TRENTE

27 3 0
                                    

Tumigil silang lahat malapit sa bangin kung saan nakatayo sila Ryan pero dahil sa kagustuhan ni Serinity na mawala rito at buong lakas niyang itinulak si Ryan kaya napaatras ito at hinayaan si Serinity na makalapit kay Clark bago nagpakawala agad ng tatlong putok ng baril si Ryan para sa dalawa. Naunang tamaan si Serinity sa likuran at mabilis na nakipagpalitan si Clark kaya natamaan din siya sa tagiliran ng dalawang beses. Sabay na natumba ang dalawa sa lupa na mabilis na dinaluhan ng iba.

Bago pa magpaputok ulit si Ryan ay mabilis namang nagpaputok si Autumn na tumama sa bandang puso ni Ryan at napaatras ito kaya nahulog nang tuluyan sa bangin at bumagkas sa batuhan.

Dahil mabilis sa pangyayari, napag-iwan naman sila Hayward at Autumn pati Isaac sa crime scene para mangalap ng mga ebidensyang naiwan roon at ang mga katawan ng mga suspek.

Nasa loob na ngayon ng emergency room ang dalawa. Sumama roon ang mga kaibigan at sumugod naman ang mga pamilya nila. Ang lahat ang umiiyak at nananalanging makaligtas ang dalawa.

"Oh panginoon, iligtas niyo po silang dalawa. Alam po naming maririnig niyo ang panalangin namin ngayon. Lord, ibalik niyo sila sa amin. Parang awa niyo na, gusto pa naming makasama silang dalawa." iyon ang laman ng kanilang panalangin.

Lumipas ang magdamag bago natapos ang operasyon ng dalawa, laking tuwa ng pamilya nila pero nawala din iyon dahil sa masamang balita para sa kalagayan nilang dalawa.

Naging matagumpay na natanggal ang mga bala ng baril sa katawan nila pero parehas silang nasa ICU at walang kasiguraduhang kung kailan na magigising lalo si Serinity dahil may namuong dugo sa ulo niya.

Lumipas na naman ang dalawang buwan, nag-umpisa na ang kaso para sa pamilyang Patterson laban sa pamilya nila Serinity at Clark pati ang mga pamilyang nadamay roon.

At wala pa ding senyales ang dalawa dahil parehas pa ding nakaratay sa ICU. Matinding panalangin ang dinulog ng kanilang pamilya.

*****
"Mon amour,"

Napalingon ako sa lalaking nasa harapan ko.

"Clark!" masayang bati ko at tumalon para mayakap siya.

Tumawa naman siya at niyakap ako sa bewang. Hinalikan ko siya sa labi at humagikhik.

"Ang lakas ng pakulo natin! Matchy-matchy! You're so handsome talaga!" nakangiting komento ko bago bumaba.

Kinurot niya ang magkabilang pisngi ko kaya biglang napasimangot ako.

"Let's take a walk, Serinity."

Tumango ako at humawak sa braso niya habang naglalakad kami sa dalampasigan.

"I want to live here with you, Clark. To our paradise."

"I want to, mon amour."

"Look! May shell doon! Ayon pa oh! Tara magpulot tayo Clark!" at tumakbo ako papalapit doon.

"Para kang bata hahahahaha!"

"Tse!" at umirap ako habang tumatawa lang siya na papalapit sa akin.

"Hey Engineer, let's build a sand castle!" masayang anyaya ko kaso bigla siyang nawala.

"Nasaan na iyon? CLARK! HOY! HUWAG MO AKONG IWAN DITO! HOOOOOY! CLAAAAAARRRRRKK" nakasimangot kong sigaw roon.
*****

Isang araw habang nagbabantay sa loob si Eusebio ay napansin niyang gumalaw ang daliri ni Clark kaya bigla niyang tinawag ang doctor at nurse.

Dalawang linggo ay unti-unting tumutugon si Clark hanggang sa tuluyang gumising na siya. Mabilis siyang tinignan ng mga doctor at nurse habang hirap na hirap siyang lumingon sa katabi niyang kama na hanggang ngayon at walang malay pa din.

