Chapter 10 Visitors

4 1 0
                                    

Yazeed's POV

"Everyone listen up! Today dadating ang mga supervisors. And together with that titingin and if it happen tatanong sila randomly sa inyo just to see if nakikinig ba kayo o may nalalaman about the lessons. Understood?" Tanong ng guro naming.

Today is the last day of the month. And every month pumupunta dito ang mga supervisors and other higher rank individuals just to check the school progress and also the students.

"Yes miss" sagot naman ng karamihan. Nagkatinginan naman kaming apat.

"Now let's clean this room and prepare dahil dadating na sila maya maya." Utos naman ng guro namin at lumabas na siya.

"I'll see you after this" sabi naman ni Zuriel at lumabas na ng pinto.

Tumayo naman agad si Ranzel at tumingin samin.

"I'll go with Stella" wika naman nya kaya natango nalang kami.

Nabaling naman ang tingin ko sa mga kaklase naming naglilinis.

"Doon ka sa kabilang bintana Elis"
"Boys tumulong naman kayo oh"
"Naku Raven, puro kayo cellphone. Tumulong naman kayo."
"Ayon pampunas oh. Iyan kase mata ang dapat gamitin, hindi bibig."  Talak ng bibig ni Zendie. Kahit kailan talaga napaka ingay ng babaeng iyan. Pero mabait naman at madiskarte kaya nga naging presidente ng Student's government iyan dahil maliban sa pagiging madiskarte, matalino at mabait pa.

Nakita ko namang napabaling ang tingin nya kay Xerxes. Ang alam ko may gusto sya dito. Ewan ko lang sa lalaking ito. Manhid ata o sadyang mas gusto syang iba. Hindi naman kasi pala kwento ang isang 'to.

Nagkatitigan naman sila at biglang umiwas si Zendie. Nanatili namang nakatingin sa kanya si Xerxes.

"Stop staring at me. Baka matunaw ako nyan" wika neto kaya napa ismid ako.

"Then you should stop staring at her too" sagot ko naman.

"Whom?" Nagtatakang tanong nya.

"Zuriel's twin sister, Zendie" sagot ko .

Natawa naman sya. Minsan ko lang makitang tumawa ang isang 'to. Simula kasi ng namatay ang lolo nyang malapit sa kanya, parang biglang nag-iba sya. Dating masayahin at masarap kausap si Xerxes pero dahil sa inatake sa puso ang kanyang lolo biglang nag-iba ang lahat.

"Hindi sya ang tinitignan ko." Wika naman nya.

Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya at nabaling sa tinitignan nya. Nanlaki ang mata ko at napatakip ng bibig.

"Di nga?!" Di makapaniwalang tanong ko.
Tumango tango naman sya ng nakangiti. Sinampal ko ng mahina ang pisngi nya. Naningkit naman bigla ang kanyang mata.

"Sorry, pero totoo? Sya?!" Panigurado ko.

"Yes" maikling sagot nya at tumayo na.

"Hoi Mr. Cañoso, di kaba tutulong dito?!" Tanong naman ni Zendie bigla kaya napatigil sya sa paglalakad.

Hindi naman sya pinansin ni Xerxes at nagpatuloy na ito

"Ako, tutulong ako" nakangiting wika ko habang nakataas ang kamay .Napangiti naman sya pero alam kong pilit lang ito.

Her IdentityWhere stories live. Discover now