Pagkatapos namin mag dinner ni Kyzier ay hinatid niya na ako sa kwarto namin.
"Pasok na ako baby boy,"sabi ko sabay harap sa kanya.
Lumapit siya sa akin at itinukod sa pader ang kamay niya kaya mapasadal din ako. Inipit niya ang buhok ko sa tenga ko at tinititigan ako.
"I want to spend the rest of my life with you baby girl," nakangiti niyang sabi.
Nakatitig lang ako sa kanyang mata na kumikinang at puno ng emahinasyon.
Dahan-dahan namang lumapit ang mukha niya sakin at hinalikan ako sa noo.
"Pumasok kana baby girl habang nagpipigil pa ako," sabi niya sabay bukas ng pinto ng kwarto namin.
Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya, ano kaya ang pinipigilan niya?
Bago ko isara ang pinto ay tumingkayad muna ako at hinalikan siya sa labi.
"Goodnight baby boy, i love you," pagkasabi ko noon ay pumasok ako bigla sa kwarto ay isinira ang pinto. Napasandal agad ako sa pintoan dahil sa kilig na nararamdaman.
"Pilya ka talaga Maxielle," saway ko sa sarili.
Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto pero wala si Breat. Baka kasama pa sina kuya sa baba. Kaya napagpasyan ko na lang na matulog na lang.
~~~~~~~~~~
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nong pumunta kami ng Boracay. Ngayong araw kami magkikita ni Sofia kaya papunta ako ngayon sa restaurant na pinag-usapan nila ni Kyzier. Ang akala kasi ni Sofia ay inutusan lang siya ni Kyzier tungkol sa trabaho pero hindi niya alam na ako ang makikita niya.
Pagpasok ko ng restaurant ay agad ko namnan siyang nakita kaya nilapitan ko siya agad.
"Sofia," tawag pansin ko sa kanya.
"Maxine, anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya.
Umupo muna ako bago magsalita.
"Ako ang makikipagkita sayo,"
"Huh? Bakit?"
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita.
"Sofia, I am Maxielle Monford," nakita ko naman sa reaksyon niya na nagulat siya dahil nanlaki ang mata niya at napanganga pa siya.
"Ano? Ikaw si Maxielle? Paano? Bakit?" Sunod-aunod niyang tanong.
"Yes, its me Maxielle, ang iniwan mo dati at sinaktan mo," natutop niya bigla ang bibig at nagsiunahan na ang mga luha niya. Hindi siya nagsalita kaya pinagpatuloy ko ang gusto kong sabihin.
"Pagkatapos ng pangyayari nayon Sofia, ay nagtanim ako ng galit sayo, pumunta ako ng Maynila at sa limang taon tiniis ko ang pamilya ko na hindi makita para lang bagohin ang sarili ko dahil sayo. Pinilit ko na maging isang tunay na babae, kahit mahirap kinaya ko, para lang makipaghiganti sayo," hindi parin siya nagsasalita at umiiyak lang siya. Ngumiti ako ng mapakla at napaluha na rin dahil naalala ko naman ang mga pinagdaanan ko noon.
"Maghihiganti sana ako sayo pagbalik ko, kaso hindi ko matuloy-tuloy dahil palaging nakaharang si Kyzier. Hanggang sa nakalimutan ko na ang galit ko sayo, at nakaramdam ako ng awa sayo noong nagkwento ka kung ano ang nangyari sayo nong naghiwalay tayo. Pareho tayong nasaktan noon," hinawakan ko ang kamay niya at sinabing,
"Pinapatawad na kita Sofia," nakangiti kong sabi habang lumuluha.
"Max, im sorry, im really sorry," sabi niya na umiiyak at hinawakan din ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
I WAS A BOY ( COMPLETED )
Ficción GeneralBata palang si Maxielle ay kilos lalaki na ito kahit manamit ay ibang iba ito sa mga kaedad niyang babae. Kahit magulang niya ay hindi siya mapapasuot ng bestida . Dahil bunso siyang kapatid at nag-iisang prinsesa ng pamilya ay hinahayaan lang ng mg...