Dumaan ang isang buwan ay nalipat na si Clark sa isang private room para mas madali siyang makarecover at matignan ng kanyang doctor. Masaya sila dahil doon pero kay Serinity ay nagpapakatatag silang magising na din ito katulad ni Clark.

*****
"Hmpft! Bakit hindi na siya bumalik? Iniwan na niya akong mag-isa rito! Huhuhuhuhu! Ang boring naman dito tapos wala pa akong makausap huhuhuhuhu ano ba yan!" maktol ko habang nakaupo sa buhanginan.

"Señorita,"

Gulat akong napalingon sa tumawag sa akin.

"YAYA MEDELLE! KYAAHH!" at mabilis kong tinakbo ang distansiya namin para yumakap rito.

"Yaya, anong ginagawa mo dito?" masayang tanong ko.

"Narinig kong wala kang kasama kaya nagpunta ako rito hahaha!"

"Namiss ko po kayo! Ikaw lang po ba?"

"Hindi anak. Kasama ko ang daddy, mommy, Kuya Gelo at ate Asha mo."

"Talaga po? Miss ko na din sila! Nasaan po pala sila?" masiglang tanong ko.

"Tumingin ka sa likuran mo." nakangiting sambit ni Yaya Medelle.

"KYAAHHHH!" masiglang sigaw ko at tumakbo papalapit sa kanila.

"SERINITY! WE MISS YOU!" sabay nilang bati sa akin.

Habang masaya kaming kumakain aa tabing dagat at nagpasalamat din ako sa kanilang pagbisita sa akin hanggang isa-isa silang nawawala sa paningin ko.

"Yaya Medelle, iiwan mo din ako?" nakasimangot kong sambit.

"Matagal na kitang iwanan, Serinity. Oras na din para bumalik ka roon dahil kanila ka pa nila at huwag kang mag-alala sa amin dahil magkikita ulit tayo balang araw."

Muli ko siyang niyakap bago naglakad papalayo sa akin hanggang sa maramdaman ko ang hindi ako makahinga at nilamon ng kadiliman ang paningin ko.
*****

Nagtakbuhan ang mga doctor at nurse patungo sa ICU kung nasaan si Serinity. Nagulat ang lahat dahil doon kaya napasugod din silang lahat roon.

Lumipas ang apat na oras nang lumabas ang isang doctor at seryosong niyaya ang pamilya ni Serinity para sa maganda na gumalaw ang darili nito katulad ni Clark. Pero kailangan muna siyang bantayan at wala silang pinapasok na kahit sino roon.

Dumaan ang dalawang linggo, nang pasugod ulit ng mga doctor roon. Nakita nang lahat na tinanggal na ang life-support na nakakabit sa katawan ni Serinity at nilabas ang katawan niyang natakpan ng puting kumot. Humagulhol at umiiyak na ang iba dahil roon. Wala roon ang pamilya ni Serinity dahil may inaasikasong papeles. Umiiyak na nakayakap si Clark kay Fritz para suporta sa pagtayo niya.

*****
"Kuya bakit sila umiiyak?" pagtatanong ko kay Kuya Eusebio.

Dahil kararating lang namin galing sa rooftop garden habang nakaupo ako sa wheelchair at napadaan kami sa ICU kaya nakita naming umiiyak ang mga kaibigan namin habang idinadaan ang pasyenteng binawian ng buhay.

Kinalabit ko si Autumn para magtanong na nakatalikod sa akin at nasa tabi lang namin ni kuya Eusebio habang nakayakap kay Isaac at Dorothy nakangiti lang sa akin, "Autumn bakit kayo umiiyak? May namatay ba?"

"S-Si S-serinity huhuhuhu p-patay na siya huhuhuhuhu! Wala na iyong b-best friend ko!"

"Huh? Buhay pa kaya ako kaya sinong iniiyakan niyo dyan?" takang tanong ko sa kanya.

"Hindi! Wala na siya! Iniwan na niya kami!" at humarap siya sa akin na gulat na gulat na parang nakakita ng multo.

"SERINITY! YOU ARE ALIVE!"

KISSING MONSTERWhere stories live. Discover now