ATHENA
"So, how was it?" bungad sakin ni Luca pagkaupo na pagkaupo ko palang sa sofa. Naglalaro siya ngayon ng dart.
"How was what?" pagmamaangmaangan ko pa kahit alam ko naman na tungkol kay Samantha ang sinasabi niya, ang saya niya kasi asarin.
"You know what I'm talking about." seryoso niyang sabi dahilan para matawa ako.
"Ah kay Samantha?"
"Yeah."
"Her eyeball tasted good." pangaasar ko pa dito dahilan para gulat niya akong tingnan. Natawa nanaman ulit ako. Kinuha iyong plastic at inilabas yung isa pang mata. "Want some?"
"N-no thanks" nandidiri niyang sabi at umiwas ng tingin. Nagpatuloy na rin siya sa pagdadart. Tumayo na din ako at nilagay sa ref iyong mata at naghanap ng makakain. "You seemed to be in a good mood today, successful ba?"
Nilingon ko naman siya at ngumisi. "I wouldn't be here today if it wasn't"
"Let me borrow this first" bulong ko dito sa nakahigang nurse pagkatapos ko siyang pukpukin sa ulo. Mabilis ko naman siyang hinubaran at sinuot iyong uniform niya.
Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko iyong martilyo na ginamit ko pangpukpok doon sa babae at itinago iyon sa bulsa ng suot kong shorts pangilalim. Lumabas na ako dito sa cr at nagsimulang maglakad papuntang control room.
"Para saan ho yan, kuya?" tanong ko dito sa manong na kasabay ko sa paglalakad. Hindi siya nurse dahil naiiba ang uniform niya, batid kong pangjanitor iyon. May dala din siyang tray na may lagay na sandwich at isang can ng softdrink.
"Idadala ko po sana doon sa guard sa taas." sagot nito.
"Sa control room ba?"
"Opo."
"Ako nalang po ang magdadala. Papunta rin naman ako doon."
"SIgurado po kayo, ma'am?"
"Yeah. Amina." nagaalinlangan may ay ibinigay nalang niya sakin iyong tray at nagpasalamat. May gagawin pa daw kasi siya kaya malaking tulong daw iyon.
'Kung wala naman talaga akong gagawin sa control room eh hindi din naman kita tutulungan. Giitan kita ng leeg dyan eh' gustuhin ko mang sabihin iyon sakanya ay hindi pwede dahil masisira ang plano ko kaya sa halip na sumagot ay nginitian ko nalang siya at nagtungo sa control room.
Kumatok muna ako bago pumasok at inilapag iyong tray doon sa table noong guard na nagcocontrol dito. Hindi naman niya ako nilingon dahil abala siya at sa halip ay kinuha na lamang iyong soda can at uminom.
Pasimple naman akong pumwesto sa likod niya at kinuha iyong martilyo sa bulsa. Bumwelo muna ako bago ipupok iyon sakanya. Syempre dapat perpekto ang pagkakagawa ko. Nakatulog na din ito at umagos ang dugo sa ulo niya.
Dahil sa uhaw ay idinutdot ko iyong daliri ko sa dugo at sinipsip iyon. Gustuhin ko mang tumagal at magpakasarap ay hindi pwede dahil kailangan ko pang patayin si Samantha.
Pagkatapos kong patayin iyong guard sa control room ay nalaman kong may bisita si Samantha. At kung sweswertehin nga naman ay si Namichiko pa iyon.
Matagal bago napapayag ko sila na ako nalang ang magbabantay kay Samantha. Dinahilan ko nalang na matalik kong kaibigan si Namichiko at ayokong masaktan siya ng isang baliw. Bobo din sila kasi pinaniwalaan nila ako.
Pagkapasok ko sa room 108 ay bumungad sakin si Samantha na nakaupo at nakadena sa isang upuan. Binaba ko naman ang mask ko at lumapit sakanya. Sinara ko din yung pinto. Bakas sa mukha niya ang galit at takot.
"A-anong ginagawa mo d-dito?" bakas sa tinig niya ang takot.
Napangisi ako. "I'm here to kill you." sabi ko at kinuha iyong martilyo at dinilaan iyong dugo na natira doon. Kinuha ko naman iyong pocket knife at pumunta sa likod niya. Itinutok ko iyong pocket knife sa leeg niya ngunit naglikot siya dahilan para masugatan ko siya sa may bandang noo.
May narinig naman akong yabag kaya inayos ko iyong mask at itinago iyong martilyo at pocket knife. Lumayo na din ako kay Samantha. Bumukas din yong pinto at bumungad samin si Namichiko. Napangiti ako ng pasikreto.
Saglit lang silang nagusap dahil masyado na akong naeexpose kaya naman pinigilan ko sila. Pagkaalis na pagkaalis ni Namichiko ay hindi na ako nagaksaya pa ng oras at inatake na si Samantha.
Hinubad ko iyong heels at itinusok iyong dulo noon sa mata ni Samantha. Sumirit ang dugo mula dito dahilan para mapangiti ako. Tumulo din ang mga luha niya at bahagya pang sumipa sipa.
"Buhay ka pa ah" sabi ko sabay diin pa noong heels sa mata niya. Tumigil nadin ang pagsipa niya, senyales na patay na siya. Inalis ko iyong heels at tinapon. Inalis ko naman iyong kadena sakanya at inihiga siya sa lamesa.
Hinubadan ko siya at gamit ang pocket knife ay binuksan ko iyong katawan niya mula dibdib hanggang puson. Napangisi ako ng makita kung gaano kaganda ang laman niya.
"Game over, Samantha." sabi ko at kinalat ang kaniyang laman loob dito sa kwarto bilang disenyo.
BINABASA MO ANG
Play (UNDER MAJOR EDITING)
Mystery / ThrillerMystery-thriller. "Say, pal, don't you wanna play?"