ALDEN'S POV
"A-anong gagawin mo sa'kin?" Kinakabahang tanong ko kay Patricia habang tinatakpan ko ng kamay ko ang katawan ko. Lumapit siya sa'kin habang nakangisi kaya naman agad akong lumayo sa kanya at dinuro-duro siya "H-hoy! I-ikaw ah! A-anong binabalak mong masama sa'kin?!" Utal na sigaw ko sa kanya
Bakit ba kasi pumayag ako sa kanya na dito niya ako tuturuan sa bahay nila? Edi sana hindi ako kinakabahan sa gagawin niya sa'kin, maganda siya oo, pero mukha siyang walang matinong gagawin sa'kin.
"Bakit ba natatakot ka sa'kin?" Kunot-noong tanong niya pero umiling lang ako "Alam ko na, siguro akala mo may gagawin ako sa'yo noh?" Agad naman akong tumango " Sus, hindi dahil crush kita pagnanasaan na kita. Joke ko lang kanina na may gagawin ako sayo HAHAHAHA" ngumisi siya at nilapit ang mukha sa akin kaya napalunok ako "sa susunod na lang, may balak na ako sa'yo" aniya at kumindat pa kaya napangiwi ako "sa ngayon mag-aral muna tayo, ha? Para sa future natin" tawa-tawang sabi niya at lumayo na
Malakas akong napabuntong-hinga at napapahiyang humarap sa kanya "good, simulan na natin" ani ko at sinundan siya papunta sa study table niya.
Pumunta siya saglet sa bookshelf niya at kumuha ng limang libro pagkatapos ay humarap sa'kin "Iyang limang libro ang kailangan mong aralin at basahin" inabot niya sa'kin ang papel "at diyan ka mag-solve tapos ipakita mo sa'kin kung tapos ka na para i-check ko" aniya kaya tumango ako "hindi mo naman na kailangan ng tulong masyado, matalino ka naman" ngumiti siya at umastang tatayo pero pinigilan ko siya
"Bakit?" Takang tanong niya
Umubo ako "pwedeng pahiram ng G-tech mo? Wala akong dala eh" nahihiyang sabi ko dahil nakalimutan kong dalhin ang akin
Umalis siya saglit para pumunta sa lagayan ng iba't ibang bags niya at kumuha ng hinihiram ko.
"Salamat"
"Sige lang crush, hiramin mo lang 'yan pero pwede mo rin akong hiramin. Ingatan mo yan ha? Isama mo na ren ako, madami akong ganyan, kung gusto mo sa'yo na 'yan eh pero mas masaya pag ako ang ginusto mo at pag ako ang napasayo. Mahal ko 'yang g-tech ko pero mas mahal kita" tawa-tawang sabi niya at lumabas ng kwarto
Napailing na lang ako sa mga sinabi niya. Seryoso ba talaga siya sa sinabi niyang crush niya ako? Eh pang highschool lang ang salitang 'yon eh. Weird.
Sinimulan ko ng basahin at intindihin ang mga nasa libro. Hindi naman ako nahirapan dahil fast learner ako kaya dalawang libro agad ang natapos ko. Sumandal ako sa upuan at pinikit saglit ang mata ko para hindi magkagulo-gulo sa utak ko ang mga binasa ko.
Nag-imagine muna ako na nasa isang beach ako para ma-relax ang utak at katawan ko dahil may nabasa ako na effective ang ganito kaya ganito madalas ang ginagawa ko. Habang nag i-imagine ay bigla kong naimulat ang mata ko dahil may narinig ako na ingay. Napatingin ako sa pinto at iniluwa nito si Patricia habang may hawak-hawak na tray.
Inilapag niya ang mga dala niya at nakita kong may apple pie, vanilla ice cream, nuts, chocolates at buko juice do'n "kain ka muna, mamaya mo na ituloy 'yang binabasa mo" aniya at nilagyan ako ng pagkain sa plate ko "taste it" excited na sabi niya kaya kumagat ako ng apple pie
"Masarap?" Tanong niyaTinignan ko siya at tumango ako "yeah" simpleng sagot ko at tinignan ang pagkain na hawak ko, saan kaya nila ito nabili?
"Ako gumawa niyan" nakangiting aniya hanggang sa hindi na makita ang mata niya kaya gulat ko siyang tinignan
YOU ARE READING
Behind the Broken Glass (ONGOING)
Teen Fiction"Our relationship are like glass. Sometimes, it is better to leave them broken that try to hurt ourselves putting it back together." This is my first story so I hope you guys would like it. Enjoy reading!