Boys Will Be Boys
Dua Lipa
0:48 ───|───── 2:46
|◁ II ▷|
ELY
Saan na kaya yung Claire na yun? Kanina pa ako nag-aantay sa kanya rito sa labas ng school. Sabi niya kasi, may bibilhin lang siyang pagkain sa tabi. Ano ba yung binili niya, grocery?
Bigla namang umandar itong taxi sa harap ko kaya may tumalsik na maduming tubig-ulan. Buti na lang, sinangga ko yung payong agad. "Hoy! Muntik mo na akong madumihan! Balik ka rito!" sigaw ko sa taxi kahit na tumakbo na yun palayo. Walang hiya, balak pang dumihan yung uniform ko.
"Oy, sino ba yang sinisigawan mo? Nawala lang ako saglit, naging barker ka na jan," sabi naman ng babae sa tabi ko. Si Claire, kakarating lang.
"Wow ha, saglit ka lang nawala? Buti nakabalik ka pa. Malapit na tayong ma-late sa afternoon class natin," sabi ko naman sa kanya.
Napansin ko namang may hawak siyang plastic na may hiniwang mangga at toyo. Minsan talaga, hindi ko alam anong trip ng babaeng ito.
"Ang tagal mong nawala para lang sa mangga? Sinong kumain ng mangga tuwing umuulan?"
"Aba, nagc-crave ako no! Matagal na akong hindi nakakain ng mangga jan sa tabi. Masarap kaya. Usto m--"
"Pasok na nga tayo," sabi ko sabay hila sa kanya papasok sa gate. Ayokong ma-late sa klase namin, lalo na't terror ang mga prof rito sa university.
Sabay kaming pumasok sa room at buti na lang, hindi pa nakarating yung prof namin. Pareho kasi kami ni Claire ng program na kinuha. Psychology.
Pagkaupo namin ay tinago ko na ang earphones sa bag at sakto namang nakita ko yung panyo ni Claire na iniwan niya kagabi sa bar.
"Uy, panyo mo. Iniwan mo dun sa bar. Buti na lang may nagsauli," sabi ko sa kanya sabay abot ng panyo.
"Hala, thank you. Wait lang, sino naman yung nagsauli nito?" tanong niya.
"Naalala mo ba yung lalaking lumapit sa akin kagabi? Siya yung nakakita nyan. Ibinigay niya sa akin no'ng nakaalis ka na--"
"Ano name niya?"
Sinasabi ko nga ba. Sana sinabi ko na lang na ako yung nakapulot. Kapag usapang lalaki, lalo na't gwapo, active na active itong babae na 'to.
"Jacob raw."
"Naks, pangalan pa lang, yummy na. Hot ba siya?" tanong niya ulit. Hindi niya siguro naalala na naasiwa ako sa ganitong topic.
"Medy—ewan ko sa'yo, Claire. Ang importante, nasauli yung panyo mo," sabi ko na ikinasimangot niya.
Bago pa man siya makapagsalita ay dumating na ang prof namin. Tahimik naman na nakikinig ang mga ka-block ko lalo na 'tong katabi kong Claire na nakaidlip na pala.
Marahan ko siyang tinapik bago pa siya mahuli ni Prof. Tinulugan pa naman yung Stats, ang subject na pinakaayaw naming dalawa. Habang nakikinig ako, may narinig akong bulungan sa likuran ko na umagaw sa atensyon ko.
"Ang ganda talaga ni Ely no. Akala ko anghel yung pumasok kanina, siya lang pala."
"Oo nga eh. Parang talaga siyang babae eh. I wonder kung paano siya mag-ingay sa kama. Shet, iniisip ko pa lang, natu-turn on na ko—"
"Ballesteros and Velez, go out of my class now!" biglang sigaw ni prof sa dalawa na nasa likuran ko.
