Karma
New Hope Club
1:11 ───|───── 2:58
|◁ II ▷|
PAUL
"Ayos ka lang, Paul? Halos mali-mali yung chords mo kanina. Buti na lang hindi yun masyadong napansin ng mga tao dahil sa 'magandang' boses ni Daniel," sabi ni Nathan.
"Oo nga, anong nangyari? Nakatatlong bote ka na ng beer," singit naman ni Daniel.
Kakatapos lang ng gig namin. Wala na ako sa tamang wisyo. Iniisip ko pa rin yung sinabi ni Chesca kanina. 'Di pa sumasagot sa tawag ko. Tang*na, ba't nangyayari 'to sa'kin ngayon? Pucha.
Binuksan ko ang phone ko at itapon iyon sa kanila. Mukhang nagulat rin sila sa kanilang binasa. Naglaklak pa ako ng bote dahil sa sama ng loob ko. Paglingon ko sa kanila, mukhang nagulat rin sila sa kanilang binasa.
"Pre, nakipaghiwalay sa'yo si Chesca? Bakit?—"
Padabog kong nilagay ang bote sa mesa bago magsalita. Wala na naman ibang customer dito sa bar kundi kami lang ng kabanda ko. "Niloko niya ako, tang*na," sabi ko at napasapo na lang sa sentido ko. Mukhang lumalakas na ang tama ko dahil sa beer.
"Ang lala naman ng problema mo. Sa kaso mo kase, babae pa talaga ang nanloko sa'yo. Baka kasi 'di mo siya pinagbigyan na makipagsex sa'y--"
Pinutol ko na ang sinabi ni Daniel. "I'm done being a player, Dan. Matagal ko na 'yan hininto pagkatapos kong makilala si Chesca. Hindi siya tipong babae na nang-aaya sa kama. She's the girl I've never had before. Hindi naman kami tatagal ng halos isang taon kung hindi ko siya minahal," sabi ko.
"Siguro na ito yung karma sa lahat ng ginawa ko noon," dagdag ko pa bago uminom ulit.
"Pre, don't worry. Marami pa namang mas better pa kay Chesca. She may be one of a kind, but not the one for you," sabi naman ni Marco. Si Marco lang talaga ang matinong kausap sa tatlo kong kabanda.
Pagkatapos naming mag-inuman, nagsipag-uwian na rin kami. Inalayan naman ako ni Nathan habang papasok kami sa kotse ni Marco. Ihahatid na nila ako dahil hindi ko na kayang umuwi nang mag-isa.
Nang naramdaman kong nasa loob na ako ng kotse ay napaidlip na ako. Nagising naman ako nang paakyat na kami sa apartment ko.
"Tang*na naman, mas bumigat ka pa ata kaysa kanina, Paul," rinig kong sabi ni Nathan.
May naramdaman naman akong kapa sa mga bulsa ko, saka nila nakuha ang susi ng kwarto ko at binuksan ito. Pagpasok namin, agad nila akong binagsak sa kama ko na nagpabalik sa wisyo ko. Ang sakit ng pagkakabagsak sa akin. Napadaing na lang ako nang mahina.
"Ano, bibihisan ka pa ba namin?" biro pa ni Nathan.
"Iwan niyo na ako," sabi ko sa kanila.
"Okay, sabi mo ha," huling sabi ni Nathan saka sila umalis at sinara ulit ang pintuan.
Kinabukasan, naampulingatan ako nang may rinig akong padabog na pagsara ng pintuan sa labas. Umagang-umaga, nang-iistorbo ng tulog. Bumangon ako sa kama at bigla na lang sumakit ang ulo ko.
Hangover.
Huli kong naalala yung hinatid nila rito ako ni Nathan at Marco.
Hindi nga pala ako nakabihis kagabi dahil lasing na talaga ako. Kaya ngayon, suot ko pa rin ang suot ko kagabi.
Pumunta ako sa kitchen at nagtimpla ng kape para mawala yung hangover ko. 8AM na pala. Dapat nasa school na ako.
