Mga nakaraan nating dalawa na kapwa kay hapdi
Mga pangyayaring hindi basta malilimi
Sa mga minahal natin na naghatid satin ng ngiti
Ngunit naghatid din sa atin ng sakit na matindiPagkakilalang humantong sa pagkakaibigan
Napuno ng tawanan ang ating samahan
Nagkaroon ng usap at napagkatuwaan
Na maging birong tayo at tayoy maging magkatipanKapwa tayo takot na pumasok sa relasyon
Ngunit sa katuwaan tayong dalawa ay umayon
Ano man ang mangyari at ibigay ng panahon
Mga alaalang sa damdamin ko ay matitiponSinasabi ko sa sarili na ayaw ko talaga
Kahit tinadtad ng tanong ng mga kaibigan nating dalawa
Mga tanong na dinadaan ko na lang sa tawa
Kahit na ba ang loob ko ay talagang may luhaMay kakaiba sa damdamin ko na pilit lumilitaw
Tila natatabunan na ang pagpipigil kong hilaw
Bakit tila may natatanaw akong ilaw?
Na iniiba ang mga plano ko't pananawBatid mong prayoridad ko muna ang aking pag-aaral
At wala sa plano ko muna ang magmahal
Nasabi ko pa ngang wala akong balak magpakasal
Sapagkat takot akong masaktan ulit ng isang minahalHanggang sa tayo ay nagkita at nakakilanlan
Kasama ang ibang kaibigan sa isang munting inuman
Hindi nawala ang inaasahan na tuksuhan
Na naghatid sa akin ng nginig sa katawanBatid ng mga kaibigan natin na ako sayo ay may gusto
Ngunit pagdating sa'yo, sinasabi kong hindi ito totoo
Na ang lahat ng meron sa atin ay isa lang munting biro
At naglalaro lamang ating mga pusoTama ba itong aking ginagawa, magandang binibini?
Ang pagpipigil sa puso ko na tuluyang mahulog sa iyong mga ngiti
Mga pangarap ko na sinasabi ko parati
Na uunahin ko muna bago magpataliMay matalik kang kaibigan na sayo ay talagang malapit
Tumatawa lang ako at ngumingiti ng pilit
Sinasabi sa lahat na wala akong nararamdamang pait
Ngunit sa puso ko ay maraming sugat na gumuhitMas lamang ako sa kanya ng limampung beses di hamak
At mas kaya kitang protektahan kung sakaling mapahamak
Ngunit puso ko'y ayaw ko munang ihatag, oh aking bulaklak
Kahit na ba tila ito tinataga ng sangkaterbang itakDarating ang panahon na magiging handa na ako
Ang nakaraan ko ay tuluyang malulumpo
Sana sa oras na iyon ay manatili akong mahal mo
At ikaw ang aabangang tala na tatanggap ng apelyido ko.●●●◎●●●
© January 2015
J.Bree
