Kirsten POV
Inaantay kong tumawa siya pero ilang minuto ng walang nagsasalita isa sa amin.
Lub dub...
Lub dub...
Anong bang sinasabi niya? Trip ba niya ako? Ano bang nakain niya para umakto ng ganito.. Street foods lang naman.. ano yon may gayuma kaya nagkagusto sa'kin?
Gulong-gulo ang isip ko kaya tumawa nalang ako ng malakas na kinagulat niya. Lah baliw!
" HAHAHA ano ba yan joke? nakakatawa ha!" sarkastiko akong tumawa para maitago ko lang ang kabang nararamdaman ko.
Kunot-noo niya akong tinitigan, "I'm Serious!" seryosong aniya.
Napatigil ako sa pagtawa ng mahimigan ang pagiging seryoso sa boses niya.
"S...sorry" nauutal na sabi ko.
" I confess my feelings and you just laugh?" pigil ang inis na aniya, magkasalubong na ang kilay sa pagkakatitig sa'kin. " Do you think it's easy to admit how I feel? I tried to find a way to be with you and tell you ! no matter how hard I was to confess but I couldn't hide it anymore kate...."
Nagulat ako sa pag amin niya pero may parte sa'kin na ayaw siyang paniwalaan.
Masyadong mabilis, kanina'y hinihiling ko lang...
" Speak!" asik niya na kinagulat ko.
" Ang bilis naman Zaden, kailangan ba na sumagot na agad ako? Wala bang liga-"
" What?! Nag confess lang ako pero hindi ko sinabing liligawan kita, crazy!" putol niya sa sasabihin ko.
" Ha! Ganon ba yon?!" nagtataka akong napaisip.
Bakit sa mga teleserye pag umamin ang lalaki na gusto ang babae, liligawan muna bago maging sila.
" I don't know how to court a girl," aniya nabasa ata ang iniisip ko.
"So...." binitin niya ang sasabihin pa at ngumisi." You're my girlfriend now, whether you like it or not." mayabang na aniya.
" Hala Zaden! ang bilis naman ! " angal ko at tumayo ako sa duyan..
First time ko magkaka-boyfriend tapos walang ligaw? anong sasabihin sa'kin ng mga friends ko na easy to get ako?
" Why? I've known you since we were young, and I know you like me too." aniya na wari'y bilib na bilib sa sarili dahil alam niya ang nararamdaman ko.
Nanlalaki ang mga mata ko at naka awang ang labi ko dahil hindi ko pa nga mapaniwalaan ang pagkagusto niya sa'kin tapos gusto niyang maging girlfriend agad ako?...