"Best, mag-absent kaya tayo. Magmall na lang tayo. Wag na tayong tumuloy ngayon," suhestyon ni Yana sa akin habang ako naman ay naghahanda para pumasok mamaya.I eyed Yana curiously, she barely suggest things like this dahil maganda rin ang record ng mga grades nito pero hindi ko rin sya masisisi at baka nababagot lang ito kaya nag-ayang 'wag pumasok.
"Yana naman, nakaayos na'ko eh," tamad kong sabi dito.
"So what? Hindi naman tayo nakauniform dahil wala tayo nun. Sige na kasi. Gala na lang tayo."
"Ayoko, tinatamad ako, Yana. Bakit kasi sa lahat ng oras, heto pang may pasok tayo at saka ka magyayaya na magmall," balik kong sabi kay Yana.
"Sus! Gusto mo lang makita si Ava eh, sige ka ikaw rin, bahala ka!" medyo inis na sabi nito na tinanguan ko lamang.
"Best, 'di na ba talaga magbabago isip mo? We can go out and i'll treat you on your favorite resto or we can watch a movie or buy some clothes. Sagot ko lahat best. Please, Vienne, let's go out, sama na rin natin si Harvie," pagpupumilit ni Yana. What is it this time na halos pagtulakan nya ako sa mall at manlilibre pa at higit sa lahat ay mandadamay pa.
"Yana, first of all, I can buy all those things you've mentioned, secondㅡ magdadamay ka pa sa pangba-bad influnce mo, nananahimik si Harvie tapos idadamay mo. Bakit hindi na lang by weekends kasi?" iritado kong sabi rito.
"Best, alam ko naman kaya mo bumili ng kahit ano and hindi ako B.I no, sa ganda kong to? B.I? Wow lang ha. I just want to chill you know," pagpapaliwanag nito na nang-aalinlangan pero hindi ko na ito pinansin at wala naman itong nagawa kundi ang sundan ako at sumakay ng kotse para pumasok sa NCU.
***
Nakarating kami sa university na nakasimangot si Yana na akala mo ay batang hindi napagbigyan sa candy na gusto nito. Hindi ko kasi magets ang trip nito ngayon na kung kailan may pasok kami ay saka naman ito gustong gumala. This is not like her."Hey," bati ni Harvie sa amin ni Yana nang salubungin nya kami. Harvie just looked at Yana seriously at halos nanahimik rin ito.
"Baka daw may meetings, gusto nyong lumabas at gumala?" muling sabi ni Harvie. Okay bakit pati sya ay nagyayayang lumabas at anong meron ba sa labas? May parada ba ng mga bored?
"Baka, so you mean not sure? Wag na lang, Harvie, kasi baka may pasok rin talaga," mariing kong rin sabi rito at hindi naman ito nakapalag pa at sinundan lang ako sa paglalakad.
The day just went well mula sa unang subject ko hanggang sa dulo. Mabuti na lang talaga at hindi ako nagpaanod sa pangbi-B.I nila Yana. This is such a wonderful day kaya, pwera nga lang sa isang subject na classmate ko pa rin si Ava pero hindi sya pumasok dahil ipinatawag sya ng department head nila, I know Ava. Busy sya madalas at aktibo rin ito sa mga events and organizations ng school at department nila. Kung may masasabi akong kulang sa magandang araw na ito ay walang iba kundi ang makita si Ava ngayon.
BINABASA MO ANG
What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)
General FictionVienne Krea Heatherson is a half Filipino - half British girl who decided to live in the Philippines by her own, but little did she know that her life will literally change as soon as she wakes up on a guy's body. The worst part? Why did it happen...