h | one shot

29 1 18
                                    

"They say I'm heartless, but look at me now, I really am."

"She says that she's the child of the moon, she really is. She lights up my darkness, and I'm afraid of darkness. But even she is afraid of it too, she's selfless."

warning:

This story talks about sensitive content like suicide, abusing, and bullying. If you are not comfortable with it, I suggest you to not further read it. Thank you, have a good day.

+

"Amaris! Magluto ka nga! Para naman may ambag ka naman dito sa bahay!" Sigaw niya sa akin.

"Okay," 

"Huwag mo 'kong ma-okay okay! Hindi na tayo mayaman para mag-ingles ka pa diyan! Palibhasa kasi ginagastos nung nanay mong walang kwenta 'yung mga sahod ko para lang dyan sa pag-aaral mong walang kwenta,"


Tumayo na ako papunta sa kusina para magluto sana, nakakasawa na pakinggan 'yung boses niya. Kahit na tatay ko siya, mas pipiliin ko nalang na mag-aral buong araw kaysa pakinggan ang walang saw niyang sermon.

Paulit ulit.


"Sinong nagsabing talikuran mo 'ko habang nagsasalita pa 'ko? Wala ka talagang galang! Wala ka na ring kwentang anak! Puro ka nalang sulat sa mga kwentong walang kwenta, anong klaseng trabaho 'yan?" 

Ito nanaman. Hinarap ko si papa at ngumiti, "Trabahong matino pa, trabahong hindi mo kaya." 


Huminga ako ng malalim.

Tumayo si papa, galit na galit at sinabunutan ako. Okay lang, sanay na ako. Hindi na nga ako magugulat kung sa bawat pananakit na sa akin ay hindi na ako magising pang muli. Mas mabuting ganoon na lang nga ang mangyari.


"Oliver! Tigilan mo nga 'yang anak mo! Sinasaktan mo nanaman!"

"Tigilan? Ni hindi nga 'yan nasasaktan, hindi nga sumisigaw! Dapat lang 'yan saktan, napakawalang kwentang anak." 


Tinigilan na ako ni papa na sabunutan, inayos ko ang buhok ko at dumiretso na sa kusina. Magluluto nalang ako, gusto ko man lagyan ng lason 'yung pagkain kaso wala akong ganoon dito. Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko.

Kung hindi ko lang talaga siya tatay. 


"Oh ano? may dala ka na bang pera? Mas maganda 'yang trabaho mo ngayon na puro business at tungkol pa sa mga make-up. Kaysa naman sa dati mong trabaho na puro sulat ka lang ng mga libro na walang kwenta. 'Yang anak mo nga patigilin mo na sa pagsusulat para naman may pera na maiambag 'yan dito. Sayang ang utak, di magamit,"


Ikaw ang sayang ang utak. 

Bakit ko ititigil ang pagsusulat? May pera akong nakukuha, sadyang di lang niya ramdam dahil hindi niya deserve na mahawakan 'yon. Nung panahong mayaman pa kami, ginagastos niya 'yung mga pera sa mga sugal. Kasiyahan daw niya. 

Heartless | y.Where stories live. Discover now