CHAPTER 54: FRIEND

581 17 0
                                    

DIAMOND ♢ 54: FRIEND
LOVELYN POV (POINT OF VIEW)

THE LAST CHAPTER OF SEASON 2

TATLONG ARAW na ang nakalipas pero wala parin akong natatanggap na Message o tawag man lang galing kay Gabriel. Ganun nalang ba talaga siya ma dissapoint sa akin? Napabuntong hininga ako ng matapos ko ang ikalang Kabanata na ginawa kong kwento. Nandito lang ako sa garden. Pakiramdam ko mas lumalakas ang imahinasyon ko pag nasa tahimik na ako na lugar. Pumikit ako ng maalala ko ang nangyari noong nakaraang apat na buwan.

Si Gabriel ang palaging nandiyan sa tabi ko.
Si Gabriel ang palaging kasama ko pag nahohospital ako.

Si Gabriel palagi ang sumasagip sa akin pag nahihimatay ako.

Si Gabriel palagi ang umaasikaso sa akin.

Laging si Gabriel. Hindi niya ako pinabayaan. Hindi niya ako iniwan. Hindi niya kailanman pinaiyak.

Palagi niyang pinapalakas ang loob ko.

Palagi niyang sinasabi na sa akin na 'POSITIVE' lang babalik rin ang mga alaala mo.

Pero heto ako ngayon. Sinasaktan siya.

Sinasaktan ang Loob niya. Hindi ko man lang siya sinuklian ng magandang kalooban.

"Lovelyn." Napadilat ako ng mata ng mabosesan ko ang tumawag sa akin. Humarap ako dito at si Gabriel.

"Gabriel? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko at tumayo. Lumapit siya sa akin at umupo sa upuan ko. Umupo nalang din ako at tinignan siya. "Bakit hindi ka man lang nagparamdam sa akin? Nagagalit kaba?" Pagalala kong tanong. Umiling ito at ngumiti.

"Na busy lang ako ng tatlong araw. May pasyente lang akong inaasikaso." Sagot nito. Oo nga pala Isa si Gabriel sa PINAKAMAHUSAY na doctor sa buong pilipinas. Hindi lang siya gaanong lumalabas ng ibang lugar dahil alam niyang pag guguluhan siya ng mga tao.

"Ganun ba. Gabriel pasensiya kana ha." Pagiiba ko sa usapan.

"It's okay. Tama ka naman hindi mo mapipilit ang isang tao na mahalin ka. Tanggap ko naman ang desisyon mo. Kaya kahit masakit sa akin yun tatanggapin ko."

"Gabriel."

"Alam kong hindi madali para sa akin yun. Lalo na ang pinakamamahal kong babae binasted ako. Haha" napayuko ako ng marinig ko ang tawa nito. Alam kong hindi totoong tawa yun. Kahit taon ko palang nakilala si Gabriel. Hindi ganun ang patawa niya. Masyadong mabait si Gabriel sa akin.

"Look at me. Bumabalik ka na naman sa pagiging mahiyain mo Lovelyn. Hindi bat ang isang LUST ay hindi mahiyain?" Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya.

"Bakit bawal bang mahiya? Sapakin kita eh" inis kong sabi. Tumawa ito ng malakas.

"HHAHAHAHAHAHA" Napangiti ako ng nakita ko na ang totoong mga ngiti niya. Ito ang totoong Gabriel na nakilala ko. Mabait at Masayahin.

"Anong tina tawa tawa mo diyan?!" Sabi ko.

"Wala naman. Gusto ko lang tumawa. May lakad kaba ngayon?"

"Baka naman may surpresa ka naman ha?! Alam mo na ang sagot ko diyan Gabriel." Umiling ito at ngumiti.

"Oo na. Iimbitahan lang kita mag dinner kasama ang Bagong babae na nakilala ko." Nagulat naman ako. Bago?

"Bago? Gravi ka naman may bago ka na bang BESTFRIEND bukod sa akin?" Nagtatampo kong sabi.

"Haha no. Alam mo nakilala ko siya nung naging pasyente ko ang nanay niya last week. Hindi ko lang sinabi sayo kasi nga Alam mo na Gusto kita. Pero naisip ko may ibang tao pa palang magkakagusto sa akin. Haha" natawa naman ako

SEEING YOU ( MY HOTTEST BILLIONAIRE HUSBAND SEASON 2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon