"You cannot go out. You will all die." 'Yon ang nakalagay sa pader. It was written in blood, alam ko 'yon. Marami na akong nakitang dugo kaya totoo 'yon at di dapat ginagawang biro.
Lahat kami ay nagulat dahil sa nakita. Ang mga lalaki ay lumapit doon para kumpirmahin kung dugo ba talaga ang ginamit pansulat doon.
"Sino naman ang may gawa nito? Ang tanda niyo na pero hilig niyo pa rin mag-prank. Kainis." Nana exclaimed. Maarte niyang hinawi ang kanyang buhok and she even rolled her eyes.
Lumapit ako sa pinto para sana buksan 'yon kaso nalock! Nanlamig ako dahil sa takot. Kahit naman may kakayahan ako, hindi ko pa rin maiwasan na mangamba o matakot dahil sa nangyayari.
"Tulungan niyo nga ako dito. Buksan natin ang pinto." Lumapit sila saakin at itinulak ang pinto pero hindi pa rin gumagana. Ayaw talagang mabuksan ang pinto.
This is an event hall, maliit lang ito pero ayaw ko pa ring makulong sa lugar na 'to.
"Hindi ito nakakatawa! Jerome, ano ba? Buksan niyo 'tong pinto and please stop this!" Sigaw ni Nana habang tinitingnan si Jerome.
Tumayo si Jerome at itinuro ang sarili, "Tingin niyo ba ay kaya kong ibuhos ang oras ko para lang sa prank na 'to? I will never waste my time! Marami akong ginagawa at naaksidente pa ako. Paano ko gagawin 'yon?"
"Huwag mo nga kaming gawing uto-uto. Alam kong gawain mo 'to! Stop acting innocent! Hindi bagay sayo!" Naiinis rin na sigaw ni Yanzee. Ngumiwi ako nang itinapon niya ang mamahaling bag niya kay Jerome.
"Stop it, Yanzee! Hindi pa natin alam kung si Jerome nga ang may gawa no'n! Hindi ka nakakatulong!" Sigaw naman ni Klare.
Kinuha ko kaagad ang cellphone ko na nasa bulsa kahit wala naman akong kilalang pulis o kahit na sino na pwedeng macontact. Wala rin kasing number si Mami dito kasi wala siyang cellphone. Kinakabahan na ako at natatakot na rin.
"Wala ka bang kinalaman dito, Yanzee?" Tanong ni Nana.
Kumunot ang noo ni Yanzee at tinaliman ng tingin si Nana na para bang sinasabi nito na huwag siyang sisihin.
"Ano na namang mapapala ko kapag ginawa ko sa inyo 'to? Huwag niyo nga akong tanungin! Tanungin niyo si Veronica dahil baka siya ang may gawa nito!" Mariin pa niya akong tinitigan.
Kahit naman marami silang nagawang masama saakin ay hindi ko kayang gawin 'to. Ayaw ko rin namang makasama sila kaya bakit ko ikukulong sila na kasama ako?
"Pwede ba? Kung gusto niyong makalabas dito, manahimik na lang kayo." Nabigla kaming lahat dahil bigla na lang nagsalita si Brandon. Akala kasi namin ay lumipad naman ang utak niya palayo.
"Itulak natin ang pinto. Makakalabas din tayo at huwag niyo namang gawing big deal 'to." Sabi rin niya.
Tumango ako at tiningnan sila. Ang iba sa kanila ay nag-aalinlangan pero ang iba naman ay tumayo para itulak na ang pinto. Tumayo na rin ako para itulak din ang pinto kaya sumama rin si Klare sa pagtulak.
"Makakalabas rin naman tayo. Hindi naman tayo mamamatay. Hindi totoo 'yang nakalagay dyan! Huwag nga kayong maniwala." Jerome seriously said.
BINABASA MO ANG
She Who Can See Death
Mystery / ThrillerOne incident made Veronica Fernandez have the ability to see death. Because of that, they transferred to another place so that they can start another life. Veronica thought that she already moved on from the incident that changed her life until she...