Napatawa na lamang sila habang naglakad palabas ng room. Ganyan ka terror si Miss Jen. Konting usap mo lang sa katabi mo, papalabasin na ng room.
Isinawalang-bahala ko na lang ang narinig ko mula sa dalawa at itinuon na lang ang atensyon sa klase.
Pagkatapos ng klase ay sinamahan ko muna si Claire sa locker hall dahil may kukunin lang raw siya. Ako naman, hindi na ako nag-locker this year kasi no'ng freshman pa ako, laging puno ang locker ko ng mga ipinapabigay sa akin: love letters, flowers at chocolate.
Labag man sa kalooban ko pero tinatapon ko na lang ang letters tsaka binibigay kay Claire yung mga flowers at chocolate. Alam ko na nag-effort pa sila para ibigay yun sa akin pero ayoko pa talaga pansinin kahit isa sa kanila.
"Uy okay lang ba 'jan?" tanong niya na nagpabalik sa wisyo ko.
"Okay lang naman."
"Parang ka kasing affected sa narinig mo nila Peter at Nico. Narinig ko rin kasi yun eh--"
"Di, okay lang ako. Let's just pretend na hindi natin sila narinig. Okay?" sabi ko.
Tumango na lang siya bilang sagot. Alam ko kasing ayaw niya rin na pagsalitaan ako ng gano'n ng mga tao. I will choose to appreciate na ina-admire nila ako kaysa pagpantasyahan ako, to the point na iba na ang iniisip nila sa akin.
I put my earphones on and played some songs, while walking down the hall. Nang nakarating na kami sa gate, nagpaalam na kami ni Claire sa isa't isa. Tumigil na rin ang ulan kaya hindi na ako mahihirapan sumakay ng jeep pauwi.
Nakauwi na ako at kasalukuyang nagpapahinga. Sana naman ay hindi na ako yayain pa ni Claire ngayon sa bar. Hindi ko alam pero parang exhausted ako ngayong araw. Siguro dahil lang 'to sa malamig na panahon. Ang sarap matulog buong magdamag eh, pero magluluto pa ako ng hapunan ko.
Bumangon ako sa kama at nadaan ko ang salamin sa drawer ko. Humarap ako rito at tinitigan ang sarili, sabay kapa sa mukha ko.
Nasagi naman ng isip ko yung sinabi ni Peter at Nico.
Minsan talaga, napapaisip ko na sana hindi na ako binigyan pa ni Lord ng ganitong mukha. Siguro, mas mabuting naging pangit na lang kaya ako, nang sa gano'n ay hindi na ako makakarinig pa na pinagpapantasyahan ako ng mga tao.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko na alam anong pinag-iisip ko ngayon. I shouldn't mind what I heard kanina. Dapat ako magfocus sa studies, lalo na't papalapit na ang exams.
Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng katok sa pintuan kaya agad kong binuksan. Bumungad naman sa akin si Aling Rea. Siya yung nanay sa kabilang apartment.
"Hijo, mabuti't nakarating ka na. May menudo akong dala para sa 'yo," sabi niya sabay abot ng isang tupperware.
"Naku, maraming salamat po talaga, Aling Rea."
"Walang anuman, hijo. Sige, balik na ako ha."
"Sige po."
Isa pang nagustuhan ko dito ay may mababait na naninirahan dito, at kasama na dun si Aling Rea. Alam niya kasing ako lang mag-isa rito sa apartment ko at naiintindihan naman niya ang sitwasyon ko, kaya parang trinato niya rin ako na parang kamag-anak.
Nilagay ko naman ang ulam sa mesa. Mukhang hindi ko na pala kailangan magluto pa ng hapunan ko.
BINABASA MO ANG
His Favorite Song (Completed)
RomanceTwo strangers in a very unexpected scene: Ely, a seeker of true love, and Paul, the brokenhearted one. What started as a fleeting moment, now becomes a turning point in their lives. Challenged by fate, will their story unfold into a playlist of happ...