CHAPTER 53: SEEING YOU

496 18 0
                                    

DIAMOND ♢ 53: SEEING YOU

LOVELYN POV(POINT OF VIEW)

TUMALIKOD ako sa kanya at lumabas ng Restaurant. Kaya niya ba akong niyaya mag dinner dahil manliligaw siya sa akin?

"Lovelyn wait! Please." Napahinto ako ng higitin niya ang kamay ko pero binawi ko ka agad.

"Ano ba Gabriel! Diba sabi ko sayo hanggang kaibigan lang ang maiibigay ko? Ano pabang gusto mo? Na mas hihigit pa doon? Gabriel naman!" Inis kong sabi.

Naawa ako sa kanya dahil hindi ko man lang maibigay ang pagmamahal na gusto niya.

"Please Lovelyn. Hindi naman kita pinipilit na mahalin agad ako eh. Yung akin lang sana naman bigyan mo rin ng pansin ang pagmamahal ko sayo." Lumuhod siya sa harapan ko.

"Please. Tutulungan kitang kalimutan siya. Tutulungan kita." Pumantay ako sa kanya.

"Gabriel. Hindi mo mapipilit ang puso na mahalin ka. May ibang babae pa na mamahalin ka ng sobra. Na maiibigay niya ang gusto mong pagmamahal. Pero Gabriel hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo. Hanggan doon lang." Sabi ko at tumayo na. Lumabas na ako at pumara ka agad ng taxi.

I'm sorry Gabriel pero nangako akong hindi ko kailan man makakalimutan si Alexander.

I'm sorry kung hindi ko maiibigay ang gusto mong pagmamahal.

I'm sorry.

Pinahid ko ang mga luha ko. Napakaselfish mo lovelyn. Nagagalit ako sa sarili ko dahil kung sino pa yung lalaki na nandiyan parati sa akin Hindi ko masuklian ng pagmamahal na hinahangad niya.

"Ma'am andito napo kayo." Binayaran ko na agad si manong at bumaba na. Pumasok na ako sa bahay.

"Oh Lovelyn Ang aga niyo naman natapos ni Gabriel mag dinner."

Napatingin ako kay mommy at malungkot na tinignan ito. Napansin niya naman yun kaya lumapit siya sa akin.

"May problema ba? Tell me." Napabuntong hininga ako at ngumiti ng mapait.

"Wala po mom. Pagod lang po ako. Pwedi po bang magpapahinga na ako? Inaantok na po kasi ako." Pagsisinungaling ko. Alam kong hindi naniniwala si mommy pero tumango lang ito.

"Thank you mom." Sabi ko at hinalikan ito sa pisngi. Umakyat na akong hagdanan pero nakita ko ka agad si daddy.

"Oh Princesss, Napaaga ka?"

"Dad. Maaga lang po natapos. Magpapahinga na po ako." Sagot ko at hinalikan ito sa pisngi. Pumasok ka agad ako ng kwarto at sinira ito. Hayssss.

Ang sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa mga material na binili ko kanina. Kinuha ko ito at binuksan. Siguro ngayon na ako nagsisimula. Kumuha ako ng ballpen at nag isip. Napangiti agad ako ng may naisip na ako.
Sinulat ko na ang pamagat na gusto ko. At nagsimula ng magsulat.

SEEING YOU: BY: UNLOVE

Naranasan mo na bang mag mahal na hindi gusto ng tadhana?

Naranasan mo na bang sumuko? Kahit ayaw ng puso mo?

Naranasan mo na bang Umiyak dahil nasaktan ka?

Narananasan mo na bang Lumaban? Kahit pagod na pagod kana?

Naranasan mo na bang magmahal pero inagawan ka?

Naranasanan mo na bang magmahal ng isang tao pero lumayo sayo?

Kung OO. Hindi ba napakahirap? Napakahirap isipin na "NAGMAHAL" ka lang naman pero sasaktan kapa

"NAGMAHAL" ka lang naman pero nawalan kapa.

"NAGMAHAL" ka lang naman pero inagaw pa?

"NAGMAHAL" ka lang naman pero ayaw pa ni tadhana ibigay sayo.

Masama bang MAGMAHAL? MAGMAHAL ka ng totoo. MAGMAHAL ka ng tunay. MAGMAHAL ka ng sobra. MAGMAHAL ka ng wagas.

MASAMA ba?

Paano kung yung PAGMAMAHAL na hinahangad mo ay hindi masaya?

Paano kung yung PAGMAMAHAL na pinaglaban mo pero nawala?

Paano kung yung PAGMAMAHAL na gusto mo lumayo?

Pipilitin mo bang intindihin? O mas Gusto mong lumayo narin?

Bakit SEEING YOU ANG PINAMAGAT KO?

Bakit SEEING YOU ANG NAISIP KO?

Bakit SEEING YOU ANG NAGUSTUHAN KO?

Dahil SEEING YOU ang pinili ko

Dahil SEEING YOU means Pangalawang buhay.

Pangalawang buhay na pipilitin kong buhayin ang pusong NASAKTAN.

Pangalawang Buhay na pipilitin kong ayusin.

Pangalawang Buhay kung saan Tayo Magkikita ulit.

At

Pangalawang buhay kung saan tayo MAGSASAMA ULIT.

****

Natapos ko ng isulat ang Pamagat ko at Trial ng Kwento ko. Napahawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit ito. Hayssss. Ang sakit ng ulo ko. Niligpit ko na ang Gamit ko at nilagay sa mesa. Sisimulan ko na bukas ang Unang Pamagat. Humiga agad sa kama at pinikit ang mga mata ko. Hanggang sa dinalaw ako ng antok.

#HOW'S CHAPTER 53?
#MESSAGE ME SA GUSTONG SUMALI NG GC KO.
Guys help niyo ako sa voting please. 😍

SEEING YOU ( MY HOTTEST BILLIONAIRE HUSBAND SEASON 2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon