Chapter 10

140 10 0
                                    



Nice to Meet Ya
Niall Horan
1:00 ───|───── 2:38
|◁          II          ▷|



ELY



Nasa isang jeep na ako pauwi galing sa university. As usual, naka-earphones ako. Medyo wala ako sa mood dahil sa tambak na requirements na kailangan ipasa this week, kaya nagpatugtog na lang ako para pakalma 'tong sarili ko. Ayaw ko pang mataranta, ayaw ko pa. 'Pag nataranta ako, magbbreakdown talaga ulit ako.

Nang malapit na ako sa amin ay inabot ko na ang bayad ko saka pumara. Pagkababa ko, may nakita akong lalaki na parang 'di mapakali sa labas ng sasakyan niya.

Medyo madilim pa naman dito sa amin kaya minabuti kong lapitan siya, lalo na't di siya pamilyar sa akin dito sa lugar.

Tinanggal ko muna yung earphones ko saka nagsalita. "Uhm, excuse me, may maitutulong po ba ako?" tanong ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin. He looks older than me, might be a college senior base sa itsura niya, but he doesn't wear any uniform kaya I'm not sure kung student nga siya.

At base sa suot niya, mukha siyang alagad ni Cardo Dalisay. Lakas maka leather jacket, and he reminds me of someone I met somewhere.

"Bigla na lang kase huminto yung kotse ko. Mukhang nasiraan yata 'to. May malapit bang repair shop dito?" sabi niya.

"Ah, ando'n po sa kabilang kanto. Sa pagkakaalam ko, may repair shop do'n," sabi ko naman.

"Pwede mo ba akong samahan?" tanong niya.

Tinignan ko siya nang maigi. Siguro naman, wala siyang binabalak na masama. Hindi naman siya mukhang holdaper or kidnaper. Mukha nga lang spy ng kung anong secret society. Nagdadalawang-isip tuloy ako.

"Why are you staring at me like that?" tanong niya.

Pagkatapos ko siyang usisahin, nagpasya akong samahan na lang siya. Kawawa naman, baka may mangyari pa sa kanya dito. Baka ako pa sisihin 'pag nawala ang isang 'to dito.

"Wala lang. Sige, sasamahan kita," sabi ko.

Sinamahan ko nga siyang maglakad patungo sa isang auto repair shop sa kabilang kanto. Marami pa naman mga asong gala rito, pero buti na lang kilala na nila ako. Ewan ko na lang sa kasama ko.

"Hindi mo man lang sinabi na marami palang aso rito!" sabi niya habang nilalagpasan namin ang mga aso sa kalye.

Bigla naman kaming nagulat nang biglang tumahol ang isang aso sa isang bahay. Kaya ayun nagsipagtahulan na rin ang ibang mga aso.

"Huhu, get me out of here please!" pagmamakaawa ng kasama ko.

Sa totoo lang, nakakatawa ang reaksyon niya at panay hawak niya sa braso ko. Parang siyang takot na bata na naiwan ng nanay.

"Wag ka ngang matakot jan. 'Pag nakita ka pa nilang takot, hahabulin ka nila nyan," sabi ko sa kanya.

"Sinong takot? D-di ako takot, no?!" sabi pa niya pero halata naman na takot talaga siya. Nanginginig na nga yung mga kamay niya sa braso ko. Ang lamig pa.

Nakalagpas naman kami ng walang anumang kagat ng aso at nakarating sa auto repair shop. Buti na lang, bitawan na ako ng isang 'to. Namamanhid yata ang braso ko dahil sa higpit ng kapit niya sa akin.

Pagkatapos niyang kausapin ang isang mekaniko ay nilapitan niya ulit ako.

"Uhm, salamat nga pala dahil sinamahan mo 'ko. By the way, I'm Nathan," sabi niya sabay lahad ng kamay.

"Ely," sabi ko naman at nakipagkamay sa kanya.

"Would you mind if I'll invite you for a dinner? Bilang pasasalamat ko sa'yo--"

"No, thanks. Kung makaaya ka naman, parang namang babae ako," sabi ko pa.

Bigla naman siyang lumapit sa akin at nilapit ang mukha sa akin. Nagtaka kaagad ako sa ginagawa niya. Akala ko hahalikan niya ko pero yun pala bubulong lang.

"Eh kung ikaw na lang kaya kainin ko."

Dahil sa sinabi niya, nanindig yung balahibo ko. Parang naging barado bigla ang lalamunan ko. Shuta, mukhang totoo nga siguro yung mga sabi-sabi dito na may mga aswang na umaaligid dito sa amin—

"Hey, parang kang nakakita ng multo jan. I'm just kidding," he giggled.

I just faked a laugh. "Hehe, sige mauna na ako," sabi ko at hindi ko na siya hinintay pang magsalita para tumakbo na pauwi.

He's bit weird, but weird enough to be a stranger. I may be rude sa paningin niya pero I really don't have time to entertain people, lalo na't mas busy na ang school life ko. Ganyan na ganyan rin mga galawan ng mga nag-aya sa akin.

Nakabalik na ako sa apartment at ibinaksak ang sarili sa kama. Ganyan ako kapagod ngayon, pero nagsisimula pa lang ang lahat.

Gusto ko nang matulog pero marami pa akong gagawin ngayong gabi. Homework, reports ko, projects, at streaming party.

HALA, YUNG STREAMING PARTY.

Napasapo na lang ako ng makitang 8pm na pala sa orasan. 6pm kase yung online streaming party ng fan group namin. Hays, next time na lang. Sayang naman oh. Mag-sstream na lang ako ng mag-isa tonight.

Hindi ko na alam anong gagawin ko. Huhu, help me. Siguro isang night bath ko lang, maf-freshen up ko na yung sarili ko. Yes, kailangan ko ng night bath.

Sa kagitnaan ng pagliligo ko, may nagdoorbell. Kaya naman, minadali ko nang tapusin ang pagligo ko. Of course, nagbihis muna ako. Ayokong abutan ako ng bisita na nakatapis lang. Nakakahiya.

Chineck ko muna ang hininga ko bago buksan ang pinto. Mabango naman kaya binuksan ko na talaga.

Wala akong naabutan na tao sa labas pero may paper bag sa sahig. Tinignan ko at may laman itong meal.

Nagtaka ako kung sino ang nagpadala nito. Tahimik na rin yung apartment nila Aling Rea. Baka mamaya may lason 'to. Buti na lang, may nahanap akong note sa paper bag.

thank u Ely. : )
- Nathan


Huli na nang narinig akong sasakyan na umandar paalis sa gate. Paano siya nakapasok rito? At paano niya nalaman yung room ko?

Dinala ko na lang sa loob ang paper bag at sinara ang pinto. Inamoy ko yung meal at amoy pa lang, masarap na.

Nagdasal muna ako, baka kase bukas di na ako magising dahil may lason pala 'to. Mahirap na.

Naubos kong kainin yung meal. Masarap naman, at walang kadudang-dudang lasa. Buhay pa naman ako. Dahil dito, 'di ko na kailangan bumili pa ng hapunan ko kaya nakatipid na naman ako this week.

Sana nakauwi nang maayos yung Nathan na yun. Sobrang bait pala no'n. Sana gano'n na lang lahat ng mga lalaki no? Hindi lang papogi ang alam.

Psh, ano ba 'tong pinagsasabi ko? Hello, may aasikasuhin ka pa, Ely.

His Favorite Song (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon