Napakabilis ng mga araw. 5 days nalang bago ang pasko. Sa mga araw na nagdaan, sobrang saya ko. Lalo pa at mutual kami ng feelings ni Neo. Sa maikling panahong magkakilala namin ay nagkagustuhan agad kami. Sobrang saya lang.
At dahil masaya ako this past few days, walang mintis ang paglilinis ko ng bahay. Kahit pa yung cr na ayaw na ayaw kong nililinisan, halos nagmamaldita na sa sobrang kintab ang dingding at sahig kakalinis ko. Ganyan ako kasaya. Takang taka naman sila mama, kadalasan kasi ay hilata all day ang peg ko. Bakit ba, masaya ako eh.
Nung nagsimula rin ang simbang gabi ay walang araw na hindi kami nagsimba. Nung una nga eh tinatamad ako, eh sabi ni mama may wish daw na tutuparin sayo pag nakumpleto mo yun. So ang lola mo eh todo aya na kela mama sa pagsimbang gabi, gusto ko kasi matupad yung wish ko na mauwi sa love ang pagkakagustuhan namin ni Neo.
Kakauwi lang namin galing simbang gabi, at sila mama trip pang manood ng movie. Pumunta naman ako ng kusina para magtimpla ng milo, trip lang. Habang nagtitimpla ay napairap pa ako ng marinig yung pinapanood nila mama. Tuwing pasko nalang, eh yung pinapanood nila eh pang mahal na araw.
Vilma Santos: "Sana tuwing umiinom ka ng alak, habang hinihithit mo ang sigarilyo mo, habang nilulustay mo yung perang pinapadala ko! Sana naisip mo rin, kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin, para makapagpadala lang ako ng malaking pera dito! Sana, habang nakahiga ka jan sa kutson mo, natutulog, maisip mo rin kung ilan taon ko ring tiniis ang matulog mag-isa! Habang nangungulila ako sa yakap ng mga mahal ko! *sobs* Sana maisip mo kahit konti, kung gaano kasakit sa akin mag-alaga ng mga batang di ko kaano ano! Samantalang kayo, kayo na mga anak ko ni hindi ko man lang kayo maalagaan, alam mo ba kung gaano kasakit yun sa isang ina, alam mo ba kung gaano kasakit yon?! Kung hindi mo ako kayang ituring bilang isang ina, respetuhin mo nalang ako bilang isang tao! Yun lang Carla, yun man lang! *sobs*"
Umupo ako sa katabing sofa sa sala. Halos magswimming na ang mukha ni mama sa luha, panay naman ang punas ng mata ni papa. Kada magpapasko nila pinapanood yan, walang tigil. At halos tuwing pasko rin nagsiswimming ang mukha nila sa luha.
"Yan talaga ang wag nyong gagawin sa amin Sabrina!" tinuro pa ni mama ang screen kung saan nagsasagutan si Vilma Santos at Claudine Barretto.
"Hindi naman kami adik at lasinggera gaya ng character ni Claudine jan." sagot ko pa sa kanila bago umakyat. Itetext ko nalang si Neo, magogood mood pa ako. Nilagay ko pa ang tasa ng milo sa taas ng drawer ko katabi ng kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko, may isang text. Galing kay Neo.
'nagsimba kayo?'
Napangiti pa ako. Agad ko naman syang nireplyan.
'yez p0h. Y ???'
Nagreply naman sya agad.
'sayang di kita nakitaa'
Napangiti pa ako. Gusto nya ako makita. Nagreply ako.
't0m muehehehe cmba kmi ul8 !!!'
Nagreply naman sya agad. Ambilis nya talaga magtext.
'pwede call??"
Di pa man ako nakakareply eh tumatawag na sya. Agad ko naman sinagot.
"Yoww!! Kamusta kaaa?? Miss na kitaaa!!" bati ko pa.
"Oks lang hehe! Nga pala umuwi dito si papa." kwento nya pa sa kabilang linya. Agad naman akong nag-alala.
"Ha? Eh kamusta kayo ni tita?" nag-aalalang tanong ko.
"Okay lang kami. Hindi naman sya lasing nung umuwi eh. Hindi sya magwawala." sabi pa ni Neo na napabuntong hininga.
"Ganun ba? Mag-ingat kayo ni tita jan." nag-aalala pa ring sabi ko.
BINABASA MO ANG
Someday, We Will Be: 1
RomansaDalawa lang yan: Someday, we will be happy, we're together, and we're living our lives to the fullest. O di kaya, Someday, we will be happy for the both of us because we're both already with someone else, and we're living our lives to the fullest.