Sa afternoon na lang ako mag-aattend ng class. I have something to fix right now.
Naligo ako at nagbihis. Pupunta ako sa bahay ni Chesca. We need to talk about everything that happened last night. I won't let her give up our almost a year relationship, kaysa sumama sa lalaking 3 months pa lang niya nakilala.
I went to a flower shop and bought a bouquet of fresh red roses for her. She likes roses.
I want to apologize. I want her back.
Nag-taxi ako patungo sa bahay niya. I know na nandun pa siya dahil 10AM pa ang class niya ngayon. Pagdating ko ay may naabutan akong isang kotse sa tapat ng bahay ni Chesca. Dali-dali akong nagbayad at lumabas ng taxi.
Nagdoorbell ako at lumabas naman si Chesca ngunit kasama niya yung lalaki sa dp niya.
"Paul? Anong ginagawa mo rito?" taka niyang tanong sa akin.
"My loves, we need to talk--"
"Paul, stop it. I have told you last night. We're over," sabi niya.
"No, please, Chesca—" lalapit na sana ako nang bigla akong inawat ng lalaking kasama niya.
"Matuto ka namang rumipesto sa kanya, dude," sabi niya na nagpainit sa dugo ko.
"Anong respect? Inagaw mo siya sa akin!"
Hindi na ako nag-atubiling suntukin siya sa mukha. Nabitawan ko na ang hawak kong bouquet at hawak ko na ang kwelyo ng lalaking ito. "Kapal ng mukha mong sabihing respetuhin ko siya samantalang hindi mo nirespeto ang relasyon namin!"
"Paul, tigil na please. I chose him over you dahil andjan siya sa tabi ko no'ng wala ka. Ilang months ako nagtiis sa 'yo, sa relasyon natin. Sa kaka-gig mo, wala na akong makausap o makasama. Mas binigyan pa ako ni Anthony ng maraming oras kaysa sa'yo. Sasabihin ko na sana sa'yo pero alam kong sobrang masasaktan ka. Kaya please, iwan mo na kami. Paul, tapos na tayo," sabi niya na nagpatigil sa akin.
Nakaramdam na naman ako ng isang suntok galing sa lalaking nagngangalang Anthony bago sila pumasok sa kotse at iniwan ako sa tapat ng bahay.
Tapos na talaga kami. I never thought that I would cry over a girl that cheated me for a long time. I love her so much, but...
I think I have to let her go this time.
Bigla namang bumuhos ang ulan, ngunit hindi pa rin ako makaalis sa tapat ng bahay ni Chesca. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na mabasa sa bawat patak ng ulan.
Nang tumila ang ulan, saka lang ako nagdesisyong umuwi sa apartment ko. I have to accept the fact na hiwalay na kami.
Pumara ako ng taxi pauwi. I won't attend any class ngayon araw. Kailangan ko munang magpahinga. Ayokong magmukhang brokenhearted pagpasok ng classroom kahit na alam kong kalat na ang nangyari sa amin ni Chesca.
I need to unwind myself from all of these sh*ts happening to me.
Tumigil ang taxi dahil may mga tumawid na mga estudyante. Nasa tapat pala kami ng isang university. Dito sana ako mag-aaral kaso sa kabilang university naman nag-enrol si Chesca kaya doon rin ako sa school niya para magkasama kami.
Nahagilap naman ng paningin ang isang lalaki na nakatayo sa tapat ng taxi at tila may inaantay habang hawak niya ang kanyang payong. Naka-earphones siya at nakatingin lang sa sidewalk.
Nang humarap siya, bigla namang umandar ulit ang taxi.
Bakit parang pamilyar siya sa akin?
And why do my heart beats so fast?
BINABASA MO ANG
His Favorite Song (Completed)
RomansaTwo strangers in a very unexpected scene: Ely, a seeker of true love, and Paul, the brokenhearted one. What started as a fleeting moment, now becomes a turning point in their lives. Challenged by fate, will their story unfold into a playlist of happ...