwasan niya ito pero, ito ang dapat gawin.
"S-Sa office ni Daddy."
"Hatid na kita do'n." Nauna itong bumaba ng isang baytang at hinarang siya. Nakangiti ito sa kanya pero hindi naman umaabot sa mga mata nito ang ngiting iyon. Puno rin nangpakikiusap ang mga mata nito.
Parang may bumikig sa lalamunan niya na hindi niya malunok. Umiling siya dito. Pinilit niya ang sarili na 'wag magpakita ng kahit anong emosyon dito. Tumitig siya sa mga mata nito.
"Kaya ko namang mag-isa. Kaya kong wala ka, Gab, kaya pwede bang umuwi ka na lang mag-isa ay pabayaan mo na ko?" matigas na aniya dito.
Kitang-kita niya ang sakit sa mga mata nito at ang pamamasa ng mga mata nito. Pasimple itong yumuko at mabilis na pinunasan ang luha. Nang mag-angat ito ng mukha ay nakangiti na uli. Isang pekeng ngiti. Dahil alam niya sa likod ng ngiting iyon ay may nakatagong sakit.
"Alam ko namang kaya mo... kaya lang, Sab... ako yung may hindi kaya. Hindi ko kaya, S-Sab... "
"Problema mo na 'yon!" malakas na sigaw niya dito. Hindi na niya kayang makita ang sakit at marinig ang malungkot na boses nito. Alam niyang ilang sandali na lang bibigay na siya. Konti na lang baka maglupasay na siya sa pag-iyak.
Bumalatay ang sakit sa mukha nito dahil sa ginawa niyang pagsigaw dito. Lalagpasan na sana siya nito ng pigilan siya nito. Bigla siya nitong niyakap mula sa likuran niya.
"H-Hindi mo na ba ko m-mahal?" garalgal ang boses na tanong nito.
Hindi na niya napigilan ang nag-uunahang mga luha niya. Kinagat niya ng mariin ang ibabang labi para pigilin ang mapahagulgol ng iyak.
Gusto niya itong yakapin. Sabihing mahal na mahal niya ito. Pero hindi pwede. Pinipigilan siya ng konsensiya niya. Masyado niya itong mahal para mas unahin niya pa ang nararamdaman niya kaysa baliwalain ang kinabukasan nito.
Kahit labag sa loob niya pinilit niyang binaklas ang kamay nitong nakayakap sa kanya.
"Sab..." pakiusap nito.
Pero mas pinili pa rin niyang alisin ang pagkakayakap nito sa kanya at iwanan itong nag-iisa. Mas pinili niyang madurog silang dalawa para pareho silang tumibay paglipas ng panahon.
Naniniwala siyang para sila sa isa't-isa. At ang mga taong tinadhana kahit paghiwalayin ng panahon magiging sila pa rin pagdating ng tamang oras. At pagdumating ang tamang oras na 'yon saka na lang siya babawi sa lahat ng sakit na ibinigay niya dito.
Saka siya hihingi ng tawad.
Pero sana pagdating ng oras na 'yon mahal pa rin siya ni Gabin...
BINABASA MO ANG
The Crazy Tease (completed)
RomanceLANDIIN si Gabino Melchor! Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush! Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila.... First love ni Sabrina si Gabino kaya naman ng maging sila ay nakalimutan niya ang problema sa sariling pamilya.. Mahal na m...