"LET' S break up. I'm sorry."
Ito ang mga huling salita ni Jane kay DJ ng makipaghiwalay ito sa kanya.
First year anniversary nila ng makipag-break ito sa kanya. lubos pa naman ang paghahanda niya para sa pagdiriwang nila ng kanilang unang taon bilang magkasintahan. Sa Enchanted Kingdom niya napiling ipagdiwang ang dapat sana'y importanteng araw nila. Ngunit ang masama'y doon pa inamin ni Jane na may iba na siyang mahal, bestfriend pa ni DJ, si Jerome.
Wala ng nagawa si DJ. Noon pa ma'y ramdam na niyang may gusto ito sa bestfriend niya. Feeling niya nga'y sinagot lang siya nito upang lalong mapalapit kay Jerome. Hindi nga siya nagkamali. Inamin nitong noong una pa man ay ito na ang napupusuan niya. Masakit man ay hinayaan niya na lamang ito. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang naramdaman niya na malayo sa personalidad niya bilang isang bad boy. Aminado naman kasi siyang iba si Jane sa lahat ng mga naging girlfriend niya. Nabago siya nito. Ngunit ngayon, 'di niya na alam kung papaano pa makakabangon.
"Ang sakit.", yun na lamang ang nasabi niya sa sarili.
"WAIT lang!", sigaw ni Kath habang hinahabol ang mga kaibigan.
Mabilis na tumatakbo si Kath para habulin ang mga kaibigan niyang sina Aria, EJ, at Kiray. Excited kasi ang mga itong muling makasakay sa Space Shuttle na trip na trip nilang magkakabarkada. Matagal-tagal na rin kasi silang di nakapunta dito. At ngayon, last destination nila ang EK sa kanilang Fieldtrip kaya naman excited na excited sila. Bumabalik kasi sila sa pagkabata pag narito.
Sa sobrang pagmamadali ay nabunggo ni Kath ang isang lalaki nang hindi niya namamalayan.
"Ay, sorry po.", ang nasabi niya na lang biglang talikod saka muling tumakbo.
Muling bumalik sa kanyang sarili si dj nang mabunggo siya ng isang babae. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang nahulog ng babae ang ID nito. Dali-dali niya itong pinulot. KATHRYN BERNARDINO, ang pangalan ng babaeng naka-ngiti sa larawan. Hindi niya namamalayang unti-unti siyang napapangiti. Hindi niya alam kung bakit.
Sinubukan niyang hanapin ang babae sa larawan at ibalik ang Id nito ngunit hindi niya na ito makita. Iaabot niya na sana ito sa isang estudyanteng kapareho ng uniform ng babae sa pagbabakasakaling schoolmate niya ito. Ngunit parang may bumabagabag sa kanyang ibalik pa ang ID. Parang gusto na lamang niyang itago ito.
"Ah.. wala. Pasensya na.", aniya sa maliit na babaeng kinalabit niya upang itanong sana kung kasama nito ang may-ari ng ID saka tumalikod at dali-daling umalis.
Kinikilig na lumapit si Kiray sa mga kasamahan nito.
"O.. M.. G. ", ang tanging nasabi nito saka tumili.
"Huy ano ka ba. Nakakahiya ka. Ano ba yun?", ani Aria sa kaibigan.
"Ang Cute teh nung lalaking kumalabit sa 'kin.! Ang cute talaga, promise!" 'Di na ito natigilan sa kakakwent tungkol sa lalake at pinipilit ang mga kasamahan na hanapin ito.
"Kahit nawawala na yung Id ni Kath uunahin talaga natin yung paghahanap sa lalaking yon?! "Yung totoo teh. ", sabi ni EJ na beki nilang kaibigan.
"Tsaka ang dilim na kaya.", dagdag pa nito.
"Ganyan naman kayo eh. Basta lovelife ko wapakels. Pero 'pag anything for Kath GO LANG NG GO! Kaloka.", pabirong pagtatampo ni Kiray.
"Lovelife agad? Ni hindi mo nga nakilala 'yong lalaking 'yun. Unahin muna natin yung ID ko. Pleeeeease.", pagmamakaawa ni Kath.
"Pwede namang.. Sige na nga!! 'Lina kayo.", bawi ni Kiray. "'Pag tayo lang naiwan ng bus ha. Walang sisihan."
"'Di yaaan..", sabay-sabay nilang tugon saka hinila ang kasama.
"'Di ko na tuloy na-enjoy.',hirit pa nito.
Habang sinusubukan nilang hanapin ang ID ni Kath ay may napulot itong picture. Maayos naman ito. Mukhang nalaglag lang. Pero tila merong kakaiba sa picture na 'yon at ayaw na itong bitawan ni Kath.
"Uy Kath! Ano? 'Yung totoo? Model-modelan lang tayo dito? Ano ba 'yan?", ani Kiray ng makita nito ang kaibigan na naka-tunganga.
"Ah.. wala. Wala naman.", sagot ni Kath na dali-daling tinago ang larawan sa bulsa.
"Tara na!",biglang bawi nito.
"Hay naku. Para lang tayong mga shunga dito. Fieldtrip tapos ang bet naten maghanap ng ID? Ano 'to?? Adventure time?! Enjoyin na lang natin 'to. Sayang bayad. Pwede naman kasing magpagawa na lang ulit dobo?!,sunud-sund na hirit ni Kiray.
"Oo nga teh. Nadama ko rin 'yon. Rides na lang tayo.",dagdag pa ni EJ.
"Oh siya sige. Sorry guys sa pang-eepal ko ha.",Kath.
"Ano pa nga ba?".Aria.
