Chapter 8

132 9 0
                                    



Personal (feat. Maggie Lindermann)
The Vamps
0:39 ──|────── 3:13
|◁          II          ▷|



ELY



Nasa isang table ako ngayon sa cafeteria kasama ang isang babaeng kanina pa lamon ng lamon sa harap ko. "Alam mo, wala talagang mai-in love sa'yo kung ganyan ka makalamon sa pagkain natin. Baka tawagin ka pa nilang Godzilla-- aray!" sabi ko ngunit tinusok niya sa akin yung plastic na tinidor sa braso ko.

"Anong Godzilla na pinagsasabi mo 'jan? Ako kaya ang Goddess of Food," sabi niya saka dumukot sa chichirya ko.

"Wow, nahiya naman si Edesia, the Roman Goddess of Food, sa'yo."

Habang kumakain kami, may dumaan naman sa tapat namin ang isang grupo ng mga lalaki. Sila pala yung varsity ng university.

Dumako naman ang tingin ng isa sa kanila sa area namin ni Claire at bigla na lang kumindat. Lumingon naman ako sa paligid at nakita ko kung paano kiligin yung mga babae.

Nang lumagpas sila sa table namin, saka naman parang kinuryente yung kasama ko sa kilig. "Bes, ang gugwapo talaga nila no?" sabi niya.

"Gwapo nga. Kaya nga nagsipagtilian kayong lahat, 'di ba?" sabi ko at umirap.

"Ano ba 'yan, bes?! Hindi mo ba nakita? Parang bet ka yata ni Luke!" sabi niya and she's referring to that guy na kumindat na lang bigla.

"Anong pinagsasabi mo 'jan? Eh ikaw nga 'tong bet na bet sa kanya--"

"Tss, ewan ko sa'yo. Basta bet ka niya," sabi niya at humigop sa juice niya.

I just ignored what she said. Wala akong panahon para sa kalandian. Mid-term exams is fast approaching, kaya I shouldn't lose focus on my studies.

"Alam mo bes, nag-aalala ako sa'yo. Baka maging matandang-binata ka niyan in the future," sabi pa niya.

"Edi wow," tanging tugon ko na lang sabay kain ng chichirya ko.

"By the way, punta ulit ako sa bar bukas ng gabi. Sama ka?" aya niya. Hays, naisip pa talagang mag-bar kung kailan kailangan na naming mag-aral.

"Ayoko. Mag-aaral muna ako, Claire. Ikaw rin, sa kaka-bar mo, baka ikakabagsak mo 'yan," sabi ko naman.

"Psh. Edi wag, may bandang tutugtog pa naman bukas. Balita ko, mga gwapo yung nasa banda at galing kabilang university..."

Marami pa siyang sinabi ngunit nagpasok-labas lang sa mga tenga ko. Kailan kaya tatanda 'tong babae na 'to? Siguro hihiwalayin siya agad ng magiging jowa niya sa kakahanap ng mga gwapo.

Pagkatapos ng klase ay pinauna ko na si Claire na umuwi. Kailangan ko munang clear yung record ko sa PDSA office. Late kasi ako no'ng nakaraan araw dahil sa kakaaya ni Claire sa bar tuwing gabi.

Ang unfair. Ako lang yung nabigyan ng slip, samantalang yung babae na yun, nakalagpas sa gate kahit late. Psh.

Pumunta ako sa Faculty building at dumiretso sa Prefect of Discipline office. Sana naman good mood ngayon si Sir Emman. Terror pa naman no'n.

Kumatok ako sa pinto bago pumasok. Nadatnan ko naman si Sir na abala sa pagpirma ng mga late slips. "Good afternoon po, sir."

"Good afternoon," he said plainly.

"Uhm, ic-clear ko po sana yung name ko sa record--"

"Name?" tanong niya.

"Elmo Sanchez po."

Bigla na lang siya nagcheck sa computer niya at parang nagtitype. Naghahanap siguro ng area na pwedeng lilinisin ko.

"College of Engineering. Room 4-A," sabi niya saka bumalik sa pagpipirma.

"Ah okay sir. I'll be back later po," sabi ko bago lumabas ng office.

Pumunta agad ako sa building ng College of Engineering. Sa fourth floor pa naman ang room na naassigned sa akin. Sana hindi ako himatayin pagdating ko doon.

At sa pagdating ko nga doon, hinihingal ako ng todo-todo. Nasanay kasi akong umaakyat lang hanggang sa second floor dun sa building namin. May elevator naman kaso sira naman. Tsaka haunted rin daw yung elevator. Ako pa naman mag-isa dito.

May nakasalubong naman akong mga estudyante ngunit konti na lang sila at papauwi na rin. I headed to the west wing, where the room assigned to me is located.

Pagdating ko doon ay wala nang tao pero, ang gulo-gulo ng room. Kaya, pumasok na ako sa room at kumuha ng walis at dustpan sa cabinet.

"Hey, Miss--"

"Mommy!" hiyaw ko bigla nang may tumapik sa balikat ko.

"Woah, chill. Hindi ako multo," boses ng isang lalaki at napalingon ako kung sino. He's the varsity guy, Luke.

"May I know why you're here, Miss?" tanong niya na nagpainis lang sa akin. Tinawag pa talaga akong Miss.

Inayos ko muna ang salamin ko na medyo natabingi dahil sa gulat ko kanina. I cleared my throat before speaking. "I'm here dahil dito ako in-assign ni Sir Emman," I said.

"Oh I see. If that's the case, Miss, I can help para madali kang matapos," sabi niya.

I'm acting manly, pero hanggang ngayon he keeps saying Miss. Isa pang Miss, lintek ito sa akin.

"Thank you, but I can handle myself," sabi ko bago maglinis ulit ngunit nawala ang atensyon ko nang may humiyaw sa labas ng room. I saw a group of guys na nakadungaw sa pintuan.

All this time, they've been watching us.

"Dude, no girl has ever rejected any of your help except for her. She's tough, and I like her," sabi ng isa sa kanila.

"Shut up! Let's just help her anyways. Tutal andito na naman tayo," sabi ni Luke sa kanila.

I never thought these "pa-handsome" and "pa-cool" guys would actually help me clean up the room. Siguro ganito lang sila ka-gentlemen because they are thinking I'm a girl, which in fact I'm really not.

Madali lang natapos ang paglilinis ko dahil sa tulong nila. Hindi man lang ako pinawis pero itong mga tumulong sa akin ay parang nakaligo ata. Sa bagay, mukhang hindi sanay maglinis eh.

"Thanks for your help, guys. I'm gonna head to the office no--" I said but Luke interrupted me.

"Uhm, before you leave, may I know your name?" he said while trying to use his "charm" on me.

"Elmo, as in Mister Elmo Sanchez," sabi ko.

Their jaws suddenly dropped dramatically after knowing the truth. Parang hindi sila makapaniwala na lalaki ako. I mean, lalaki naman talaga ako.

"Y-you mean you're a g-guy?" Luke stuttered.

"Of course, I am. Please excuse me," sabi ko at tuluyan nang lumabas ng room. Baka ano pang mangyari sa akin dun kapag tumagal pa ako. Tsaka isa pa, yung room naman yung pakay ko, hindi sila.

Pumasok ako ulit ako sa PoD office at naabutan ko pa si Sir Emman. I handed my slip to him and pinirmahan na niya.

"I'll erase your name from the list afterwards. You may go now," sabi niya saka ako lumabas at umuwi agad.

Wew, tapos na rin ang kalbaryo ko. Sa susunod talaga, hindi na ako sasama pa kay Claire sa bar.

His Favorite Song (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon