Broken.

43 1 0
                                    

Behind my smile is a hurting heart.Behind my laugh,I'm falling apart.Look closely at me and you will see the person I am,isn't me.

Alam niyo yung pakiramdam na yung maling tao ang minahal mo?Yung maling tao ang pinili mong mahalin?Yung akala mo mahal ka rin niya katulad ng pagmamahal mo sa kanya pero hindi naman.At sa huli,alam niyo ba yung pakiramdam na

sa huli,iiwan ka din ng taong yan?

Kahit na sobrang nasasaktan ka na. Minamahal mo pa din siya.

Sobrang sakit e.Umasa ako.Umasa ako sa mga sinabi niya na hindi naman natupad.Umasa ako sa mga pangako niya.Umasa ako na hindi niya ako iiwan.Umasa ako na mamahalin niya rin ako.

Hindi ko na napansin yung mga taong handang maghintay sa akin hanggang sa huli dahil mas pinili ko siyang pagtuunan ng pansin.Binalewala ko yung mga taong mahal ako at pinagpalit sa taong mahal lang ako bilang kaibigan.

One of the saddest thing that can happen is when one falls in love while the other wants nothing more than Friendship.

Hindi sana ako aasa kung hindi siya nagbibigay ng motibo.Hanggang kaibigan lang pala ang lahat ng yun.

Using a white crayon in a white paper is like loving someone who doesn't feel the same way. It marks but always INVISIBLE.

Nangako din siya na hindi siya magbabago at hindi niya ako iiwan hanggang sa huli pero anong nangyari?Minsan ay parang hangin nalang ako na nadaan sa kanya.Kakausapin nalang din ako pag may itatanong o may kailangan.

May mga bagay na din ako na nalalaman ngayon na yung mga ginagawa at sinasabi niya sa akin ay ginagawa niya na din sa iba ngayon.

SHET.

Alam niyo kung gaano kasakit?Yung tipong mapapaluha kana lang.Yung may masasabi kang masasakit na salita sa kanya ng hindi niya nalalaman.At yung tipong,hiniling mo nalang na sana hindi nalang umabot sa ganun ang pagkakaibigan niyo para hindi ganito kasakit.

Mahirap umiyak dahil sa sakit na nararamdaman, pero mas mahirap tumawa para lang ipakita na hindi ka nasasaktan.

Ang hirap din magpanggap na masaya ka sa harap ng mga tao.Yung ngingiti at tatawa ka pero sa kaloob-looban mo ay nadudurog ang puso mo.Yung pinipilit mo nalang maging masaya at pinipilit kayanin mag-isa ang problema.

Nangako ako sa sarili kong kakayanin ko ito at magiging matatag at sa tingin ko ay nagawa ko naman.

Hindi na ako masyadong nasasaktan sa ibang bagay na nalalaman ko tungkol sa kanya pero minsan,ewan,ang sakit paren talaga.May mga oras na naiisip ko pa din siya pero hindi katulad ng dati na mula paggising hanggang sa pagtulog ay siya lang ang laman ng isip ko.

Kapag hindi ka mahal, tanggapin mo. Hindi yung lolokohin mo pa sarili mo na balang araw, mamahalin ka din niya.

Nangako na ako sa sarili ko na hindi na ako aasang papansinin niya ako sa bawat pagkikita namin at ngayon ay nasasanay na ako.

Sometimes you just have to watch the broken pieces fall to the ground and walk away, no matter how much you want to fix it.

Nasasanay na akong wala na talaga yung dati.Yung dating kami?Alam kong malabo na yun ngayon.Sobrang labo na.

Pero kung minsan ay naiisip ko kung namimiss niya kaya ako?Pero halata namang hindi kaya hindi na din ako naasa sa bagay na yan.

Yun kasi ang pagkakamali ko e,yung umasa ako.

At dahil sa umasa ako,eto ako ngayon,nasaktan.

Nagpapasalamat rin naman ako sa kanya dahil kung hindi nangyari to,hindi ko malalaman ang kahalagahan ng pagiging masaya.

Dahil sa kanya,mas naging matibay ako.Biruin niyo,nakaya ko tong mag-isa.At eto ang masasabi ko,hindi madali.

Sana ngayon masaya siya sa mga nangyayari sa buhay niya.Hindi ko masasabing sana hindi siya magbago dahil nangyari na e,nagbago na siya pero sana kahit ganun ay wag niya sana kalimutang nandito paren ako bilang kaibigan.Ako paren to,yung dati niyang kaibigan.

Ngayon ay mas pahahalagahan ko na ang mga tao sa paligid ko ngayon dahil ang hirap mawalan.

Ang hirap maiwan.

Ang hirap umasa.

Dahil sa nangyari na ito ay madami akong natutunan at isa sa pinakamahalaga kong natutunan ay huwag agad susukuan ang problema,hayaan ang problema ang sumuko sayo.

Balang araw,mahahanap ko din yung taong magmamahal at maghihintay sa akin hanggang sa huli.Yung taong hindi ako iiwan.Yung taong hindi ako susukuan.Hihintayin kita.Sana dumating kana sa tamang panahon at tamang lugar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon